Part 8

1K 42 1
                                    

SINIGURADO niyang wala ng bakas ng luha sa kanyang mg mata bago siya bumalik ng opisina ni Katrina. Halos manlaki naman ang mga ito nang makabalik siya at maabutan niyang isa-isang dinadampot ni Katrina ang mga nakalimutan niyang papel na nabitawan niya kanina. Dali-dali niya iyong tinulungan at mabilis na dinampot ang mga importanteng reports.

"Pasensya na, hindi ko sinasadyang mabitawan ito," agad niyang hingi ng paumanhin nang makuha na ulit nila lahat ng papel.

Hindi agad nagsalita si Katrina. Mariin lang itong nakatingin sa kanyang mga mata wari'y sinusuri ang mg iyon.

"Galit ka ba sa nagawa ko kanina? Babawi ako sa susunod. Promise." Hindi niya makakayanang may sama ng loob sa kanya ang kaibigan.

"Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit? Pinakiusap ko lang naman iyon sa'yo," ani Katrina.

"Pero ginawa ko dapat ng maayos iyon."

"Gusto kong maging honest ka sa akin, Crystal. Alam mong mataas ang tiwala ko sa'yo. You know all my pain. You know all my aches noong halos talikuran ko si Lyndon. Isa ka sa nagpamulat ng mali ko," saad ni Katrina na nagpakabog ng dibdib niya.

"B-Bakit?"

"All the CCTV monitor here in my office can be found in Lyndon's office."

Bumuka ng bibig niya pero walang naiwang salita mula roon. Mukhang naiintindihan na niya ng ibig sabihin ng kaibigan.

"Si Thyro ang ama ni Theo, 'di ba? Magkamukha sila," Katrina said with a little bit smile. "Mas lalong tumibay ang kutob kong iyon when Lyndon saw the CCTV monitor on his office. Nakita namin ang lahat, Crystal. From my office hanggang sa elevator kung saan mo nakita sina Rodlyn at Theo."

Bigla siyang nakaramdam ng panghihina at napaupo sa sofa sa receiving area ng opisina ni Katrina. At ang mga halam na mata ay nagpatuloy sa pagluha.

"Hindi importante sa aking mapapirma si Mr. Pacalla sa kontrata kung kapalit naman 'nun, e, ang pagkawala ng anak mo sa'yo. I know the feeling how to lose a son. At hindi ko kayang makita ang isang kaibigan kong mawawalan rin ng anak dahil sa kagustuhan kong umangat ang kumpanya," pang-aalo ni Katrina sa kanya. "Even Lyndon has a thinking of that. Kaya huwag ka ng mag-alala."

"Hindi niya alam na may anak kami, Katrina," agad niyang saad dito. "Baka kapag nalaman niya, pati si Theo kunin niya sa akin lalo na't magpa-file siya ng annulment."

Gulat ang makikita sa mukha ni Katrina sa sinabi niya habang nakaupo sa katapat niyang sofa.

"What?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Kasal kayo?"

She vowed. "Legal kaming mag-asawa. Walang seremonya. We just signed the marriage contract. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Hindi ko talaga maaalala. Lasing ako ng gabing iyon. Nagising na lang ako sa isang kuwarto na katabi siya. I don't know. Basta after that morning, nalaman kong buntis ako. At doon ko napatunayang kasal talaga kami ng makakuha ako ng marriage certificate sa PSA. Ramdam kong hindi ako napilitang pumirma doon. Legal kaming kasal sa Pilipinas."

"You are already six years here in DBS pero hindi ko alam na kasal ka."

Nasapo niya ang mukha ng sariling palad. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang ilihim iyon."

"I know. There are cases of single mom. Anak sa pagkadalaga. Well, sorry to say, akala ko iniwan ka talaga ng ama ni Theo."

Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi at napatingin kay Katrina. "A-Ako ang nang-iwan sa kanya."

"Ano?" halos manlaki ang mga mata ni Katrina sa sinabi niya. "Ikaw ang nang-iwan?"

"I was just 21 back then. Kaka-graduate ko lang sa college. What I supposed to do? Ni hindi ko pa nababalik kay Nanay lahat ng sinakripisyo niya para sa akin, then, I would just woke up one morning in bed with a man beside me telling me that I am his wife? Gulong-gulo ako 'nun. Di ko alam gagawin ko. Sa sobrang pagkabalisa ko, tinakbuhan ko siya."

"Paano ngayon si Theo?"

"Galit sa akin si Thyro. Hindi ko puwedeng sabihin sa kanyang may anak kami. Magpa-file siya ng annulment. Kung ganoon siya kaseryoso dun, may chance na baka mag-file rin siya ng custody para kay Theo at hindi ko kakayaning mawala sa akin ang anak ko lalo na't may laban siya sa akin. He's a president of a company, Katrina. Kaya niyang ibigay ang pangangailangan ni Theo. You know how a court run in this case," halos maluha-luhang saad niya.

"Naiintidihan kita. Masakit talaga lalo na sa isang ina ang mawalan ng anak," pang-aalo ni Katrina. Lumipat ito sa puwesto niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Kakayanin mo ito para sa anak mo. Pero huwag mo ring kalimutang darating rin ang panahon na maghahanap ng tunay na ama ni Theo."

Tumango-tango siya. "Siguro kapag dumating ng araw na iyon, handa na ako."

"If you would also tell this to our friends, matutulungan ka nila. Tutulungan ka namin lalo na't tutuntong at tutuntong muli si Thyro sa DBS. Mas mabuti na rin na alam nila kung anong mayroon sa inyong dalawa para aware sila," suhestyon ni Katrina.

Tumango-tango siya. She knows she trusts her friends. Lalong-lalo na ngayon na anak niya ang ipaglalaban niya.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon