HALOS natuod at hindi magawang makagalaw ni Crystal nang bumukas ang pinto ng halos tatlong palapag na bahay na iyon sa kanyang harapan. And it can clearly say that the house is such a modern type that has been done professionally and with high standards. And by the way, Thyro works as president in a house development research company so hindi na siguro nakakapagtaka kung bakit ganoon kaganda ang bahay nito.
"Tatayo ka na lang ba d'yan magdamag?"
Napakurap-kurap siya nang tingnan niya si Thyro na nakapasok na pala sa loob ng bahay.
"Kung iniisip mong tumakas ulit, well, sorry, well-secured ang bahay ko at nasisigurado kong hindi mo maaakyat ang pader."
Wala sa sariling napailing-iling siya. "H-Hindi naman ako tatakas... ulit."
Wala ng sinabi si Thyro at tinalikuran na lamang siya. Mabilis na napasunod naman siya dito hanggang sa loob ng bahay. And when the moment she laid her eyes inside the house, definitely and surely, she couldn't runaway away again because her heart wants to stay in such beautiful house forever.
"Ms. Lilia!" sigaw ni Thyro. "Please, prepare Crystal pair of comfortable dress from Thalia's room! I want her well-prepared before I go out of my office!"
Kahit nagtataka kung sinong kausap ni Thyro ay napasunod na lamang siya rito ng tingin nang magmadaki itong umakyat sa hagdan hanggang sa palapag ng bahay at naiwan siya roon mag-isa sa baba.
She smirked. Well, mukhang ganoon na lamang ang tiwala ni Thyro sa bahay na iyon upang iwan siya mag-isa at nasisigurado nitong hindi talaga siya makakatakas ulit.
Napapailing na lamang siya. "Gabi na trabaho pa rin," bulong niya sa sarili.
"Ms. Crystal?"
Napapitlag naman siya nang may magsalita sa kanyang likuran at nang lingunin niya ito ay nakita niya ang isang matandang babae na. Nakangiti ito sa kanya at mukhang ito na nga ang Ms. Lilia na tinutukoy ni Thyro.
"English? Filipino? Mandarin? Japanese?"
"P-Po?" napakurap-kurap na tanong niya sa matanda nang banggitin nito ang mga lenggwaheng iyon.
"Filipino?" tanong ulit ng matanda.
Bigla siyang napatango-tango sa sinabing iyon ng matanda. "O-Opo. Filipino."
Nanlaki naman ang mga mata niya nang huminga ng malalim ng matanda at napahawak pa sa dibdib nito.
"Akala ko mapapasabak na naman ako sa matinding mga lengguwahe," ani ng matanda. "Ako nga po pala si Lilia. Ms. Lilia ang tawag sa akin ni Sir Thyro."
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Halatang nasabak sa pakikipag-usap sa mga foreigner ang matanda.
"Crystal po. Marunong po ba kayo magsalita ng ibang lengguwahe?" natutuwang tanong niya dito.
Umiiling-iling ang matanda. "Hindi masyado. Kapag hindi na kinakaya ng utak ko, si Sir Thyro na ang humaharap sa mga bisita niya."
"Ah. Okay po," aniya.
"Samahan kita sa tinutuluyang kuwarto ni Ms. Thalia. Saglit lang si Sir Thyro sa office niya kaya kailangang nakapagbihis ka na bago siya matapos."
Wala naman sa sariling napasunod siya sa matandan nang umakyat ito sa pangalawang palapag ng bahay. Ang unang kuwarto sa kanan ang binuksan ng matanda. Nakasunod lamang siya rito hanggang sa makapasok ito sa loob saka binuksan ang ilaw. Namangha naman ang mga mata niya nang masilayan ang magandang dekorasyon ng kuwarto. Halatang magaling na interior designer ang humawak 'nun.
"Saan ka po ba mas komportable? May mga damit po dito si Ms. Thalia na kakasya naman po siguro sa inyo," ani ng matanda nang buksan nito ang isang malaking cabinet.
"Ms. Lilia, hindi niyo naman po ako i-po at opo. Mas matanda po kayo sa akin," aniya.
"Paggalang na rin po sa amo iyon."
"Si Thyro naman po ang amo niyo."
"Asawa ka ni Sir Thyro kaya amo rin po kita."
Halos mamilog ang mga mata niya sa narinig. Hindi niya maalala na sinabi niya iyon sa matandan kanina kaya laking pagtataka niya kung paano nito nalaman ng tungkol doon.
Mukhang nahalata naman ng matanda ang pagkagulat niya. "Alam po naming lahat ang pangalan ng asawa ni Sir Thyro. Mula sa mga security guards ng subdivision, sa bahay na ito hanggang sa mga kapitbahay at sa mga kasambahay. Alam po namin ang pangalan niyo, Ms. Crystal Galorio Pacalla."
Halos napipi siya sa sinabing iyon ng matanda. Hindi siya makapaniwalang halos lahat ng nakapalibot kay Thyro ay alam ang tungkol sa kanya pati ang buo niyang pangalan.
Hindi naman halatang pinagkalat ni Thyro na mag-asawa sila?
Nahalata niya ang malawak na ngiti ng matandan habang naghahalungkat sa malaking cabinet. May hawak na itong pares ng mga damit nang humarap sa kanya.
"Puwede na po siguro ito. Hindi ko po puwedeng ibigay sa inyo ang medyo mga maiiksi at halos wala nang matakpan na damit. Baka mapagalitan ako ni Sir Thyro."
"Hindi rin naman po ako nagsusuot ng damit na halos kita na ang buong balat ko," aniya. "Hindi po ba magagalit si Thalia na pinakialam ko ang mga damit niya?"
Umiling-iling ang matanda. "Hindi naman po dito umuuwi si Ms. Thalia. Minsan lang po kapag napagtripan niya si Sir Thyro."
Nagtaka siya sa sinabi nito. "Hindi dito umuuwi si Thalia?"
Umiling-iling ang matanda. "Hindi po. Kay Sir Thyro ang bahay na ito. Siya lang ang nakatira dito kasama kami na mga kasambahay niya at mga guards. Sa unang palapag ang mga kuwarto namin. Itong pangalawang palapag hanggang sa pangatlo, sa kanya at siya lang po ang gumagamit. Itong kuwarto pong ito ay napilitan si Sir Thyro na payagan na iokupa ni Ms. Thalia tuwing nakikituloy ang kapatid niya dito. 'Yung isang kuwarto sa kanan, iyon po ang office niya. Ang kuwarto sa third floor ay ang kuwarto niya."
Halos mapanganga siya sa sinabi ng matanda. Sa sobrang laki ng bahay na iyon, si Thyro lang at mga kasambahay nito ang nakatira doon? Daan tumutuloy si Thalia? How about their parents? Shocks! Gaano ba kayaman itong 'asawa' niya?
"Hatid ko na po kayo sa kuwarto niyo para mapapag-ayos na po kayo," ani ng matanda sabay labas ng kuwartong iyon.
Napasunod na lamang niya kay Ms. Lilia. Hindi naman niya namalayang umakyat pala sila ng ikatlong palapag.
"Dito ang kuwarto ko?" takang-tanong niya. "'Di ba sabi niyo po ang pangatlong palapag ay kuwarto ni Thyro?"
Tumango-tango ang matanda. "Opo. Bakit? Hindi po ba kayo magsasama sa iisang kuwarto?"
"Po?!" gulat na tanong niya dito. No way! Sila ni Thyro sa iisang kuwarto?! Well, hindi niya nakakalimutan kung paano siya nagulat nang magising na katabi sa kama ni Thyro walong taon na ang nakakalipas. "Wala po bang ibang kuwarto na bakante?"
Umiling-iling ang matanda. "Itong buong third floor ang kuwarto ni Sir Thyro." Napasunod na lamang siya ng tingin nang kumatok ito sa nag-iisang pinto sa third floor. "Sir, nandito na po si Ms. Crystal." Nagulat pa siya ng bigla itong humarap sa kanya. "Si Sir Thyro ang magbubukas ng pinto."
Halos lutang ang kanyang isip hanggang sa sundan niya ito ng tingin hanggang sa makababa ito ng hagdan. And she was left there confused. Ano na ang gagawin niya? Napatitig na lamang siya sa mga damit ni Thalia na hawak niya. Napuno naman ng pagtataka ang isip niya nang hindi pa bumubukas ang pinto kaya lumapit siya doon at hinawakan ang doorknob saka sinubukan iyong buksan ngunit halos naubos na niya ang buo niyang lakas sa pagtulak pero hindi niya iyon magawang buksan.
"Ano bang pinto ito?!" singhal niya. "So, ano? Dito ako mag-aayos sa labas? Dito na rin ako matutulog?" tanong niya sa pinto.
"Puwede rin."
"Ay palaka!" hiyaw niya nang may biglang magsalita sa kanyang likuran at isang kamay ang bigla na lamang humawak sa doorknob.
And what makes her more shocked when Thyro opened the door, that easily! Ni hindi ata ito nagsayang ng lakas upang buksan ang pintong iyon! My god! Wala ba siyang lakas tumulak ng pinto?!
"Papasok ka o tititigan mo lang 'yung pinto?"
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019