Part 10

1K 42 0
                                    

RAMDAM ni Crystal ang malalamig na tingin sa kanya ni Thyro na nakaupo sa katapat niya lamang na upuan sa long table na iyon sa loob ng conference room. And the way Thyro looked at Mhike who's now infront, discussing the possible topics and points that the Editorial Department could possibly write for the DBS Men that will feature Thyro and the HDR-P Company.

At alam niya sa sarili kung para saan ang mga malalamig na titig na iyon ni Thyro. Naikuyom niya ang mga kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Gustong-gusto niyang sapakin si Mhike sa ginawang pang-aasar nito kay Thyro kaninang umaga sa lobby.

That fucking bastard! How could he do that?!  Dahil sa ginawa ni Mhike, nasisigurado niyang mas lalong nagalit sa kanya si Thyro! At hindi mabuti iyon!

"I am looking forward for the articles about HDR-P. I hope we could read it first before it could be printed for finalization," narinig niyang saad ni Thalia na katabi ni Thyro.

Pasimple niyang sinulyapan si Thyro. Sa klase ng pagkaka-slouch nito sa upuan ay para hindi ito interesado sa article and layout briefing na nagaganap sa conference room.

"Yes. We could possibly do that. We will send you samples before the final printing," sagot ni Katrina sa sinabi ni Thalia.

"Photo taking is scheduled next week. Creative Department will conduct the photo taking on HDR-P and the studio team will do the photoshoot for Mr. Thyro for the possibles takes that will be used for magazine cover," saad ni Lyndon.

"Nakahanda na naman ang team ng CD. Go signal na lamang ang hinihintay namin," singit ni Xaniel.

"Some of my team members will do an interview for possible employees of HDR-P. And we are just waiting for your free time for your interview as the part of the magazine," Mhike added.

"And that will be true if we signed the contract," pagtatapos ni Lyndon.

"Of course," masayang saad ni Thalia.

Inilahad na ni Katrina ang mga kontrata na may dalawang kopya. Nakita niyang kinuha ni Thyro ang isa at tinitigan ang mga papel na nasa loob niyon wari'y sinusuri ang mga nakasulat. Wala naman siyang mabasang emosyon kung natutuwa ito o hindi.

"We can't allow the Creative Department to take pictures near our employees during work hours," biglang anunsyo ni Thyro.

Ang lahat naman ay napatingin sa huli.

"Yes," agad na sagot ni Xaniel. "Hindi naman namin maiistorbo ang mga empleyado. Just few takes inside the company."

Sinara ni Thyro ang folder na may laman na kontrata. "We are giving services to private customers. Even our employees are not allowed to tell what they are doing inside the company premises at home."

Mukhang nakuha naman ni Thalia ang ibig sabihin ni Thyro nang bigla nitong buksan ang folder ng kontrata. "I'm so sorry. I'll take Thyro's side. Our customers' details and information are confidential. We can't allow you to take pictures during work hours. Maybe, just don't take pictures near our employees especially on their computer monitors."

"Naiintindihan ko," agap ni Lyndon. "Of course, we are in the business world and we don't want to disappoint our clients. Giving customers' information without their consent is against the law. And yes, Creative Department will be too careful for that."

"Naiintindihan ko," si Xaniel. "Makakaasa ang HDR-P na walang anumang information ng inyong customer ang makakalabas gamit ang mga makukuha naming larawan."

Thalia smiled while Thyro just had a pokerface.

"Kung gayon, wala na siguro tayong problema," saad ni Thalia sabay tingin sa katabi nitong si Thyro.

And without further notice, Thyro signed the contract and everyone did the same.

Ang lahat ay nakatayo na sa doorway ng conference room. They are waiting for Thyro and Thalia for final handshake because they were able to closed the contract between DBS and HDR-P.

But what makes her left there dumbfounded when Thyro accepted the handshake of everyone even Mhike's but Thyro skipped her hand and did not do a handshake.

Halos napatitig siya sa kamay na naiwan sa ere. Napapitlag naman siya ng biglang may humawak sa kamay niya at nakipag-handshake.

"Thank you," it's Thalia. When she looked at her, she had a wide smile.

"Thank you," she said back. Nakaalis na naman na ang dalawa nang may mapansin siyang papel sa kamay. Napakurap-kurap siya ng titigan iyon. It's a calling card. Hindi niya napansing may iniwan iyon ni Thalia sa kamay niya.

And what made her think twice when she turned the calling card, there are words written on it saying...

Give me a call.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon