Prologue

2.5K 46 2
                                    

MASAKIT ang kanyang ulo. Muli niyang naipikit ang mga mata dahil halos umikot ang paningin niya at pakiramdam niya ay babagsak siya anumang oras. Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido at pilit iminulat ang mga mata. Unfamiliar lights and unfamiliar place welcomed her eyesight. Kusang kumulubot ang noo niya nang tuluyang masilayan ang kisame ng kuwartong iyon. Hindi iyon ang kisame ng kuwarto niya. Napahawak siya sa comforter na nakabalot sa kanyang katawan. And it doesn't her own comforter.

Shit! Nasaan ba siya?!

At tuluyang rumehistro sa kanyang isip na hindi niya nga iyon kuwarto nang iliko niya sa kanyang kaliwa ang kanyang paningin.

Bumuka ang kanyang bibig. Nanlaki ang kanyang mga mata. At kumabog ang kanyang dibdib.

She's lying on that bed! Oops! With a dropped gorgeous handsome man!

Teka! And why the hell she's lying there!

Pilit niyang inaalala ang nangyari bago siya nagising sa kama na iyon katabi ang lalaking hindi naman niya kilala.

Kailan ka pa sumama sa lalaking hindi mo kilala, Crystal! Saway niya sa sarili. Hindi naman niya alam kung bakit titigan niya ang mahimbing na lalaki sa kanyang tabi. Tinitigan niya ang bawat sulok ng mukha nito. Mula sa noo nito, sa tainga, sa nakapikit nitong mata, papunta sa matangos nitong ilong at mapupula nitong labi. Well, hindi naman niya ginahasa ng tingin ang guwapong lalaki, no?

Akmang bababa na siya ng kama nang may mapansin siya sa sahig. Natakpan niya ng sariling palad ang bibig. Gusto niyang sampalin ang sarili upang magising sa mistulang panaginip. Hindi ito maaaari! Those dresses and pants on the floor do not meant that...

Bigla niyang iangat ang comforter na nakabalot sa kanyang katawan. Gusto niyang tumili. Gusto niyang sumigaw. At gusto niyang sapukin ang lalaking mahimbing pa ring natutulog sa kanyang tabi.

Hinilot niyang muli ang sentido nang kumirot iyon. Pero wala siyang maaalala. Anong nangyari kagabi? Bakit nandoon siya sa kuwartong iyon? Paanong nakasama niya ang lalaking iyon? At may nangyari ba sa kanila?!

Well, kung hindi ang walang saplot niyang katawan at ang mga damit niyang nagkalat sa sahig ang magbibigay sa kanya ng kasagutan, e, ano?

Bahala na!

Dahan-dahan niyang inalis ang comforter sa kanyang katawan at sinigurado niyang hindi gagawa ng ingay ang pagbaba niya ng kama. Halos pagapang siyang lumapit sa mga nagkalat niyang damit at dahan-dahan niyang sinuot ang mga iyon. Kung paano niya nagawang magdamit ulit nang hindi siya nakakagawa ng ingay, eksperto siya roon.

Hinanap niya ang kanyang heels matapos niyang masuot ang kanyang dress. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto nang hindi lumilingon sa natutulog na lalaki. Napabuga pa siya ng hininga habang nakatayo sa nakasaradong pinto. And the time when her hand touches the doorknob, a well-baritone voice welcomed her ears and that made her chill.

"Kung ako sa'yo, hindi ako lalabas ng kuwartong ito."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang boses na iyon ng lalaki. At ang nakabuga niyang bibig ay bigla niyang naisara at nakagat ang pang-ibabang labi. Paanong nagising ang mokong na iyon sa sobrang tahimik niyang kumilos?!

Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas saka mabilis na umikot uoang harapin ang lalaki. Kung paano niya ito kakausapin? Bahala na.

Ngunit siya pa ang nagulat nang paglingon niya dito'y halos dangkal na lang pala ang layo nito sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon at hindi man lang niya narinig na bumaba ito ng kama! Napaatras siya ngunit nakalimutan niyang pinto pala ang nasa likuran niya kaya naramdaman niya ang sakit nang mapasandal siya sa pinto.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang tumambad sa kanya ang katawan nito na tuwalya na lamang ang takip sa pang-ibabang parte.

"Well, you tasted it last night."

At sunod-sunod na ubo ang nagawa niya wari'y nabilaukan siya sa natikman, este, sa narinig. Buong tapang niyang iniangat ang mukha at sinalubong ang kulay abo nitong mga mata.

She wouldn't forget how those ash-gray eyes could bring chills to her nerves.

"Wala akong maalala," aniya na buong tapang na sinalubong ang mga seryoso nitong mata.

Kumunot naman ang noo niya nang tumawa ito. Anong nakakatawa sa sinabi niya?

"Don't act like you don't remember how you moaned my name."

Shit! Shit! At isa pang shit! Bakit hindi niya maalala?! Ni pangalan ng guwapong lalaking ito hindi niya maalala! Kung paano pa kaya niya isigaw ang pangalan nito kagabi?! Duh!

Umiling-iling siya. "Wala akong maalala."

This man's expression turned serious and it makes her heart beats out of hell.

"Mag-ayos ka na," utos nito sa kanya. Humakbang ito isa paatras. "Ayusin mo ang sarili mo. Dad will visit. Ayoko ng ganyan ka kapag dumating siya."

"Ha?" Dad daw? "B-Bakit?" hindi niya alam kung bakit nagawa pa niyang magtanong sa kabila ng kabang nararamdaman niya.

Hinila siya nito palayo sa pinto saka nito binuksan ang pinto. "Magbihis ka ng maayos. Dad wants to have breakfast with us."

"Tayo?" lutang na tanong pa niya ulit.

"Of course," sagot naman ng lalaki. "And well, I want to have breakfast with my wife." At ang saradong pinto na nilabasan nito ang tumambad sa kanya.

Segundo. Minuto ang lumipas bago naproseso ng utak niya ang huling sinabi ng lalaki. Well, he said 'wife'.

Wife! Nanlalaki ang mga mata niya nang maintindihan niya ang huling sinabi ng lalaki. "I'm his wife? I'm his wife?! His wife!" paulit-ulit siyang tanong sa sarili. "No!" bigla niyang tanggi. "I'm just 21 years old! How could I get married at age of 21! Hindi pa ako kasal kahapon! I swear!"

Halos paikot-ikot siya sa buong kuwarto habang kagat-kagat ang kuko sa kamay. Pilit niyang inaaalala ang nangyari kahapon. Nararamdaman niyang may nangyari kahapon. Ano ba kasing nangyari kahapon! Nasabunutan na niya ang sarili sa sobrang inis. Wala siyang maalala.

The last thing she could remember...

"I'm with college classmates!" sigaw niya. Kunot na kunot na ang noo niya kakabalik sa mga nangyari kahapon. "Saan kami pumunta?" tanong niya sa sarili. Binatukan niya ng sarili. Inikot niya ang paningin sa kuwartong iyon. "Baka naman nananaginip lang ako?" Nahiling niya biglang magising na siya. "Gigising rin ako mamaya. Magigising rin ako."

Halos mapalundag naman siya nang makarinig ng mga yabag. Napailing-iling siya. "Hindi ito panaginip. This is real! Oh my god! I need to get out of here!"

Mabilis na kinuha niya ang kanyang mga gamit at inayos ang sarili. Iisa lang ang nakikita niyang daan palabas ng lugar na iyon.

Well, hindi naman niya inisip na tumalon sa bintana, no? Oh, she already did.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon