Nadine's Pov
"Hindi mo ba alam na magkapatid sina Blake at Matt?" Tanong sakin ni Sync habang naglalakad kami.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin kay Sync.
"Natatandaan ko ang kinuwento sakin ni Blake dati na may kapatid siya pero hindi ko alam na si Matt ang tinutukoy niya" sabi ko dito
"Ten years ko ng kaibigan si Matt at alam ko ang dahilan ng hindi nila pagkakasundo. Hindi mo masisisi si Matt kung magalit siya kay Blake" sabi nito
"Pwede mo bang i kwento sakin ang nangyari?"
"Wala ako sa posisyon para ikwento ang buhay nila, bakit hindi nalang si Matt ang tanungin mo?" Sabi nito sakin. Bumuntong hininga nalang ako "Nads, gusto ko lang sabihin na may dahilan si Matt kung bakit galit siya sa kapatid niya. Sana lang huwag mo siyang bitawan at pag isipan ng kung ano kapag nalaman mo ang dahilan niya" sabi pa nito
"Sync mahal ko si Matt at hinding hindi ko siya bibitawan hanggat nakahawak siya sakin. Nakwento na ni Blake ang side niya pero gusto kong marinig rin ang side ni Matt kahit alam kong masasaktan ako"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nag aaway sila dahil sa babaeng nangangalang Leanna diba? Hindi ko alam na si Matt ang tinutukoy ni Blake noong nag kukwento siya pero ngayong nalaman ko na magkapatid sila ay aaminin kong nanghina ako. Gusto kong malaman ang buong kwento sa kanilang tatlo kahit alam kong masasaktan ako"
"Kung ganon ay sasabihin ko ang konting nalalaman ko para kapag nagkwento si Matt sayo ay hindi na ganoon kabigat"
Tumango ako habang pigil ang mapaiyak. Nagsimulang mag kwento si Sync at tahimik na nakinig lang ako.
"Sinabi ni Blake na wala siyang gusto kay Leanna at hindi niya ito magugustuhan. Bilang kaibigan ni Matt pinayuhan ko siya na maraming babae at nag iisa lang ang kuya niya. Nakinig siya sa sinabi ko at sinabi pa sakin na kakausapin niya ang kuya niya at sasabihin na mas importante ang pagiging magkapatid nila at kakalimutan na nilang dalawa si Leanna. Ang kaso nakita namin sina Blake at Leanna na magkahalikan, pakiramdam ni Matt pinagtaksilan siya ng pinaka importanteng tao sa buhay niya at doon na nagsimulang magbago si Matt" hindi ko napigilan ang hindi umiyak habang nakikinig sa kwento ni Sync. Napahagulgol ako sa mga palad ko at walang nagawa si Sync para mapatahan ako. Hindi ko alam na may mabigat na dalahin si Matt.
Nung kumalma ako ay inabutan ako ni Sync ng tubig. Tumunog din ang phone ko at nakitang tumatawag si Matt. Huminga muna ako ng malalim bago ko iyon sinagot.
"Where are you nandito ako sa classroom mo" rinig ko sa kabilang linya
"Kasama ko si Sync bumili lang kami ng tubig papunta na kami diyan" kunwari walang nangyaring sagot ko
"I'll wait for you here"
Hindi na ako sumagot at ini end ko na ang tawag niya. Inaya ko si Sync na pumunta na sa classroom at sinabing naroon din si Matt.
"Ano pala ang gift mo bukas kay Matt?" Tanong nito na kinakunot ng noo ko
"Gift? Bakit kailangan ko siyang bigyan ng regalo?" Tanong ko
"Hindi mo alam na birthday niya bukas? Hindi ba niya sinabi sayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin
Napaka walang kwenta ko talagang girlfriend, ang dami kong hindi alam tungkol kay Matt. Okay, given na yung hindi ko alam ang past niya pero pati birthday niya hindi ko alam? Anong klaseng girlfriend ako.
"Sorry Sync hindi ko alam eh" nahihiyang sabi ko
Pagpasok ko sa classroom ay agad kong nakita si Matt sa upuan ko. Nakikipag kwentuhan naman si Zin kina Michelle at Dianne. Nang magsalubong ang paningin namin ni Matt ay tumayo ito at tila nag aalala. Ngumiti ako ng malapad at lumapit sa kanya.
"Babe sorry kanina" sambit nito
"Oo na sige na treat mo nalang ako ng masarap na lunch mamaya"
"Yun lang pala eh walang problema" nakangiting sabi nito at nginitian ko siya pabalik
"Oh siya alis na baka malate pa kayo sa klase niyo" taboy ko
Nakangiting nagpaalam naman ito sakin maging sina Zin at Sync. Nakatingin lang ako sa likuran ni Matt habang naglalakad ito papalayo. Sino bang mag aakala na sa likod ng katangian niya na hinahangahan ng karamihan ay may nakatagong bigat sa puso niya na dala dala.
"Lumabas din ang tunay niyang kulay" dinig kong sabi ni Sasha
"Hampaslupa kasi kaya she can't afford herself to buy delicious foods" sangayon naman ni Ella
Nagtawanan naman sila at ang ilang nakarinig. Halata naman na ako ang pinariringgan nila pero masyado na akong maraming iniisip para problemahin pa sila.
"Omy! Nagsalita ang hindi hampaslupa" sabi naman ni Michelle na tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa pwesto ko
"Duh! Mayaman kami sayo" nag rolled eyes na sabi naman ni Ella
"Really? At least yung yaman namin pinaghirapan ng great grandparents ko hindi dahil ninakaw lang kaya yumaman" pasaring ni Michelle na naging bulungan
"How dare you! Hindi galing sa nakaw ang yaman namin!" Sigaw ni Ella na napatayo at galit na galit
"How dare me talaga hahaha" pang aasar pa ni Michelle sa kanya "why don't you ask your parents kung saan galing kayaman niyo? Ang lakas ng loob mo manlait at magbitaw ng salitang hampaslupa eh original na hampaslupa naman magulang mo, take note magnanakaw pa. Kaya huwag kang magalit kung tawagin ka namin na anak ng hampaslupang magnanakaw!" Mabigat na salitang sabi ni Michelle
"You! Patunayan mo ang sinasabi mo dahil idedemanda kita!" Sigaw ng galit na galit na si Ella
"Oh My God I'm scared" sarcastic na sabi ni Michelle tsaka tumawa. "Go ahead ipagkalat mo sa mundo kung saan galing ang yaman ng Berbero. Kung iisipin parang galing sa ibang bansa apelyido mo kaya parang wow! mayaman nga. Pero purong pilipino ang magulang mo at wala kayong lahi ng kung ano maliban sa lahing magnanakaw diba? Kung ayaw mong maniwala itanong mo sa magulang mo o kaya ikaw na mismo mag imbestiga" bara ni Michelle
Nanginginig sa galit si Ella na umalis sa classroom kasama sina Clementine at Sasha. Nagsilapitan naman ang mga kaklase ko kay Michelle at tinanong kung totoo ang sinabi niya. Sinagot naman ni Michelle ang tanong nila at kinumpirma na talagang galing sa nakaw ang kayamanan nila Ella. Kaibigan daw kasi ng Daddy ni Michelle ang pinag nakawan ng Daddy naman ni Ella. Dahil daw hindi matanggap na niloko ang kaibigan ng Daddy ni Michelle ay nagpakamatay ito. Ang pamilyang naiwan naman daw niya ay namatay nalang din bigla at hanggang ngayon ay hindi pa alam kung ano talaga sanhi ng pagkamatay nila. Nakakalungkot ang nangyari sa pamilya ng kaibigan ng daddy ni Michelle.
Sa tulad kong anak mahirap ay nakaka proud na kahit gaano kahirap ang buhay namin ay hindi naisip ng magulang ko ang gumawa ng hindi maganda. Sana lang magkaroon ng hustisya yung pamilya ng kaibigan ng daddy ni Michelle at mapatunayan na walang kinalaman ang pamilya ni Ella sa nangyari.
************
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...