Part 17

1.1K 41 0
                                    

SUMILIP ang sinag ng araw at unti-unting nagising ang diwa ni Crystal sa liwanag na sumasakop sa kabuuan ng kuwartong iyon. Papungay-pungay pa siya bago niya tuluyang naimulat ang mga mata. Dama naman niya ang bigat ng kanyang katawan na para bang may mabigat na nakadagan sa kanya. Nad her nerves totally awoke when she felt a warm breathe on her neck. Ang kalmadong puso ay unti-unting nagwala nang maramdaman ang pantay na paghinga ni Thyro na nakasubsob ang mukha sa kanyang leeg at ang kaliwang braso nito ay nakayakap sa kanya.

Wait! Paanong nakarating ako dito? Malinaw ang kanyang alaala. She was sleeping in the sofa! Sinubukan niyang lingunin ang mahimbing pang si Thyro pero hindi niya nagawang makita ang buong mukha nito dahil halos nakadikit ang mukha nito sa balikat at leeg niya. Ni hindi niya magawang galawin ang kaliwang brasong nadadaganan na nito na halos nagmanhid na rin ata. Nadala naman niya ng kanang kamay at naipangtakip sa bibig.

Paanong umabot kami sa ganitong puwesto?! Magkadikit na ang mga katawan nila at yakap pa siya ni Thyro.

To make a space between them, nilakasan na niya ang loob at sinubukang niyang iangat ang ulo ni Thyro gamit ang kanang kamay upang bigyang-laya ang kaliwa niyang kamay na ginawang unan ng lalaki.

Ngunit hindi pa dumadampi ang palad niya sa buhok nito ay halos mapahiyaw siya nang bigla na lamang gumalaw ang kanang kamay nito at lumapat iyon sa kanyang likod at walang-pasintabing hinapit siya dahilan upang mas lalong magdikit ang mga katawan nila. Hindi naman niya namalayang napahawak na pala siya sa balikat nito upang pigilan ito pero huli na para doon.

"Don't move."

Halos manlaki ang mga mata niya nang marinig niyang magsalita si Thyro. Hindi naman niya magawang kumilos gayong nakasubsob pa rin ang mukha nito sa kanyang leeg.

"U-Umaga na," aniya. Hindi naman niya napigilan ang sunod-sunod na paglunok. Dang! Halos yakap na nila ang isa't isa sa puwestong iyon. At alam niyang dama nito ang kaba niya sa dibdib.

"I know."

Napakunot-noo siya sa sinagot ni Thyro sa kanya. "W-Wala ka bang balak bumangon?"

Thyro hugged her tightly. "Kapag ba bumangon tayo, hindi mo ko tatakbuhan ulit?"

Dama niya sa kanyang leeg ang mainit na hangin na nanggagaling sa bibig ni Thyro. She gulped again. "H-Hindi na. P-Promise."

"Nangako ka rin noon pero iniwan mo pa rin ako."

She suddenly felt sad hearing those words from him. Bigla niya natanong ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang epekto kay Thyro ng pag-alis niya noon.

"Pangako. Hindi na ako aalis. Hindi na ulit kita tatakbuhan," buong-puso niya sambit.

And that moment, naramdaman niyang lumuwag ang yakap nito sa kanya. Inalis na naman nito ang pagkakasubsob ng mukha sa kanyang leeg. And upon meeting Thyro's eyes, she got mezmerized with it.

"Tama nga ako," wala sa sariling sambit niya. "Sa iyo nakuha ni Theo ang mga mata niya."

At halos huminto ang ikot ng mundo niya nang masilayan niya ang isang matamis na ngiti ni Thyro. Maging ang mga mata nito'y nakangiti sa kanya. Halos hindi siya makapaniwalang masisilayan niya ang ngiting iyon na halos walang emosyon na mukha ang laging binibigay nito sa kanya simula nang magkita silang muli.

"N-Ngumiti ka?" wala sa sariling tanong niya. Dama niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Ganito ba talaga ang epekto ng ngiti ni Thyro sa kanya. No question, lumalabas ang gandang-lalaki nito tuwing nakangiti ito. But the moment is rarely to happen.

"You know how to make me smile, Crystal. You should know that. Walong taon na ang nakalipas noong unang beses mo akong napangiti," anito sabay alis ng comforter sa katawan nito saka mabilis na umalis ng kama.

Lutang pa rin ang isip niya sa huling sinabi ni Thyro. Ni hindi niya nagawang kumilos at nanatili siyang nakahiga sa kama. Thyro was busy preparing his clothes from the closet when he looked again to her.

"Tumayo ka na d'yan. I need to see my son."

At sa sinabing iyon ni Thyro, agad siyang napabangon mula sa kama. But upon looking at him, she was not that prepared to see his half-naked body. Shit! Natulog silang magkatabi habang wala pa ring damit pang-itaas si Thyro?!

"Kunsintihin ko man ang pagtitig mo sa katawan ko," anito. "Gusto ko na ring makita si Theo. Siguro, puwede mamaya. Pag-uwi mo na lang ulit dito."

Mabilis niyang nailihis ang tingin. Nilalapag na naman na ni Thyro ang susuotin nitong American suit sa kama nang ma-realized niya ang sinabi nito.

"D-Dito ulit ako uuwi mamaya?" halos manlaki ang mga mata niya sa tanong na iyon.

"Dito kayo uuwi ni Theo. Dito na kayo uuwi. May problema ka ba d'on?" There. Thyro's expression-free face is already there again.

"Paano ang unit ko sa Yew Mei?" nag-aalalang tanong niya dito. "Tatlong taon ang kontrata ko doon. Hindi ako puwedeng umatras. Babayaran ko ang contractual bond kapag umalis ako nang hindi pa tapos ang kontrata."

"E, 'di bayaran."

Napanganga siya sa sinagot ni Thyro. Kitang-kita niya ang pagkaseryoso sa mukha nito. At talagang hindi ito nagbibiro.

"Wala akong pambayad," diin niya.

At halos umugat ang kaba niya mula sa dulo ng kanyang mga daliri sa paa paakyat sa kanyang katawan at umalburoto ang puso niya nang biglang gumapang si Thyro sa kama. Bigla naman niyang nahila ang comforter upang ipangtakip sa kanyang katawan wari'y mapoprotektahan siya 'nun sa inis na nakikita niya sa mga mata ni Thyro.

"Huwag mong sabihin sa aking nakalimutan mo ang sinabi ko sa'yo kagabi." Thyro hold her chin to make their eyes met.

Abot-langit ang naman ang kaba niya gayong nakatambad sa kanya ang katawan nito. Well, para saan nga ulit yung kaba niya?

"A-Ano ba d'un?" kabadong tanong niya.

"You're going home with me," may diin sa boses nito. "You and Theo are going to live in this house with me."

Bigla niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Hindi niya akalain na ang utos ni Thyro na iyon kagabi ay magiging panghabangbuhay na pala. Akala niya isang gabi lang.

"Maliwanag?"

She feels like she has no choice but to agree with him or else something against her would happen.

Napatango-tango siya na parang sumusuko na siya.

Thyro made a lopsided smile. And that smile gives chills on her nerves. She doesn't like it. She wants the smile earlier. The sweet smile.

Buong akala niya ay aalis na sa harapan niya si Thyro nang bitawan nito ang baba niya. But she doesn't aware of his next move. Halos manlaki ang mga mata niya nang hawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pagdikitin ang kanilang mga noo. At halos hindi siya makapaniwala sa pangungulilang nakikita niya sa abuhing mga mata nito. Para namang binalot ng konsensya ang puso niya sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Thyro. Ganoon na ba talaga ang epekto kay Thyro nang pagtakas niya noon? Pero bakit? Maraming bakit pero wala siyang masambit na tanong.

"Don't leave me again. Don't ever leave me again or else I will die," Thyro said. "You don't know how it affect me when I came back on my room, you were not there anymore."

A lone tear escaped from her eyes. Dama niya ang lungkot na naramdaman ni Thyro sa pag-alis niya. And she knows she needs to do something to make that sadness convert into happiness now that she already came back with another happiness, their son.

"Hindi na ako aalis," pangako niya sa lalaki. "Hindi na ako tatakas."

Thyro looked at her in the eyes. "Susugal ako. Susugal ulit ako, Crystal. Magtitiwala ulit ako. At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong mananalo na ako. Hindi na ako papayag na iwan mo ko ulit."

Tumango-tango siya. Naputol naman niya ang pagtitig dito nang punasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi.

But in just a couple of seconds, Thyro held the back of her head, let her chin up and claimed her lips. And before she could realize what he did, her eyes are wide open while looking at Thyro's closed eyes. And she doesn't even aware that his kisses would bring warmth feelings all over her body. And before she could lose her mind, she closed her eyes upon kissing him back.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon