"DADDY Mhike!"
Nagmamadaling napa-log-in si Crystal pagpasok ng lobby ng DBS nang bigla na lamang bumitaw si Theo sa pagkakahawak sa kamay niya at mabilis na tumakbo kung saan. Napailing-iling na lamang siya nang sundan niya ito ng tingin at makita niyang hinabol nito si Mhike bago pa ito makapasok ng elevator.
"Hello, big boy!" bati ni Mhike kay Theo pagkakarga sa anak niya. "How's your sleep?"
Hindi niya alam kung matutuwa sa pagkakaikot ng kamay ni Theo sa leeg ni Mhike na halatang magkasundo na ang dalawa samantalang kahapon ay halos tanggihan ni Theo ang alok ni Mhike na tawaging daddy ito ni Theo.
"Okay naman po! Katabi ko po si Mommy!" sagot ni Theo kay Mhike.
Sakto namang bumukas ulit ang pinto ng elevator at sabay silang tatlong pumasok. Siya na ang pumindot ng floor number ng Editorial Department.
Hindi na niya nagawang sumabat sa pagkukuwentuhan ng dalawa. Mukhang napansin naman ni Mhike ang paulit-ulit niyang pagtingin sa suot niyang relo.
"Nagmamadali ka ba?" tanong ni Mhike sa kanya.
Napalingon siya dito. Nginitian naman niya ang anak na napatingin na rin sa kanya.
"Hindi ko napag-aralan ang presentation para sa client mamaya. Nakatulog ako nung tumabi ako kay Theo sa higaan. Nagtuloy-tuloy na. Alasais na ako nagising," paliwanag niya.
Nagulat naman siya nang pindutin ni Mhike ang floor number ng opisina ni Katrina.
"Tumuloy ka na sa office ni Katrina. Ako na bahala kay Theo."
Saglit siyang napaisip sa sinabi ni Mhike. "Pero may trabaho ka rin. Hindi mo naman kailangang asikasuhin ni Theo. Puwede siyang maiwan sa kid's playroom."
Pinisil ni Mhike ang tungki ng ilong ni Theo. "Hindi naman ako katulad mo na hindi napag-aralan ang report. Alam ko ipe-present ko mamaya. E, ikaw?"
Inirapan niya si Mhike sa sagot nito. "E'di ikaw na nakapaghanda."
"Kaya nga mauna ka na sa office ni Katrina. Iwan mo na sa akin si Theo. Hindi naman maglilikot ang big boy na 'to sa office ko, 'di ba, Theo?" biglang tanong ni Mhike kay Theo.
"Opo, promise po!" Nagtaas pa ng kamay ang bata na para bang nanunumpa.
Natawa naman siya sa kinilos ng anak. "Promise, baby? Magbe-behave ka sa office ni Daddy Mhike mo?"
"Opo, Mommy! Promise po!"
"Oh, ayan, nag-promise na. Puwede mo na siyang iwan sa akin. Maghanda ka na dahil three hours na lang hinihintay natin para ma-meet ang client," ani Mhike.
Nginitian niya ang dalawa. "Salamat, Mhike, ha. Kundi lang talaga para sa client na 'to, hindi ko iiwan si Theo sa'yo."
"Para namang ayaw mo talagang ipaiwan sa akin ang anak mo, ah. Hindi ko naman siya tuturuan ng kalokohan. Slight lang," ngisi ni Mhike.
"Baliw! Subukan mo lang!"
"Joke lang."
Binalingan naman niya ang anak. "Mag-behave ka, ah."
"Opo, Mommy," sagot ni Theo.
Sakto namang pagbukas ng pinto ng elevator sa floor ng opisina ni Katrina.
"Mauna na ako. Bye, baby. See you later," paalam niya sa anak sabay halik sa pisngi nito.
"Bye, Mommy!"
Dalawa pa sina Theo at Mhike na kumaway sa kanya bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Mabilis naman na tinakbo niya ang opisina ni Katrina.
"Bakit nagmamadali ka?" agad na tanong ni Katrina nang makapasok siya ng opisina nito.
"Hindi ko pa nababasa ang presentation," sagot niya nang hindi ito tinatapunan ng tanong at mabilis na umupo sa puwesto niya at agad na binuksan ang kanyang laptop.
"Ano?!" gulat na tanong ni Katrina.
"Huwag kang mag-alala. Carry lang 'to, okay? Magagawa ko 'yan," pangpalubag-loob niya dito. Alam niyang kinakabahan ito sa kanya.
"Kaya mo ba? Mamaya na iyon. May tatlong oras ka lang para pag-aralan iyon."
"Watch me."
"Nasaan si Theo?"
"Kinuha muna ni Mhike."
"Magkasundo na 'yung dalawa?"
"Believe me. Kahit ako nagulat."
"O, siya. Kailangan pa naming ihanda ni Lyndon ng kakailanganin. Mangako ka, magiging maayos 'yan."
Tinaas niya ng kanang kamay. "I promise."
"Mauna na ako. Kita na lang tayo sa conference room mamaya."
"Okay. Bye." Hindi na niya tinapunan ng tingin si Katrina. Narinig na lamang niyang nagbukas-sara ang pinto ng opisina nito.
Halos hindi naalis ang tngin niya sa monitor ng kanyang laptop. Para namang ljmuwag ang paghinga niya nang ma-download na ang presentation na kahapon pa pala ng tanghali s-in-end sa kanya ni Katrina.
The logo of DBS welcomed her on the first page of presentation. Agad niya iyong nilipat sa sumunod na pahina. There, she found the logo and name of their client's company.
HDR-P Singapore PTE. LTD.
Hindi familiar sa kanya ang pangalan ng kumpanya maging ang environment ng work nito. Ngayon niya lang nabasa ang ganoong pangalan ng kumpanya kahit na halos anim na taon na siya sa Singapore.
Halos pinasadahan niya lamang ang conceptual framework ng company. Hinahanap niya agad ang page ng Company History at ang Company Philosophy and Beliefs.
HDR-P Singapore PTE. LTD. started its growing house development research community in Japan and became the most provided company when it comes to developing houses in both rural and urban areas of the country. In 2000, the company opened their second company factory in the Philippines to set goals and standards in giving quality houses and structures that both Philippines and Japan would benefit to it. Because of the growing family of HDR-P Singapore PTE. LTD, the company is able to give more job opportunities to Filipinos and Japanese that benefit their countries. The HDR-P Singapore PTE. LTD. headquarter is found in the busy place along Orchard City in Singapore.
Napataas ang kilay ni Crystal sa nabasang short history of the company ng kanilang client. "Well, mukhang malaking proyekto nga para sa DBS na makipag-partnership sa isang successul company in the Asia," komento niya.
Agad niyang in-scroll down ang presentation at sumunod na binasa ang Company Philosophy and Beliefs.
Give the customers more than what they deserve. Love the houses we build like we own it.
Napatango-tango naman siya sa Company Philosophy. "Sadyang lahat ng Company Philosophy tells love your work." Maging ang DBS ay may ganoong pananaw pagdating sa trabaho.
Binasa niyang maigi ang ilan pang detalya na nakasulat sa presentation tungkol sa company na iyon. Pinilit niya ang sarili na matandaan ang mga iyon at agad na nag-isip ng estratehiya kung paano mapapamangha ang client nila upang mapapayag na ma-feature nila ang may-ari ang company sa kanilang DBS Men issue for the month of July 2019.
Halos nasa last page na siya at halos ilang minuto na lamang ang natitira bago mag-umpisa ang conference meeting. Halos niisang pasadahan na lamang niya ng basa ang last part ng presentation na ang pinakaimportante sa lahat. Ang Management Organizational Chart ng kumpanya. Inisa-isa niyang binasa ang mga pangalan na nakasulat roon mula sa baba pataas na halos karamihan ay halatang pangalan ng mga Japanese members.
And the most top of them caught her attention and made her eyes wide awake. Paano niya makakalimutan ang pangalan na iyon. That's almost her son's name.
Thyro Christian Nishikawa Pacalla
President
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019