Part 11

1K 36 0
                                    

HALOS kasabay lang ni Crystal ang kaibigan at boss niyang si Katrina sa pagbalik sa opisina. Napansin naman niyang nakatitig ito sa kanya hanggang sa makabalik siya ng kanyang puwesto.

"Bakit?" Nakaramdam siya ng ipang sa titig na binibigay sa kanya ni Katrina.

"Are you okay?" may pag-aalala sa boses nito.

Agad siyang tumango-tango. "Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay?"

"Na-closed ang kontrata. May chance na magpabalik-balik na dito si Thyro hanggat on-going ang kontrata," saad ni Katrina.

"Okay lang ako, Katrina. Don't worry about me."

"Are you sure? Paano si Theo?"

"Sa tingin ko, iniisip ni Thyro na anak ni Mhike si Theo."

Kumunot ang noo ni Katrina. "Ano? Bakit naman?"

Napabuntong-hininga na lamang siya nang maalala ang ginawa ni Mhike kanina. Wala siyang nagawa kundi ikuwento iyon kay Katrina.

"Pilyo talaga 'yang si Mhike. Kung anu-anong tumatakbo sa utak," komento ni Katrina.

"Hindi tinanggap ni Thyro handshake ko kanina after the contract signing at hindi na ako nagtaka kung bakit."

Napapailing na lamang si Katrina. Maya-maya nama'y may biglang kumatok sa pinto. Sumilip mula roon ang isang staff ng DBS.

"May dumating pong sulat para kay Ms. Crystal Galorio Pacalla? Hindi po kasi kami sure kung si Ms. Crystal po ito pero pinipilit 'nung delivery man na dito po ang address?"

Nagkatinginan naman sila ni Katrina sa sinabing iyon ng staff.

"Pasok," saad ni Katrina.

Mabilis namang pumasok ang staff at iniwan ang sulat sa mesa niya at agad na lumabas ng opisina pagkatapos magbigay galang kay Katrina.

Agad naman niyang tinitigan ang sulat at halos manlaki ang mga mata niya sa nakasulat na address na pinanggalingan niyon. And what makes her eyes even wider when she opened it and read the heading of the letter.

"Para saan ang sulat na iyan?" usisa ni Katrina.

Halos hindi siya kumukurap nang basahin niya ang mga unang paragraph ng sulat. At halos hindi siya makapaniwala sa nababasa. Bagsak ang balikat na binaba niya ang sulag sa mesa.

"Seryoso si Thyro. He filed a petition for the annulment of our marriage." Halos mangilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Agad namang kinuha ni Katrina ang sulat mula sa kanyang kamay at binasa iyon. "This is Atty. Aldrin Angeles, personal lawyer of Mr. Thyro Christian Nishikawa Pacalla of HDR-P Singapore PTE. LTD. Please be informed that my client filed a petition for the annulment of your marriage. If you want to talk about the case, feel free to visit me on the address mentioned above. However, here the possible grounds that are accepted in the court of the Philippines."

Nasapo niya ang bibig ng sariling palad. Hindi na naman tumatakbo ang utak niya ng maayos. Ano ang kailangan niyang gawin? Ano ang dapat niyang gawin?

"Papayag ka ba dito?" tanong ni Katrina.

She looked at her. "I said yes."

Hindi makapaniwalang napailing-iling na lamang sa kanya si Katrina. "You should said no. Mas lalong magkakaroon siya ng pagkakataong mag-file ng custody kay Theo kapag hiwalay na kayo. We don't know how long you could hide his son, Crystal. Kaya kapag nanatili kayong kasal, pantay ang karapatan niyo sa bata."

Bigla siyang napaisip. "Ngayong nakita niyang tinawag na daddy ni Theo si Mhike. Iisipin niyang nagkaanak ako sa iba habang kasal kami. Maaari niya iyong gamitin laban sa akin para matuloy ang annulment."

"I think you just need to tell him the truth. Mas magagalit siya sa'yo kapag tinago mo pa ng matagal ang katotohanang nagkaanak kayo," suhestyon ni Katrina.

"Sa tingin mo?"

Nagkibit-balikat si Katrina. "Paikut-ikutin mo man ang mundo, ama ni Theo si Thyro. At hindi mo iyon maaalis sa kanya. Mas mahirap kapag pinatagal mo pa, Crystal. You need to decide. Habang lumalaki si Theo, maghahanap at maghahanap siya ng tunay na ama. Mhike is just there to fulfil Thyro's responsibility pero hanggang kailan? What if biglang mahanap ni Mhike ang katapat niyang babae? Makita man ni Theo ang imahe ng isang ama sa kanya, hindi naman habangbuhay, nandyan siya para kay Theo. Magkakaroon rin si Mhike ng sarili niyang pamilya."

Katrina is right. She needs to decide. Mukhang kailangan niya iyong pag-isipang mabuti. Hindi niya habangbuhay maitatago si Theo. And Thyro has the right to know about their son.

If ever she would confess the truth, might as well, Thyro would not pursue the annulment. Isa lang naman ang hinihiling niya, ang mabigyan ng buong pamilya si Theo.

Pero kailangan niya munang pakiramdaman si Thyro. What if he would choose the other way around? Sana 'yung kakapiranggot na pag-asang may mabuting puso pa rin si Thyro, kahit hindi na lang para sa kanya, para sa anak na lang nila, ay mamayani sa lalaki. She hopes that Thyro has the same mindset like her. She wants to give their son a complete family. A happy complete family.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon