HALOS kaladkarin ni Crystal ang sarili maabutan lamang ang elevator. Hindi naman niya tinigilan ang floor button nang tulyan siyang makapasok doon. At sa bawat pag-angat ay pakiramdam niya ay daang-daang taon ang lumipas sa sobrang bagal ng pag-akyat niyon.
And when the moment the elevator's opened, she was able to make one step out of it and there her whole body got frozen. The air became dead cold when the door of the another elevator in front of her opened. Ang anak niya ang dahilan kung bakit hinding-hindi niya malilimutan ang mukhang iyon.
It was him.
Hindi agad siya nakagalaw. Hindi siya nakapagsalita. Ni hindi niya naalis ang tingin sa mukhang iyon na nagbigay buhay sa munti niyang anghel na si Theo. Ang takot na naramdaman niya kanina nang mabasa palang ang pangalan nito sa presentation ay mas lalong naging triple o apat nang sa mga oras na iyon ay nagkatawang-tao ang pangalang hindi pa niya napaghahandaang makaharap muli sa loob ng walong taon.
"Ahm. Excuse me?"
Naputol ang tingin niya sa binatang ni anumang emosyon ay wala siyang mabasa. Hindi ito nakatingin sa kanya bagkus ay inikot nito ang tingin sa buong hallway at halatang pinagmamasdan ang kabuuan ng kumpanya.
Isang babaeng halos nakaramdam siya ng panliliit sa gandang taglay nito. Mas maputi ito sa kanya at medyo may isang dangkal ang tinangkad sa kanya.
"Ah? Y-Yes?" Sa sobrang kaba ay hindi niya nagawang pakalmahin ang mga nagtatakbuhang daga sa kanyang dibdib.
"Medyo naliligaw ata kami. Puwede bang magpaturo saan ang conference room ng DBS?" tanong ng babae sa kanya na may malawak na ngiti.
Napakurap-kurap siya. Doon kang ulit bumalik sa isip niyang ang mga ito ang target business client nila Lyndon at Katrina at hindi niya puwedeng sirain iyon dahil lang sa naging nakaraan niya.
"Ha? O-Oo. I-hahatid ko na k-kayo," sagot niya. Kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang ibalik ng diretsong pag-iisip.
"Great!" masayang saad naman ng babae. "Sabi kasi ng guard 10th floor daw. Hindi naman niya sinabi saan kami liliko pagkatapos. Weird."
Tumango-tango siya. "P-Pasensya na. S-Sundan niyo na lang ako."
"Okay." Lumingon naman ang babae sa kasama nitong lalaki na halos hindi na niya nagawang ibalik ang tingin. "Sundan mo kami."
Hanggat makakaya ay hindi na niya binalik ang tingin sa lalaki. Hindi naman niya maintindihan ang reaksyon nito na sa totoo lang ay wala. Parang hindi siya nito nakikita. Parang hindi siya nito nakilala.
Napapitlag naman niya nang bigla na lamang siyang hawakan ng babae sa kanyang braso. "Ako nga pala si Thalia."
"C-Crystal," pakilala niya sa sarili. "Pasensya na kung hindi kayo na-accommodate ng DBS. Baka naging abala lang sa paghahanda sa pagdating niyo."
"Sus, okay lang. Medyo late na nga kami, e. May tinapos pa kasi kaming presentation sa CEO ng HDR-P. Medyo strict kasi si Papa," paliwanag ni Thalia.
Napatango-tango na lamang siya kahit na hindi naman niya alam ang mga pinagsasabi nito.
"'Yung kasama ko nga pala sa likuran natin, ang sobrang bait naming president, si Thyro," pakilala ni Thalia sa kasama nito. Hindi naman niya ma-gets kung sincere ang pagpapakilala nito sa lalaki.
Kahit hindi nila ito kasabay sa paglalakad, pakiramdam niya ay nakatingin ito sa kanyang likuran. Ramdam niya ang matatalim na tingin nito sa kanya. Pilit naman niyang nginitian si Thalia. Bigla siyang nakaramdam ng hiya na hindi man lang ma-entertain ang mga bisita at hindi magawang sabayan ang pagiging accommodating ni Thalia sa kanya. Ni hindi niya alam kung paano kikilos na kunwari hindi niya kilala at never niyang nakasama ang lalaking nakasunod lamang sa kanilang likuran.
"Nandito na tayo." Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya halos inabot sila ng oras sa sobrang tagal nilang marating ng conference room samantakang isang liko lamang iyon mula sa elevator. Binuksan niya ang isnag pinto ng two-door ng conference room. "Please, fit yourself in the company."
Isang matamis na ngiti ang binigay sa kanya ni Thalia. "Salamat, Crystal. Labas tayo minsan."
Bumuka ang bibig niya ngunit walang umalpas na slaita mula roon. Hinatid na lamang niya ng tingin si Thalia hanggang sa makapasok ito ng conference. Nakita naman niyang masayang sinalubong ito ni Katrina. And when she turned her sight back, she almost forgot how to breath when her eyes met Thyro's.
Those ash-gray eyes never failed to amaze her lalong-lalo na ngayong halos araw-araw niya iyong nakikita sa mga mata ni Theo.
Hindi niya pansing halos pigil niya ang paghinga hanggang sa makapasok ng conference room si Thyro. At wala sa sariling nabitawan niya ang hawak na doorknob at kusang sumara ang pinto.
"Girl! I saw it!"
Parang wala pa siya sa ulirat nang hawakan siya ni Rodlyn sa kanyang braso upang humarap dito.
"Anong nangyayari sa'yo? Na-love-at-first-sight ka dun sa client nila Katrina, no? Halos hindi ka nakagalaw d'yan?" panunuya pa ni Rodlyn.
Para naman siyng nagising sa isang bangungot sa boses ng pinsan at napahawak siya sa braso nito ng mahigpit.
"Rod!" sigaw niya dito.
"What!" balik nito sa kanya. Pilit nitong inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito. "Bakit? Para ka namang nakakita ng multo d'yan?"
"It's him!" nanlalaki ang mga mata niyang sambit. "Rod! It's him! Hindi ako puwedeng magkamali! Pangalan niya ang nasa presentation ni Katrina! And I saw with my two eyes those ash-gray just like with my son! My god, Rod! Bakit mo kasi ako inaasar kahapon na magkikita kami ngayon!"
Hindi takot ang nakikita niya sa mga mata ni Roldyn kundi pagkamangha. And she wouldn't dare to ask her why.
"Oh my god! Meant to be!" sigaw ni Rodlyn.
"Hindi niya ako pinansin, Rod," putol niya agad sa excitement ng pinsan. "Ni hindi niya ako kinausap. I think he forgot about me. O baka nga hindi na niya ako nakilala."
"Malay mo nagpapanggap lang," palusot agad ni Rodlyn.
"Ayan ka na naman sa malay mo, malay ko," aniya. "Paano kung hindi na nga niya talaga ako nakikilala? Eight years? Isang gabi lang kami nagsama. There is really a chance that he would forgot my face."
"Mamaya na tayo magsagutan about d'yan. Time is running. May client kayo," putol agad ni Rodlyn.
Bigla naman niyang naalala ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. "Si Theo?" bigla siyang napalingon sa nakasaradong pinto ng conference room. "Huwag sanang isama ni Mhike si Theo sa meeting!"
"Titingnan ko sa kid's playroom," agad na agap ni Rodlyn.
"Sige," aniya at mabilis na pumasok sa loob ng conference room. Kinain niya ang lahat ng takot at pangamba at agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mhike.
Napahinto naman siya sa tangkang paglapit sa lalaki nang mahalata niya ang direksyon nito. Mhike was heading towards Thyro's place. Bumuntong-hininga siya at pinagmasdan lang na isa-isang nakipagkamay ang mga big bosses ng DBS sa kanilang pinakaimportanteng kliyente. And there, she just stood up on the other side. Peacefully, just staring at that face she couldn't forget. Nahiling niya na hindi sana mapansin ng mga kaibigan niya ang pagkakahawig ni Theo kay Thyro.
Nang makitang bumalik na si Mhike sa puwesto nito na medyo malayo naman kay Thyro, pasimple siyang lumapit dito.
"Nasaan si Theo?" bulong niya dito. Sinigurado niyang silang dalawa lang ni Mhike ang nakakarinig.
Inikot naman ni Mhike ang inuupuang swivel chair upang humarap sa kanya. "Kid's playroom. Binilin ko muna sa bantay. Babalikan ko mamaya after this meeting."
Lumuwag naman ang pakiramdam niya sa sinabi ng lalaki. Mabuti na lamang at umaandar ang pagiging businessman ni Mhiek at hindi sinama ang anak niya sa meeting.
"I think you should start the presentation."
With Mhike's words, her world went upside down when she just realized that she was the one who appointed by Katrina to present their proposed project with their clients.
At sa mga oras na iyon, hindi na niya maaalala kung ano ang mga inihanda niya para sa meeting na iyon.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019