WALANG emosyon ang mga mata ni Crystal habang pinagmasdan na binababa ni Thyro mula sa pagkakakarga ang anak nilang si Theo nang makapasok sila sa loob ng bahay. Mabilis namang kumaripas ng takbo si Theo palapit sa bagong dating na si Ms. Lilia. Naging close na rin ang anak nila sa matanda dahil halos ito ang nag-aasikaso sa anak nila.
Wala namang sabi-sabing iniwan siya ni Thyro sa sala at umakyat ito sa pangalawang palapag ng bahay. Napabuntong-hininga na lamang siya. Sa buong biyahe nila pauwi ay naging mailap ang kanyang asawa sa pagkukwento sa nangyari sa kanila noong gabing iyon walong taon na ang nakakalipas. Bumabagabag pa rin sa kanya kung bakit hindi nito magawang ikuwento sa kanya ang nangyari at kung bakit hindi niya iyon maalala.
Kung hindi kami nag-inom, bakit halos umikot ang paningin ko nang magising ako sa kuwartong iyon? She really felt something happened that night that's why she was not able to remember that night.
Pero mukhang sariling sikap siya sa dapat niyang gawin upang maalala iyon dahil hindi siya tutulungan ni Thyro para maalala iyon.
Walang gana na namang napaakyat siya sa hanggang sa pangatlong palapag ng bahay kung nasaan ang kanilang kuwarto. Sa oras na maramdaman ng kanyang likod ang malambot na kama ay kusang pumikit ng mga talukap ng kanyang mga mata hanggang sa maging pantay ang kanyang paghinga.
HINDI pansin ni Thyro na malalim na pala ang pagkakahulog ng kanyang isip habang tulala sa kawalan sa loob ng kanyang opisina. He was still thinking at this moment if what he did was right.
Tama nga bang iniwasan niya ang mga tanong ni Crystal tungkol sa gabing iyon?
Gusto man niyang maalala ni Crystal ang isang gabing pinagsamahan nila ngunit mas gusto niyang kusa nitong maalala iyon hindi dahil sa pagkakakuwento niya kundi nabawi na nito ang mga alaala nila.
Naihilamos niya ang palad sa mukha at napasandal na lamang sa headrest ng knyang swivel chair habang tulala sa kisame. It is really so hard to keep his wife if she could just know that they are married because of the marriage certificate she got and not because they decided it both.
Paano kung napipilitan lang si Crystal na makisama sa kanya dahil may anak sila?
And that breaks his heart pieces by pieces.
And because of that possibility, a little bit of his most treasured memories came across his mind. He couldn't forget that. That night that Crystal was able to make him smile for the first time.
"Watashi o tebanasu, detarame!" (Let go of me, bullshits!)
Halos maubos ang buong lakas ni Thyro habang pilit binabawi ang mga kamay niyang magkabilang hawak ng dalawang lalaki. Pinipigilan ng mga ito ang pagpupumiglas niya habang ang pangatlong lalaki ay nasa kanyang harapan at umiiwas sa bawat sipa niya tuwing lalapit ito sa kanya.
Shit! Bakit ba lagi nila akong nasusundan?!
Kahit anong pilit niyang tago, kahit anong pilit niyang pag-alis at kahit anong pilit niyang pag-iwas, why they're always end up finding him?!
"Kare o kizutsukenaide kudasai. Watashitachi wa kare ga ikite ite anzendearu hitsuyō ga arimasu." (Don't hurt him. We need him alive and safe) Saad ng pangatlong lalaki na nakatayo sa kanyang harapan habang mahigpit ang pagkakahawak ng dalawa pang lalaki sa kanyang mga kamay at braso.
"Mga letse kayo! Bitawan niyo ko! Ano ba!" sigaw niya sa mga ito ngunit wala talaga siyang laban kung gayong isa lamang siya habang tatlong malalaking tao ang may hawak sa kanya. Hindi niya akalain na sa kanyang paglalakad sa gabing iyon sa malawak na kalsad ng Makati ay muling magtatagpo ang mga landas nila ng mga ungas na iyon na hindi na ata nagsawang makipaghabulan sa kanya. Mabilis na hinila siya ng mga ito sa madilim na sulok na iyon na halos walang napapadpad na tao. "Okaasan ga watashi ga kega o shita koto o shittara, kanojo wa anata o kaiko surudeshou!" (If Mom will found out that I've got hurt, she would fire you!)
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019