HAWAK ni Crystal ang kanyang anak sa kaliwang kamay habang pumipirma sa log sheet ng DBS sa entrance lobby nang may biglang tumabi sa kanila at bigla na lamang bumitaw sa hawak niya si Theo.
"Daddy Mhike!" sigaw ni Theo.
Napapailing na lamang siya habang pinagmasdan ang pagkarga ni Mhike sa kanyang anak.
"Nasasanay ka atang bumibitaw sa hawak ko tuwing nakikita mo ang Daddy Mhike mo?" pagtatampo niya sa anak.
But when her son smile, natunaw ata lahat ng tampo niya dito.
"Sorry, Mommy. Kinakarga kasi ako ni Daddy Mhike, e," pagdadahilan pa ni Theo habang mahigpit ang kapit sa leeg ni Mhike.
"Huwag mo nang pagalitan ang anak mo. Ikaw kumarga," natatawang saad pa ni Mhike.
"Tse! Laki-laki mo na papakarga ka pa," reklamo niya sa anak.
"Baby pa daw po ako sabi ni Daddy Mhike," nagawa pang magpalusot ng anak niya.
Pinanlakihan niya ng mga mata si Mhike.
"Talaga namang baby pa si Theo, e." At talagang nagkakasundo pa ang dalawa sa pagdadahilan sa kanya.
Hindi naman siya makapaniwala sa bungisngis na ginawa ng dalawang lalaki sa harapan niya. Nagawa na lamang niyang irapan ang mga ito sa ginagawang pagtutulungan ng mga ito laban sa kanya.
"Baby Theo," tawag ni Mhike sa kanyang anak. Ginulo-gulo nito ang buhok ng bata. "Do you wanna play a game?" nakangiting tanong nito.
Kumunot naman ang noo niya sa tanong na iyon ni Mhike sa anak niya. "Agang laro naman ata niyan."
"Opo," halata ang excitement sa mukha ni Theo. Mukhang gusto na rin nito si Mhike.
"We're gonna play a family game!" masayang saad ni Mhike. "I am your father. Mommy Crystal is your mother and you are our son!"
Napairap siya sa sinabing iyon ni Mhike. E, hindi ba parang ganoon nga nang sitwasyon nila sa pagtawag ni Theo kay Mhike ng 'daddy'.
"Opo!" sabay sagot ni Theo.
"Baby Theo, call me 'daddy' and Mommy Crystal as 'Mommy'. Lakasan mo," utos ni Mhike kay Theo. "Then, hug us."
Kahit parang nalilito ay sumunod naman ang kanyang anak.
"Daddy!" sigaw ni Theo sabay yakap sa leeg ni Mhike. "Mommy!" sunod na sigaw ni Theo sabay pilit na inabot siya kaya siya na lamang ang lumapit dito upang yakapin ang anak.
"Baby Theo!" sigaw ni Mhike at mahigpit na niyakap ang kanyang anak na kulang na lang ay panggigilan niya ito.
Natawa na lamang siya sa kalokohang iyon ni Mhike habang nasa lobby sila at halos lahat ng tao roon ay narinig ang sigaw ng dalawang lalaki.
And she suddenly stopped in laughing when Mhike touched her chin with a wide smile on his face.
"Anong kalokohan ito, Mhike?" nakataas ang isang kilay niya pero mas lalo nitong nilawakan ang ngiti.
"Huwag kang magugulat kapag anumang oras may sasapak sa akin dito at bumulagta ako sa harapan mo."
"Ha?" nagtatakang tanong niya dito.
"There's an approaching volcanic eruption on your right."
At halos manlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. The moment she laid her eyes on her right, there, she found Thyro staring at them with burning eyes.
Bumuka ang bibig niya sabay balik ng tingin kay Mhike. "You did it a purpose!" singhal niya dito.
Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay hinawakan ang kamay niya ng mahigpit at hinala siya palapit sa elevator habang karga nito ang anak niya. Pasimple niyang binabawi ang kamay ngunit mukhang wala itong balak bitawan ang kamay niya hanggang sa makapasok sila ng elevator.
"What are you doing, Mhike?!" singhal niya dito sa mababang tono. Pilit niyang pinapanormal ang tono ng boses dahil karga nito ang anak niya.
"Letting him think that Theo is my son," kalmadong sagot ni Mhike sa tanong niya ng hindi tumitingin sa kanya.
Napatawa siya ng mapakla. Mhike is really a playful man. Ginawa nito ang bagay na iyon ng hindi kumukonsulta sa kanya. And she knows, Thyro would really get too mad at her.
"You are so unreal, Mhike," ang tanging nasabi niya sa kalokohang iyon ni Mhike.
"At least, hindi niya iisiping kanya si Theo at wala siyang dahilan para mag-file ng custody para sa bata," sagot ni Mhike.
And she knows he is right. Kaso nga lang hindi niya alam kung tama bang sinabi niya sa mga kaibigan ang sitwasyon nila ni Thyro. Mukha kasing natutuwa pa si Mhike at gustong-gustong makipaglaro sa anak niya.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019