Part 14

1K 41 6
                                    

"WHY do I need to stop at Esplanade?!"

Gigil na gigil si Thyro sa walanghiya niyang kapatid sa pinapagawa nito sa kanya. Alas diyes na ng gabi at gustong-gusto na niyang magpahinga sa haba ng trabaho na ginawa niya sa HDR-P. Hinahanap na ng kanyang katawan ang malambot na kama sa kanyang kuwarto. At alam niyang sa oras na maramdaman niya iyon ay hindi bibilangin ng minuto upang siya'y makatulog.

"Pagsisisihan mo kapag hindi ka dumaan ng Esplanade," babala pa sa kanya ni Thalia.

"Don't tell me what should I do!" sigaw niya dito kahit na kausap niya lang ito sa cellphone. "Keep your mouth shut! Tumawag ka lang ba para buwisitin ako?!"

"Huwag mo nga akong sigawan! Ate mo pa rin ako!"

"Isang taon lang tanda mo sa akin!"

"Basta dumaan ka ng Esplanade kung ayaw mong kunin ko sa'yo 'yang puwesto mo sa HDR-P!"

He tsked. His sister knows how to threat him bad. Alam kasi nitong isang sabi lang nito sa kanilang ama ay agad na papababain siya sa puwesto upang ito ang pumalit sa kanya.

"You are really good in blackmailing! Watashi o karakatte wa ikemasen!"

"You're welcome!" sagot naman ni Thalia. "Don't make her cry too much, ha. She already cried a river earlier."

With those words left, Thalia ended the call. Pahambalang naman niyang binato ang kanyang cellphone sa passenger's seat. And he just found himself parking the car on the space provided by the Esplanade Night Town Management.

"Anong sinabi mo?"

He didn't even expect that he would see Crystal at the Marina Bay sidewalk. Alam na niya kung bakit siya pilit pinapadaan ni Thalia ng Esplanade. Sa paglalakad niya kanina ay hindi niya inaasahang makita ang babae na nakatulala lang sa malawak na Marina Bay. At hindi rin naman niya alam kung bakit kusang naglakad ang mga paa niya palapit dito.

There is still part of him wants to see her. And he knows, it's his heart.

Crystal wiped her tears. "He's name is Theo Christian Galorio..."

Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha wari'y hirap na hirap sa nalaman mula sa babaeng nasa kanyang harapan. Now, he already realized why he felt jealous seeing that little kid wrapped his hand around Mhike's neck. Naisip niya pa kung paano kung siya ang may karga sa batang iyon? How would it feel like? And what made him more frustrated when he heard that kid called Mhike as daddy?! Parang sinaksak ang puso niya nang marinig niya iyon. At mas doble iyon nang makitang parang isang buong pamilya sina Crystal, Mhike at ang batang iyon na masayang nag-uusap noon sa lobby ng DBS.

"...Pacalla."

Halos tumigil ang mundo niya sa huling sinabing iyon ni Crystal. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang dapat sabihin. Ang gusto niya lang sa mga oras na iyon ay mayakap ang kanyang anak. Yes, his son. Gusto niyang mayakap ang anak na halos walong taon niyang hindi nakilala.

Crystal kept on wiping her tears but no use. Patuloy ang paghikbi nito. "S-Sinunod ko ang pangalan niya sa'yo. K-Kasi sa ganoong paraan lang ako makakabawi sa'yo. Sa nagawa ko sa'yo. Naisip ko na kapag sinunod ko sa'yo ang pangalan niya, hindi mawawala ang karapatan mo sa kanya bilang ama niya."

"Paano mo nalaman ang buo kong pangalan?" takang-tanong niya dito.

"Nakakuha ako ng marriage certificate few weeks after I knew about my pregnancy."

Mas lalong hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Gusto niyang sumigaw sa hangin pero pinigilan niya ang sarili. "You know me! Alam mo na pala ang pangalan ko noon pa! Hindi mo man lang ako hinanap?! Wala lang ba talaga ako sa'yo! Bakit!"

Agad naman siyang inatake ng konsensya sa nagawang pagtaas ng boses kay Crystal gayong nasa sidewalk pa pala sila ng Marina Bay at halos buhay na buhay ang Esplanade sa dami ng tao. And before he could forgot, bilin ni Thalia na huwag na paiiyakin si Crystal.

"Nasaan si Theo?" humina na ang boses niya. Hindi rin naman niya kayang makitang umiiyak sa harapan niya si Crystal. And in whatever reason is, hindi niya alam o ayaw niya na lang muna pangalanan.

"N-Nakina-Rodlyn. D-Doon na nakatulog. S-Susunduin ko na lang bukas ng umaga. Binilin ko muna kasi nagkita kami ni Tha----." Hindi nito tinapos ang sasabihin dahil parang may bigla itong naaalala.

But he already knew what she's trying to say. Sa pagkakatawag sa kanya ni Thalia kanina, alam niyang nakita at nakausap nito si Crystal.

Sundin ang puso? O utak?

And he chose his heart.

Mabilis na hinawakan niya ang kamay nito at mabilis na hinala ito pabalik sa lugar kung saan niya pinarada ang kanyang sasakyan.

"M-Magte-train na lang ako," agad sa saad ni Crystal nang makarating sila sa parking lot.

Hindi naman niya ito pinakinggan at saka lang binitawan ang kamay nito nang nasa tapat na sila ng pinto ng passenger's seat ng kanyang kotse.

Hindi agad sumakay si Crystal pagkabukas niya ng pinto ng passenger's seat. May pag-aalinlangan sa mukha nito.

"Magte-train na lang ako pauwi. May malapit na train station naman dito sa Esplanade," tanggi ni Crystal.

He looked at her intently. Alam niyang may epekto dito ang mga titig niya dahil halos hindi ito makatingin sa kanya.

"Do you think I will allow you to go home alone in this hour?"

"L-Ligtas naman dito sa Singapore. Hindi naman siguro ako mapapahamak sa daan," pagdadahilan pa ni Crystal.

"Bakit? Alam mo ba paano umuwi sa bahay ko?" taas noo niyang tanong dito.

Confusion is in all over Crystal's face. "Ha? Bahay mo?"

He nodded. "Uuwi ka sa bahay ko. Whether you like it or not, you're going home with me." He holds Crystal's hand and pull her towards him. She's not looking at his eyes so he touched her chin and let her eyes met. "You're going home with me, my wife. And I'll make sure, you can't runaway this time."

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon