Part 24

1K 38 0
                                    

MAHIGPIT ang yakap ni Crystal kay Theo bago sila magpaalam ni Thyro sa anak. Hinatid na lamang jila ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng Bright Bridges School. Hindi naman niya mapigilang humalam ang mga mata habang pinagmamasdan ang anak na unti-unting nawawala sa kanyang paningin. And it brought too much pain on her heart.

Tahimik naman siya habang nakaupo sa passenger's seat ng kotse ni Thyro. Halos dama niya ang kaba na bumabalot sa kanyang katawan gayong ilang dangkal lamang ang layo niya kay Thyro.

Hindi nawala sa kanyang isip mula sa kanyang pagtulog hanggang sa paggising niya kaninang umaga ang huling sinabi sa kanya ni Aldrin bago dumating si Thyro at kaladkarin ang pinsan nito sa opisina kahapon.

"Hindi ko itutuloy ang annulment."

Halos manlaki naman ang mga mata niya sa biglaang pagsalita ni Thyro at gulat na napalingon siya dito. Hindi naman maitatanggi sa reaksyon niya na iyon ng magdamag na bumabagabag sa kanya.

"I know it bothers you the whole night."

"A-Ah," ngarag ang kanyang boses at hindi alam ang dapat sabihin.

Abala pa rin ang lalaki sa pagda-drive. "Actually, it was just a threat." Thyro looked her in seconds before looking back infront of the car. "Pero hindi pumasok sa isip ko na ituloy iyon. Sinusubukan ko lang talaga kung anong magiging reaksyon mo. And honestly, it pained me when you said yes without any hesitation on your face. Sobrang sakit marinig na pumapayag ka sa annulment nang hindi man lang pinaglalaban kahit 'yung pinagkasunduan na lang natin sa kasal."

Napabuka siya ng bibig sa sinabi ni Thyro pero walang anumang salita ang umalpas mula doon. Bigla siyang inatake ng konsensya sa ginawa niyang iyon. That time was when she feared about Thyro getting their son from her. Natakot siyang kunin nito si Theo at ilayo sa kanya. She had no other choice but to say yes.

"Even you said yes. Kahit na gusto mo na talagang makipaghiwalay," ani Thyro saka sumulyap ulit sa kanya saglit. And she saw determination on his eyes. "Pero wala na akong balak patakasin ka ulit. Hindi ka na makakatakas ulit at hindi na ako papayag na matakasan mo ulit."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. She breathe deeply. Isa lang naman ng tumatakbo sa isip niya ngayon. "Hindi ako aalis. Hindi na ako tatakas. Hindi na ulit kita tatakasan. I just want to live with you. With our son."

Hindi naman niya namalayang inihinto na pala ni Thyro ang sasakyan sa parking lot ng DBS. Hindi naman niya alam kung bakit hindi pa siya bumababa ng sasakyan. She felt she need to stay there. But seconds passed ag walang nagsalita sa kanila kaya dismayadong bumaba siya ng sasakyan. Laking-gulat naman niya nang bumaba rin si Thyro.

Nagtatakang napasunod naman siya ng tingin dito hanggang sa umikot ito at nagmamadaling naglakad palapit sa kanya.

"Bakit----." Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin nang bigla na lamang siyang kabigin ni Thyro at ikulong sa mga bisig nito. Dama niya ang mahigpit na yakap nito at ang pagkakasiksik ng mukha nito sa leeg niya.

"Huwag mo na ulit akong iwan."

Her chest felt like a drum being strucked continuously. Halos manigas siya sa pagkakatayo habang nakapalibot sa katawan niya ang mga braso ni Thyro at magkadikit ang kanilang mga katawan.

And she was not that prepared seeing Thyro on his vulnerable side.

"Nangako ka saking hindi mo ako iiwan. Pinanghawakan ko ang pangako mong iyon ng walong taon. Crazy as it is. But I actually waited for you to come back. Naghintay ako, Crystal," ani Thyro at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

And her eyes immediately teared up. "I'm sorry." Napahawak siya sa balikat nito. "Pero bumalik ako. Maniwala ka. Bumalik ako para hanapin ka."

Naramdaman niya ang pagluwag ng yakap ni Thyro. Kunot ang noo nito sa kanya nang salubungin nito ang luhaan niyang mga mata.

"Bumalik ako a week after that night," aniya sabay ng kanyang hikbi. "Kaso wala ka na. Sinubukan kong magtanong-tanong kaso walang nakakakilala sa iyo. Mas lalo akong nahirapan maghanap dahil ni pangalan mo ay hindi ko alam. Then, after a month, nalaman kong nagdadalang-tao ako. Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para hanapin ka. I even hired a lawyer to have a copy of our marriage certificate. Pakiramdam ko talaga noon magkadugtong na ang buhay natin. And it makes me more sure about it when I saw our names in the marriage certificate. Kasal talaga tayo. Hindi ka nagbibiro nang tawagin mo akong 'your wife'."

She saw Thyro's gray-ash eyes twinkled. Agad na sinapo nito ang magkabila niyang pisngi at pinagdikit ang kanilang noo.

"You don't know how you make me happy now that you really tried to look at me after that," anito. "Sapat na sa aking malamang sinubukan mo talaga kaysa sa wala kang ginawa."

Napakapit siya sa mga kamay ni Thyro habang sapo pa rin nito ang mga pisngi niya.  "I really did. Dahil alam kong nasaktan kita. Gabi-gabi akong dinadalaw ng bangungot kung bakit kita iniwan. I really felt like I made a promise to stay pero hindi ko nagawa. Nakonsensya ako."

"Dahil pinangako mo talaga sa akin na mananatili ka sa tabi ko kahit gaano kahirap pa ang sitwasyon."

Bigla siyang napatigil at napatitig sa mga mata ni Thyro. Gusto niyang mabasa mula sa mga mata nito ang sagot sa lahat ng tanong niya.

Thyro wiped her tears. "Ikaw ang nagsabi sa akin na puwede nating mahalin ang isa't isa kahit kasal na tayo. We just need to learn it."

Napanganga siya sa sinabi nito. She never imagined that she would tell those words.

"Pero may isang bagay kang hindi alam noong gabing iyon..."

Abot-langit ang kaba niya habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Parang hindi niya kakayanin ang kabang pinapadama sa kanya ni Thyro sa unti-unti nitong pagsasabi sa kanya nang nangyari sa kanila walong taon na ang nakakalipas.

She saw affection and great fondness on Thyro's eyes and at this time, she wanted to pretend that he felt something towards her because she already did.

Yes. She wants to admit it already. In everyday that she lives with him. Hindi na ilang iyon para sa anak nila. Hindi na lang iyon para mabigyan ng buong pamilya si Theo. Kundi dahil alam niya sa sariling may iba nang nararamdaman ang kanyang puso sa lalaking nasa kanyang harapan.

She just doesn't want to say it without any words from him.

At umaasa siyang sana hindi lang din dahil kay Theo kaya pinakikisamahan siya ni Thyro.

Bumalik naman siya sa tunay na mundo nang punasan ni Thyro ang mga luha niya gamit ang daliri nito.

"Kung alam mo lang kung anong ginawa mo sa akin, Crystal..."

Kinabahan siya roon. "A-Anong g-ginawa ko?"

Thyro smiled at her sweetly. He leaned on her until their faces are already an inch away.  Halos magdikit na rin ang tungki ng kanilang ilong. Sapo pa rin nito ang magkabila niyang pisngi.

"Anong ginawa mo?" ulit ni Thyro. "You just made me fall in love with you that night. And that love never fades even it already eight years passed."

Bumuka ang bibig niya ngunit walang umalpas mula roon. The words that she's been waiting for. There, he said it already.

And in just a snap of time, Thyro already claimed her lips, making her heart burst in happiness and at the same time, she remembered that there are CCTV cameras in the parking area, particularly on that spot, while they were enjoying the taste of love. And without any hesitation anymore, she kissed him back.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon