HALOS hindi makapaniwala si Crystal sa nakikita. If feels like she's in another house inside a house. Halos nasa loob ng third floor ang lahat ng kakailangan ni Thyro at hindi na kailangan pang bumaba ng second at first floor. Kaya naman pala buong third floor ay kuwarto ni Thyro. Halos pati dining area, kitchen, sala at bedroom ay nasa third floor na rin.
"Nasa left side ang bathroom," ani Thyro at naglakad ito palapit sa kitchen area.
Hindi naman na siya nagsalita at nagtuloy na lamang sa tinuro nito. And upon closing the bathroom's door, she leaned on the closed door. Ang halos pigil na paghinga knin habang nasa harapan ni Thyro ay nailabas na rin niya sa wakas. Halos abot-langit ang kanyang kabang nararamdaman. Damn! She's really inside Thyro's house!
Kulang na lang talaga makalimutan niya kung paano siya napunta doon sa sobrang lutang ng kanyang isip sa harapan nito.
Mabilis na napakilos naman si Crystal nang maalala niya kung bakit nasa loob siya ng kuwarto. Halos kalahating oras ang inabit niya sa loob. Ay onga pala, sinadya niya iyon. Hinampas-hampas niya ang dibdib.
"Kalma, Crystal. Hindi ito ang unang pagkakataong magkasama kayo sa iisang kuwarto. Chilax," pangpalakas niya ng loob sa sarili.
Sinilip niya muna ang labas nang mabuksan niya ang pinto ng bathroom. Katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Nasaan na kaya iyon? Dahan-dahan siyang lumabas at sinara ang pinto na nasisiguradong hindi iyon makakalikha ng ingay. Nagtungo siya sa kitchen pero wala na roon si Thyro. Sinunod niya ang sala at dining area pero wala rin ang lalaki. Isa na lang ang naiisip niya. The bedroom has no walls. It's just in the left side of the sala that has a one wall boundary. At nang tumungo siya doon, there, she found that dropped gorgeous man lying on that king size bed, with no clothes on his upper body.
Halos manlaki ang mga mata niya sa nakita. Shit! Ganyan ba talaga siya matulog?! Walang damit pang-itaas! Napairap na lamang siya habang busog na busog ang mga mata niya sa nakikita. Nakadapa si Thyro sa kama at nakasubsob sa unan ang mukha nito. Halos pagnasaan ng mga mata niya ang batak na batak na likod nito. Halatang alagang-alaga ng lalaki ang katawan. Pero sa itsura nito, mukhang nakatulog na nga ang lalaki sa ganoong puwesto.
"Saan ako matutulog?" mahinang tanong niya sa sarili. Napatingin siya sa sala. There she found a long sofa. Hindi niya pa siguro makakayang makatabi si Thyro ulit sa iisnag kama. She just found herself walking towards the sala. Kinuha niya ang dalawang throwpillow. Isa ay para sa ulo niya at isa ay yayakapin niya. Bigla niyang na-miss ang anak. Hindi niya makakatabi si Theo sa pagtulog ngayon. Wala tuloy siyang mayayakap sa gabing iyon.
PUPUNGAY-PUNGAY pa si Thyro nang maalimpungatan siya. Nang itagilid naman niya ang ulo ay pilit niyang mimumulat ang mga mata. Tumambad sa kanya ang bedside table ag doon ay pilit inabot ang kanyang cellphone. Nasinag naman siya nang buksan niya ang cellphone. Pilit inaaninag ang oras.
2:56 A.M.
Binalik niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Ipinilig naman niya ang ulo at tumingin sa kabilang panig ng kama. There, he found nothing. Napakurap-kurap siya. At nang ma-realize kung anong nawawala sa kanyang higaan ay bigla siyang napabalikwas ng bangon.
Crystal?! Kinusot-kusot niya ang mga mata. Hindi niya puwedeng magkamali! Kasama niya si Crystal umuwi kanina! Shit! Napamura na lamang siya sa kanyang isip. Hindi puwedeng mangyari ang tumatakbo sa isip niya! How could Crystal escape from his house?!
Akmang maglalakad na siya palapit sa pinto ng kanyang kuwarto nang may mapansin siya sa sofa sa kanyang sala. And there, his heartbeat that already above normal became more faster when he saw that fair beautiful lady lying on the sofa, sleeping.
He smirked. "Ayaw niya talaga ako makatabi at talagang pinilit niyang makatulog sa sofa?" mahinang sambit niya.
Dahan-dahan naman siyang humakbang palapit dito. Lumuhod naman siya upang pantayan ang mukha ni Crystal habang mahimbing na ang tulog. He even asked himself why he's always get mesmerized by this fair lady's angelic face whenever he stared on it. Mas lalong nahuhumaling ang damdamin niya sa tuwing napagmamasdan ang maamo nitong mukha kapag tulog. At mas lalong may nagtutulak sa kanyang pagmasdan pa iyon ng matagal.
And before he could forgot, he also did it eight years ago.
Napabuntong-hininga naman siya sa gitna ng pagnanakaw dito ng tingin. "Bakit kasi iniwan mo ko? Bakit kasi tinakbuhan mo ko? Akala ko ba mananatili ka sa tabi ko? Anong nangyari?"
But he got no answer. He just got Crystal's fair breathing. Mukhang malalim na talaga ang tulog nito. And he couldn't take to see her lying there uncomfortably sleeping. Dahan-dahan niya itong binuhat at sinigurado niyang hindi ito magigising. Halos isang mamahaling babasagin naman ang pagkakahawak niya dito hanggang sa mailipat niya si Crystal sa kanyang kama. Lihim naman siyang napasalamat nang hindi ito nagising.
It makes him feel so much contented seeing Crystal on his bed again. Parang isang malaking tagumpay na naibalik niya ang kanyang asawa sa kanyang tabi. But it doesn't mean that they will live as is.
Umikot siya at nahiga sa kabilang panig ng kama. Hinila niya ang comforter upang ipangkumot sa katawan nila. Tumagilid siya ng higa ngunit nakatalikod naman sa kanya si Crystal.
"Sana paggising ko, nasa tabi pa rin kita."
Upon saying those words in low voice, Crystal suddenly moved. Nakatagilid na ito at nakaharap sa kanya. He waited for Crystal's to open her eyes but she didn't. She's still sleeping well. Nahalata niya na mukhang nilalamig ito. Inangat pa niya lalo ang comforter hanggang sa leeg nito. Pinagmasdan niya lamang ang mukha nito hanggang sa dalawin ulit siya ng antok.
But when upon closing his eyes, he felt Crystal moved again. And when he opened his eyes, his heart beat a little bit faster when he realized Crystal was already an inch away from him. Halos yakap nito ang sarili sa sobrang lamig.
At iisa lang naman ang sinisigaw ng kanyang isip. At mukhang hindi na rin niya kayang pigilan ang sarili.
Inalalayan niya ang ulo ni Crystal upang ipatong iyon sa kanyang braso. He immediately wrapped his arms around Crystal. At alam niyang sapat ang yakap na iyon upang mawala ang lamig na nararamdam ng kanyang asawa.
And they could sleep in the arms of each other, peacefully.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Roman d'amour3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019