Hey guys how are you all today? I hope you all enjoy this book and have a great day :)
-beberose_28
Nadine's Pov
Isang taon nalang at magtatapos na ako sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education o BSEEd. Konting kembot nalang at matutupad na namin ng magulang ko ang makapag tapos ako ng pag aaral sa kabila ng pagiging mahirap lang namin.
"Naddie what section are you in?" Tanong ni Ella tsaka nito hinablot ang papel ko
"Omo! Were on the same section pala!" Masiglang sabi nito tsaka siya tumingin kina Sasha at Clementine na katulad niyang ugali.
"Come on na you make sabay nalang to us, take my bag kasi I'm nangangawit na" sabi pa ni Ella tsaka nito sinaksak sa dibdib ko ang bag niya at nauna ng naglakad
"Me too thanks" sabi naman ni Clementine na nilagay sa kamay ko ang bag niya
"Huwag mong dudumihan ang bag ko or else you're dead" sabi naman ni Sasha na maayos naman inabot ang bag niya sakin.
Hindi nalang ako kumibo at sumunod nalang sa kanila. Nakapag tiis ako ng tatlong taon sa kanila ano ba naman yung isang taon nalang.
Pagkapasok ko sa classroom namin ay agad ko naman nakita ang tatlo. Nasa may bandang dulo sila umupo kaya lumapit ako sa kanila para ibigay na mga bag nila.
"Naddie wait can you buy coffee for us? Thanks ha? You're so sweet talaga" hindi pa ako umoo ay binigay na nito ang card ni Ella kaya wala akong choice kundi sumunod nalang sa kanya
Ilang daang beses akong nagdasal na sana ay hindi ko na maging kaklase sina Ella pero nagkulang yata ang dasal ko at hindi narinig ni Papa God. Marami sigurong may mas malaking problema sakin na inuna muna niya. Pero okay lang, alam kong hindi naman niya ako papabayaan.
Dalawang cafe' latte at isang cappuccino ang binili ko sa Mr. Coffee House na nakatayo lang din sa loob ng Montreal University kung saan kami nag aaral. Sa tagal ko ng pumupunta at bumibili dito ay never ko pang natikman ang kape nila. Para kasing may halong ginto ang kape nila dito sa sobrang mahal.
Kilala ang Montreal University bilang isang pribadong paaralan na kung saan na tanging mayayaman lamang ang pinapayagan mag aral dito. Pero noon yon, simula ng mapalitan ang namumuno ng MU ay marami ng nagbago. Kung noon ay hindi sila tumatanggap ng mga scholars ngayon ay oo. Sa average mo na 90% ay pwede ka ng mag apply ng scholarship dito upang makapag aral ng libre. Libreng uniform at may libreng lunch na din.
Dahil sa paglipad ng isip ko ay hindi ko namalayan ang bato sa harapan ko. Pero wait.. bakit may bato? Bago ko nasagot ang tanong sa isip ko ay lumipad na ang tatlong kapeng hawak ko kasabay ng pagkakadapa ko.
"Aray ko" naiiyak na sabi ko.
Hindi pa ako nakakabangon sa pagkakadapa ay may umapak na sa likod ko. Hindi naman masakit dahil parang pinatong lang nito ang paa niya pero kahit na! Alam kong mahirap lang ako pero hindi ako papayag na apakan ang pagkatao ko!
"Anong gagawin mo nito? Sinira mo ang sapatos ko" sabi ng isang lalaki. Hindi ko alam kung ako ba kinakausap niya kaya pinilit kong iangat ang mukha ko para tignan siya. Tinanggal ko ang paa niya sa may likuran ko at tumayo. Tumingin ako sa sapatos niya na natalamsikan ng kape.
"Para yan lang aapakan mo na ako?!" Mataray na tanong ko sa lalaki
Malakas na bulungan naman ang narinig ko sa paligid.
"What?" Tanong nito na parang hindi makapaniwala
"You don't have the right to step on me!" Inis na sagot ko
"Are you kidding me? You spill the fuckin coffee on my shoes!" Pasigaw na sagot naman niya sakin
"Hello! Hindi ko sinasadya I did not mean! Aksidente lang yon okay?! Ang bobo ko naman para magpatisod at magpadapa para lang tapunan ka ng kape!" Sigaw ko rin sa kanya
"Are you this desperate just to be noticed? Well, yeah you got my attention but sorry choosy ako" sabi nito na ngumisi pa bago siya naglakad paalis at tinalikuran ako.
Nawindang naman ang pagkatao sa sinabi niya. Ano siya gwapo?! Artistahin?! Desperada daw ako?! Lintik na!
"Gago! Hindi ka gwapo para magpapansin ako sayo! Mukha kang kwago!" Hindi ko na napigilan pa sarili ko at sumabog na ako.
Nakita ko naman ang paghinto nito ng paglalakad pati na yung dalawang kasama niyang mukhang koreano. Si Cha Eun Woo ata yung isa ng Astro at Kim Taehyung ng BTS ang gwapo nila grabe. Bigla naman kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng makita ang kwago na papalapit sakin ngayon. Ang dilim ng mukha niya at parang may lumalabas na itim na awra sa katawan niya.
"What did you say?! Ako mukhang kwago?!" Galit na sabi nito at walang sabi sabing binuhat niya ako na parang baboy na nakapatong sa balikat niya.
"Bitawan mo'ko! saan mo'ko dadalhin hayop ka!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. Pinalo nito ang pwet ko na lalong nagpa histerekal sakin. "Waaahhh! Put me down!" Sigaw ko parin
Pumasok kami sa sports center at doon ay ibinaba niya ako. Agad ko naman siyang sinampal dahil sa ginawa nitong pambabastos sakin at nanlaki ang mga mata ko sa takot ng makita ang mga mata niyang galit na galit. Dahil sa takot ay naglakad ako ng paurong habang siya naman ay naglalakad palapit sakin.
"Ahhh!" Sigaw ko ng biglang mahulog ako sa swimming pool. "Tulong!" Sigaw ko pa pero parang bingi lang ang lalaking nakatayo sa taas ng pool at pinapanood lang ako kung paano malunod.
Hindi ako marunong lumangoy. Kahit malapit lang sa dagat ang bahay namin sa probinsya ay hindi ako natutong lumangoy. Ito naba talaga ang katapusan ko? Hanggang dito nalang ba talaga ako?
Napapikit ako habang unti unti akong nilalamon pababa ng tubig. Hindi.. hindi pwede.. marami pa akong pangarap para sa magulang ko. Dinilat ko ang mga mata ko at doon nakita ang isang lalaki na kahawig ni Park Bo Gum na lumalangoy palapit sakin. Nadine Earth Vergara mag hunus dili ka bruha! Hindi ito ang oras para pag pantasyahan mo crush mo.
*********
Please Vote, Comment and Share!
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...