Part 7

1K 44 0
                                    

"ANO?"

Halos minuto ang binilang bago nagawang magsalita ni Crystal. Hindi pa niya tuluyang napoproseso sa isip ang ibig sabihin ni Thyro sahuling sinabi nito pero alam niyang hindi iyon mabuti.

Thyro was aiming for an annulment. It means Thyro knows what's between them.

Wala naman sa sariling napaatras siya ng humakbang palapit sa kanya ang lalaki. And before she forgot, Katrina's office table was on her back. Kaya kahit anong atras ang gawin niya, hindi siya makakalayo dito. At huli na rin para umatras ulit dahil tuluyan nang nakalapit sa kanya si Thyro.

Gustong maiyak ng kanyang mga mata sa takot na nararamdaman but she was able to make herself stand still.

"Eight years, my wife," ani Thyro. And he was still calling her that way. My wife. "Dito ka lang pala nagtatago. Dito lang pala kita matatagpuan. Am I that funny enough to make fool of me?" Thyro was smiling while saying those words. And she knows, he meant his smile the other way around.

"M-Mr. P-Pacalla," tawag niya rito. At hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagkakalapit nito sa kanya.

Napapitlag naman siya nang biglang itungkod ni Thyro ang kaliwang kamay sa mesa dahilan upang makulong siya sa pagitan nito at ng mesa. And what makes her feel more uncomfortable when Thyro touched her cheeks using his right hand. At para siyang nakaramdam ng kuryente nang magdikit ang mga balat nila.

"Kilala mo ba ako dahil ako ang client ng mag-asawang Saavedra o kilala mo ako dahil naaalala mo na?" tanong ni Thyro.

Hindi niya sinasadyang salubungin ang mga mata ni Thyro at mukhang wala na siyang takas upang bawiin pa iyon. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang dapat sabihin. Damang-dama niya ang galit mula sa mga abuhing mata nito.

Halos mapigtal naman ang paghinga niya nang biglang ipatong ni Thyro ang noo sa kanyang balikat. And their body are almost touching. Dama niya ang malamig na paghinga nito. At alam niyang dama nito ang kabog sa dibdib niya.

"That night was the most happiest night of my life, yet the next morning was the worst nightmare I ever had," saad ni Thyro na nagpanginig sa kanya. Inangat ni Thyro ang mukha at hinuli ang mga mata niya. "Pinatay mo ako ng araw na iyon, Crystal. Pinatay mo ko."

Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Galit na walong taong kinimkim. Hanggang sa isnag butil ng luha ang umalpas sa kanyang mga mata. At alam niyang sa isnag butil ng luha na iyon, hindi niyon maiibsan ang sama ng loob na nagawa niya sa lalaki.

"If you didn't left me that morning, I could possibly feel worthless for letting you cry now. But unfortunately, you did."

She was so speechless. From this morning, he was able to let her feel like she was already forgotten. But now, Thyro was infront of her, letting her feel the pain he felt when she left him.

"Wait for your little happiness. Susunduin ko lang si Theo."

At parang isang kidlat na bigla na lamamg bumalik sa kanyang balintataw ang sinabing iyon ni Rodlyn sa kanya.

God! In any moment, Rodlyn would come back together with her son! Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa pinto. If Thyro would treat her like this then she would not let him see their son! Not yet! Now now!

Mabilis na tinulak niya ito at halos hingal na tumakbo palabas ng opisina ni Katrina. Lutang ang isip kung saan pupunta, kaliwa o kanan? Where is that damn elevator?!

Mabilis na tinakbo niya ang daan patungong elevator kung saan maaring dumaan si Rodlyn kasama ang anak niya. At sakto namang pagdating niya ang pagbukas ng pinto ng elevator lulan si Rodlyn at si Theo.

"Rod!" sigaw niya dito na kinagulat ng pinsan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat nito. "Bumalik kayo sa kid's playroom!"

"Ha?" takang tanong ni Rodlyn. "Kakasundo ko lang kay Theo."

"Rod!" halos manginig ang mga kamay niya. "Nakikilala niya ako! Kilala ako ni Thyro! Naaalala niya ako! Alam niya ang relasyon namin! At gusto niyang makipaghiwalay! He wants to file an annulment case!"

Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ni Rodlyn sa sinabi niya.

"Rod! Madamot na kung madamot, pero please, hindi ngayon! Ayokong makita niya si Theo! Baka kapag nalaman niyang may anak kami, baka pati si Theo kunin niya sa akin! Galit siya sa akin at posible iyon!"

Bigla namang kinarga ni Rodlyn si Theo at mabilis na pumasok pabalik sa elevator. "Sa office kami ni Xaniel."

Tumango-tango siya. "Please, itago mo muna si Theo."

"Mommy," tawag naman sa kanya ng anak.

Naipangtakip niya ang palad sa bibig nang marinig ang pagtawag ng anak sa kanya. Bigla niyang naisip na aagawin sa kanya ang sariling anak ay bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib na oara siyang pinapatay. Hindi niya kakayaning ihiwalay sa kanya si Theo.

Laking pasalamat naman niya ng sumara ang pinto ng elevator. Pakiramdam niya ay lumuwag ang kanyang paghinga.

"Hanggang ngayon ba, tatakbuhan mo pa rin ako."

Gulat na napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. Lihim siyang napasalamat na sumara na ang pinto ng elevator bago pa siya masundan nito.

"I will sign the annulment papers," agad niyang saad.

Ang matalim na mga mata ni Thyro ay mas lalong naging matalim. Nakamamatay.

"Any grounds," buong tapang niyang saad. Para sa anak niya. Kahit ano. "I will accept. Iniwan kita. Pinagtaguan. Sige. Put the grounds against me."

Kitang-kita niya kung paano gumalaw ang panga ni Thyro. Ang mga kilay nito ay nag-isahang linya.

"Well, my attorney will see you in few days." With those words, Thyro turned his back and left her there with bended knees.

Bigla naman siyang napasandal sa pader dahil pakiramdam niya anumang oras ay babagsak siya sa sobrang kaba at takot.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon