Part 12

1K 37 0
                                    

AGAD na hinanap ng kanyang mga mata ang katatagpuin niya sa cafè na iyon. Isang ngiti naman ang binungad sa kanya ni Thalia pagkapalit niya sa puwesto nito.

"Pasensya na, na-late ata ako," aniya nang makaupo sa katapat nitong upuan.

"Hindi naman," saad ni Thalia. "Umorder na pala ako pero kung may gusto ka pa, order ka lang. My treat."

Umiling-iling siya. "Hindi na. Okay na ako dito sa mga inorder mo."

Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkailang sa klase ng titig na binibigay sa kanya ni Thalia.

"May dumi ba sa mukha ko?" biro niya dito.

Umiiling-iking naman si Thalia saka sumimsim sa inorder nitong kape. "Mas maganda ka pala talaga sa personal."

She felt flattered hearing such compliment from a woman like her. "Hindi naman."

Ngumisi si Thalia. "Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon hindi magawang tumingin ni Thyro sa ibang babae."

Ang pagtangka niyang pag-inom sa inorder nitong juice para sa kanya ay biglang nahinto sa ere. Napakurap-kurap siya at halos hindi makapaniwala sa narinig mula kay Thalia.

Thalia smiled at her. "Huwag mong hintayin ang pagbawi ko kase totoo iyon. By the way, salamat sa pagpapaunlak sa paanyaya kong lumabas tayo."

She smiled at little bit. "Okay lang naman. Hindi naman na ako masyadong busy. Tapos na naman ang oras ng trabaho."

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Crystal," Thalia said after making a little bit sim on her coffee. "I know you and Thyro are married."

Bigla niyang nalunok ang sariling laway. Kahit na noong nagkikita sila sa DBS lalong-lalo noong una silang magkita sa labas ng elevator, malakas ang kutob niya noong mga oras na iyon na parang kilalang-kilala na siya ni Thalia.

Thalia smiled at her. "Don't worry. Hindi alam ni Thyro na nagkita tayo. Ako lang talaga ang gustong makita ka at makausap."

Tumango-tango siya habang pinagmamasdan ang kape sa tasa. "Galit siya sa akin."

Nagkibit-balikat si Thalia. "Kung ako ang iiwan ng asawa ko sa loob ng walong taon, baka magalit rin ako."

Mas lalo siyang nakaramdam ng hiya para sa sarili. Pakiramdam niya ay sobrang laking pagkakamali ang nagawa niya kay Thyro. Hindi agad siya nakasagot kay Thalia. Mariin niyang naitikom ang bibig at napatitig sa tasa na nasa kanyang harapan.

Napansin naman niyang may kinuha ito mula sa dala nitong shoulder. And her eyes immediately wide opened when she saw what Thalia got from her bag.

Halos hindi siya makapaniwalang napatingin sa kasama matapos nitong ilapag ang maliit na pulang kahon sa mesa at itulak iyon palapit sa kanya.

"Hindi mo alam pero that day when you left him, may dumating na parcel sa bahay. Umorder ng singsing si Thyro. These should be your wedding rings."

No way? Bigla niyang naipangtakip sa bibig ang sariling palad. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang dapat maramdam sa binunyag na iyon ni Thalia sa kanya. Habng tinititigan ang maliit na kahaon na iyon na sigurado siyang ang laman na iyon ay ng mga singsing na sinasabi ni Thalia.

"When he said that you are his wife that day, sa tingin mo ba nagbibiro lang siya?" tanong ni Thalia.

That question cornered her. Hindi naman niya napansing may namumuo na palang butil ng luha sa kanyang mga mata. Alam niya sa sariling inaatake na siya ng konsensya niya.

Pasimple niyang pinunasan ang gilid ng mata. "I'll be honest with you. Sa simula, ang nasa isip ko ay biro lang iyon. But the time I received our marriage certificate from PSA, doon na ako naniwala. Our names are printed on it. May registry number at pirmado naming dalawa. Sa totoo lang, napapaisip pa rin ako bakit siya pumayag na makasal sa akin kung puwede naman sa iba. Yung ka-level niya." Mariin siyang napailing-iling. "I am not even a type of woman that could be proud to everyone. Ni wala akong yaman. Wala akong maipagmamalaki. Nagsusumikap ako para sa magulang ko. Bakit ako? Bakit?"

"Bakit hindi?" agap ni Thalia sa kanya.

That question hit her hard. Bakit nga naman hindi? Ano naman kung wala siyang yaman? Ano naman kung nagsusumikap siya para sa magulang niya? Ano naman kung wala siyang maipagmamalaki?

"Hindi ko alam," napatungong sagot niya.

"Hindi naman maganda, mayaman, matalino, o may maipagmamalaki na sa buhay ang hahanapin ni Thyro sa babae para makasama niya habangbuhay."

Napatitig siya kay Thalia sa sinabi nito. Hindi niya alam kung gusto lang ba nitong itaas ang confidence niya pero lihim siyang napasalamat sa sinabi nito.

Hinalo-halo ni Thalia ang kape sa baso. "Thyro wants to be with a woman that will fight for him."

Bumuka ang bibig niya pero walang umalpas na salita mula roon. Ang puso naman niya'y parang binalot ng konsensya sa sinabi ni Thalia.

"At the age of mid-20's, man will no longer look for a woman for fling. Maghahanap na sila ng babaeng gusto nilang makasama habangbuhay. 'Yung mag-aalaga sa kanila. 'Yung magmamahal sa kanila. 'Yung magpaparamdam sa kanila na mananatili siya sa hirap at ginhawa. Do you think Thyro found those characteristics from you?"

Bigla siyang napaisip. E, paano nga naman niya malalaman, hindi niya nga naaalala ang nangyari noong gabing bago siya magising na katabi na ito sa kama. Ano ba kasing nangyari?!

"Nararamdaman kong nakita niya iyon sa'yo kaya ka niya pinakasalan. But it ended up false when you left him."

Hindi niya alam kung sinasadya ba ni Thalia na sampalin siya sa nagawa niya para kay Thyro. Parang tinutusok-tusok ang puso niya sa paulit-ulit na paalala nito sa pag-iwan niya kay Thyro.

Pinatong naman ni Thalia ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa at tinulak na naman iyon palapit sa kanya. And when her eyes laid on the screen of the cellphone, halos kumabog ang puso niya nang makilala ang larawan doon.

It's her. While sleeping. At alam niya sa sarili niya kung saan ang kamang iyon. Ang kamang kinamulatan niya katabi si Thyro walong taon na ang nakakalipas.

"Actually, palihim kong kinuhanan ang cellphone screen ni Thyro." Thalia smirked. "Wallpaper niya 'yan, walong taon na."

"No way?" mahinang sambit niya. "How could he keep that picture?"

"Sinasabi ko sa'yo ito para malaman mo kung ano ang mga ginawa ni Thyro para sa'yo. Sa walong taon na iyon, hindi ka niya nakalimutan. Sa walong taong na iyon, umasa siya, Crystal. Umasa siyang babalikan mo siya. Walong taon."

Hindi na niya namalayang bumagsak na pala ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. She can't still believe Thyro did those things for her. Ano bang ginawa niya para gawin iyon ni Thyro para sa kanya?

And what makes her even feel ashamed about it when she doesn't tell him about Theo. At nasisigurado niyang mas titindi ang galit nito sa kanya kapag sinabi niya dito ang tungkol sa anak nila gayong halos dalawang linggo na noong magkita silang muli. Sinubukan niya pang itago ang anak nila dito.

What a great sin she have done?

"Isa lang naman ang gusto kong marinig mula sa'yo," Thalia said with seriousness on her eyes.

And she doesn't feel good about it.

"Sana hindi naman masayang ang walong taong paghihintay ni Thyro sa pagkikita niyong muli. Sana sa pagkakataong ito, ikaw naman ang huwag sumuko sa kanya kahit na nag-file na siya ng annulment. Kung alam mo lang kung paano ka pinaglaban ni Thyro noon."

"Ano?" wala sa sariling tanong niya. "P-Pinaglaban?"

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon