Nadine's Pov
"Malayo pa ba?" Tanong ni Matt habang ngumunguya ng sitsirya
"Malapit nalang" sagot ko tsaka kumuha sa Piatos na hawak niya
"Where are we now?" Tanong ulit niya na dumungaw sa bintana ng bus
"Pampanga" sagot ko naman
"Akala ko ba malapit nalang tayo?" Kunot noong tanong nito sa akin
"Oo nga malapit nalang"
"Nasa Pampanga palang tayo paanong malapit na?"
"Malapit na tayo sa Bataan"
"Babe seriously?" Sabi pa niya na ikinatawa ko ng mahina
"Kanina ka pa kasi tanong ng tanong kung nasaan na tayo" hindi ko mapigilan ang tumawa
"I'm just feeling kind of nervous" mahinang sabi naman niya tsaka sumandal sa upuan
"Ehh? Hindi nga? Bakit naman?" Pigil tawang tanong ko
"It will be the first time your parents meet me, kanina ko pa iniisip on how I introduce myself to them" sabi nito tsaka tumimgin sa akin
Naalala ko naman bigla yung araw nung pinakilala niya ako sa parents niya.
"Sabihin mo lang pangalan mo at kung may itatanong sila sayo sagutin mo lang. Ako na bahala nun" nakangiting sabi ko. Napaisip tuloy ako kung paano ko din siya ipapakilala sa magulang ko.
"Ano ba sabi nila ng sabihin nilang kasama mo'ko?"
"Wala naman. Sinabi ko lang na may kasama ako"
"Didn't you tell them about me that I'm coming with you?" Nakatingin ito sa akin at hinihintay ang sagot ko
"Hindi kasi alam nila Mama na may boyfriend na ako kaya sa bahay na kita ipapakilala sa kanila" sagot ko sa kanya na pilit ngumiti
"What the?!" May kalakasang sabi niya sabay sabunot sa buhok niya. Napatingin pa tuloy mga kasabay namin sa bus.
"Relax ka lang okay? Ako bahala sayo. Mabait parents ko." Maging ako tuloy kinabahan sa kanya
"Oh God please help me, what am i going to do? Please extend your hand of mercy." Sabi nito na nakapikit pa
Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya. Hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa akin.
*********
Pagbaba namin sa bus ay sumakay kami ng jeepney papunta sa bayan namin. Nang magbayad ako ay pipigilan sana ako ni Matt pero umiling ako. Inabot ng katabi ni Matt yung fifty pesos ko tsaka ako nagpasalamat.
Napatingin naman ako sa mga kasama namin nakasakay sa jeepney na nakatingin din sa amin, actually kay Matt lang. Tinignan ko naman si Matt kung may kakaiba sa kanya, kung may dumi ba siya o bukas ang zipper niya pero wala naman akong napansin mali sa kanya.
"What are you doing?" Kunot noong tanong niya sa akin
"Wala" umiiling na sagot ko. Napatingin naman ako sa babaeng kaharap ko na nakangiti at nakatingin kay Matt. Napatingin din ito sa akin at napalitan ng busangot ang mukha niya. "Tss" hindi mapigilang sabi ko.
"Why?" Bulong ni Matt sa tenga ko tsaka ito umakbay.
"Wala" sagot ko ulit sa kanya at tinanggal ang pahkaka akbay niya sa akin. Lumingkis nalang ako sa braso niya at hinilig ang ulo ko doon.
"Ang ganda talaga sa probinsiya" sambit niya
"Kasi sariwa hangin? Maraming puno?" Nakangiting tanong ko
"Yeah pero mas naging maganda kasi nandito ka" sagot nito na ikinatawa ko
"Alam mo ang galing mong mambola, maraming mga babae na ang umiyak dahil sa ganyang linyahan ng mga dayo sa amin" sagot ko sa kanya
"Hindi kita binobola tsaka mapa Manila o Zambales o kahit saang lugar pa magiging maganda kapag kasama kita" sagot nito
"Oo nalang ako" sagot ko tsaka tumingin sa dinadaanan namin "Marami ng nagbago dito sa amin, parang malapit ng maging Manila din. Unti unting nababawasan mga puno at hindi narin sariwa ang hangin dahil sa mga usok ng mga sasakyan. Kalat narin ang droga na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan, sana lang bigyan pansin ng gobyerno ang mga hindi magandang pagbabago dito samin" mahinang sabi ko pero alam ko naman na narinig niya
"Development involves changes" sambit naman nito
"Alam ko pero sa magandang paraan naman sana" sabi ko naman
"It is up to the people babe whether they want to improve or not" sagot naman niya
"I know, anyway lapit na tayong bumaba" sabi ko at tumingin sa harapan "Manong sa kanto lang po" sabi ko sa driver at hinihinto naman niya kami mismo sa may kanto.
Nauna akong bumaba dahil ako ang nasa malapit sa labasan ng jeep hinila ko naman yung dalawang plastik bag na pinaglalagyan ng pasalubong namin sa magulang ko. Sunod na bumaba si Matt dala ang maleta niya at ang backpack ko na kinuha niya sa akin kanina. Iilang piraso lang naman ang mga damit na dinala ko dahil may mga damit naman ako sa bahay kaya magaan lang yun.
"Saan ang bahay niyo?" Palinga lingang tanong nito sa akin
"Sasakay pa tayo ng tricycle pero malapit na" sagot ko sa kanya at pumara ng tricycle
"I know you, yung malapit mo malayo pa talaga" nakangising sabi niya bago sumakay sa tricycle.
"Saan tayo te?" Tanong ng tricycle driver sa akin
"Sa San Antonio kuya" sagot ko
Magkahawak kamay na nakatingin kami ni Matt sa dinadaanan namin. Walang nagkikibuan sa aming dalawa tila pareho kaming nag iisip ng sasabihin sa magulang ko.
Alam kong kinakabahan si Matt dahil narin sa mga namumuong pawis sa noo niya at pag higpit ng hawak niya. Hinigpitan ko nalang din hawak ko sa kanya para malaman niyang nasa tabi lang niya ako.
"Kuya diyan nalang po sa tabi ng green na gate" sabi ko at huminto nga ang tricycle sa tapat ng bakod namin.
Bago bumaba si Matt ay malakas na huminga muna ito ng malalim pagkatapos ay kinuha ang mga dala namin at ibinaba. Inalalayan naman niya akong makababa sa tricycle at tinanong ang driver kung magkano. Nang makabayad na siya ay tinulak ko na ang kahoy na gate namin para mabuksan iyon.
Nagtahulan ang mga aso namin kaya naman dumungaw sa pintuan si Mama at malapad ang mga ngiting sinalubong kami.
******
Tbc
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomansaRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...