"THEO Christian Galorio... Pacalla."
Napapailing na lamang siya sa ginagawang pang-aasar sa kanya ni Rodlyn. Sumama ito nang hapon na iyon hanggang sa tinutuluyan niyang condo unit sa Yew Mei Street matapos ang work hours nila sa DBS. Napasalamat na lamang siya at nakatulog ng maaga ang anak niya. Heto sila ngayon sa sala at pinapakialaman ni Roldyn ang maletang kasama ni Theo na dumating.
Abala siya sa paghahanda ng miryenda para sa kanilang dalawa nang lumapit sa kanya si Rodlyn sa center island bandang kusina ng condo.
"Hanga rin ako sa'yo, ah," napapatangong saad ni Rodlyn nang maupo ito sa high chair habang hawak ang isang papel na galing sa maleta. "Talagang sinunod mo ang pangalan ni Theo sa kanya. Ang bait mo. Wala akong masabi."
Napabuntong-hininga na lamang siya sa sinabi nito. Inabot niya rito ang isnag basong juice at pancakes na binili niya bago sila umuwi.
"Alam mo naman kung bakit," sagot niya sa pinsan. "Sa ganoong paraan na lamang siguro ako makakabawi sa nagawa ko sa kanya."
Tumango-tango naman si Rodlyn. Laking-gulat naman niya nang ilipat naman nito ang papel sa likuran ng isa pang papel na hawak nito na alam niyang birth certificate ni Theo.
"Pati ba naman 'yan pinakialaman mo?" hindi niya makapaniwalang-tanong sa pinsan.
"Thyro Christian Nishikawa Pacalla," binasa ni Rodlyn ang nakasulat sa papel na iyon at alam niya kung ano naman ang hawak nito. "Anong gagawin mo dito?"
Napapiling na lamang siya sa mga tanong ni Rodlyn. Uminom muna siya sa tinimplang juice bago sinagot ang tanong nito. "In case hanapan ako ng marriage certificate sa school na papasukan ni Theo at least may ihaharap ako."
Tumango-tango si Rodlyn na wari'y sumasang-ayon sa sagot niya.
"In fairness, ang guwapo ng pangalan," komento ni Rodlyn.
Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Well, she could never forget that gorgeous handsome face she was able to stare that one morning she woke up in a stranger's room.
"Titigan mo anak ko, well, malalaman mo ang sagot," buong pagmamayabang niya kay Rodlyn.
"Wow, ha! Hindi ko ikakailang guwapo ang inaanak ko," pagsang-ayon ni Rodlyn. "Sige na nga. Hindi ko na kukuwestyunin ang physical features ng ama ni Theo. Halata naman sa bunga, e."
"Buti nakakuha ka nito?" tanong ng pinsan na ang tinutukoy ay ang hawak na marriage certificate.
"Oo nga, e," aniya. "Kailangan ko pang maghire ng abogado para makakuha ng marriage certificate. Paano ba naman, ni pangalan niya hindi ko alam. Paano nga naman ako makakakuha niyan sa PSA, 'di ba? Mabuti na lang nadaan sa abogado."
"Sinubukan mong hanapin?" usisa ni Rodlyn.
Napatitig siya sa pinsan. "Bumalik ako dun sa bahay pero wala na siya dun. Wala daw nakatirang Thyro dun. Gusto ko na nga lang maniwalang panaginip 'yun kundi lang talagang bigla na lang nalaman kong may laman ang sinapupunan ko after three weeks. Doon ko talaga napatunayang hindi iyon panaginip. Totoong nagising talaga akong isang umagang katabi sa higaan 'yang Thyro na 'yan. Dagdag pang may marriage certificate talaga akong nakuha na nagpapatunay na kasal kami!"
Napatigil siya sa pagkukwento nang mapansin niyang parang isang batang manghang-manghang nakikinig sa kuwento ng teacher ang itsura ni Rodlyn habang nakatitig sa kanya.
"End of story na," aniya.
Napanguso naman si Rodlyn sa sinabi niya. "Malay mo hindi pa. Hindi pa ulit kayo nagkikita, e."
Inirapan niya ang pinsan. "Eight years na besh. Aasa pa ba ako? Pitong taon na ang anak namin pero hindi pa kami nagkikita. Kung gusto niya talaga akong makita, hahanapin niya naman siguro ako, no? Kaso eight years? Walang Thyro na kumatok sa pinto ng bahay ko."
"Nandito ka kasi sa Singapore. Paano 'yun kakatok sa pinto ng bahay mo, e, sa Pilipinas nangyari 'yun?"
"Lagi ka talagang may palusot, no?"
Napangalumbaba si Rodlyn sa mesa. "Malay mo, isang umaga, magising ka na nand'yan na pala siya ulit. On the way na."
"Baliw!" singhal niya dito. "Malay mo naman nakahanap na ng iba iyon. Posible 'yun sa walong taong lumipas."
"Baka nakakalimutan mong kasal siya sa'yo."
Napahinto siya sa sinabi nito. Saglit na nawala iyon sa kanyang isip.
Tinaas ni Rodlyn ang hawak na papel at winagayway sa harapan niya. "Galing sa PSA ng Pilipinas ang mga papel na ito. Legal na asawa ka niya. Pareho kayong nakapirma sa marriage certificate na ito. Pangalan niya ang nakasulat as father ni Theo sa birth certificate ng anak mo. Girl, may laban ka."
"Ano ka ba," pigil niya dito. Sa totoo lang, alam niyang may punto ang pinsan niya pero ayaw naman niyang umasang may Thyro Pacalla na bigla na lang susulpot sa buhay nila. "Ayoko umasa, Rodlyn. Baka nga galit iyon sa akin sa ginawa kong pagtakas kaya siguro hindi na niya ako hinanap."
"Bakit kasi tinakbuhan mo?" may panghihinayang sa boses ng pinsan niya. "Para namang hindi pinilit ang pirma mo dito sa marriage certficate niyo."
Napaisip siya sa sinabi nito. Kahit siya, hindi niya rin alam kung paanong umabot sila sa ganoong sitwasyon ng lalaking iyon.
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maalala kung bakit umabot kami sa pagpirma sa marriage certificate na 'yan. Hindi ko rin maramdamang pinilit niya ako. Sa gandang lalaki niyang iyon, kahit sino, gugustuhing maging asawa niya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit pinili niyang matali sa akin," aniya.
"Hoy! Ganda kaya ng lahi natin! Hindi na siya lugi sa'yo, no? Ganda kaya natin!"
Natawa na lamang siya sa ginagawang pangpalubag-loob ni Rodlyn sa kanya. "Pinsan nga kita, taas, Rod. Di ko alam bakit nabaliw sa'yo si Xaniel."
"Maiba tayo," biglang pagbabago ng tono nito. "Hindi pa ba hinahanap ni Theo ang ama niya? He is already seven. Alam nating may isip na ang batang 'yon."
Napabuntong-hininga siya sa tanong nito. "Hindi pa. Pero ramdam kong naghahanap na siya. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa ni Mhike. Kahit papaano may lalaking nakikita si Theo na maging ama niya. Mabuti na lang baliw ang kaibigan nating iyon."
Natawa naman si Rodlyn. "Tuwang-tuwa nga sa kanya si Theo nang samahan siya ni Mhike maglaro sa kid's playroom. Nakalimutan ata ni Mhike na may presentation kayo bukas sa client niyo."
Biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Rodlyn. "Oh my god! Buti sinabi mo! Nakalimutan kong ako pala ang magpe-present nun bukas! Kailangan ko ng pag-aralan ang presentation! Isesend raw sa akin ni Katrina iyon!"
Tumayo naman si Rodlyn. "Well, kailangan ko na atang umalis. Mukhang may magpupuyat dito, ah."
"Dinaldal mo kasi ako, e!" paninisi niya dito.
"Hoy, kung hindi ko nabanggit, hindi mo maaalala. Dapat nga magpasalamat ka sa akin."
"Okay, thank you!"
Natawa naman sa kanya si Rodlyn. "O, siya. Manuna na ako. Baka hinihintay na ako ni Xaniel sa bahay."
"Magsama kayo ng asawa mo," pangtataboy niya rito.
Lumapit na si Rodlyn sa pinto pero bago ito lumabas ay may pahabol pa itong pang-aasar.
"Magkikita rin kayo ng asawa mo. Malay mo bukas."
"Tse!"
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romantiek3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019