Chapter Thirty Six

127 11 0
                                    

Nadine's Pov

One week na mula ng mag umpisa sila Matt sa special project nila kaya laging late na kami kung makapag lunch. Bumabawi naman siya kapag uwian at hindi siya pumapalya sa paghatid sakin sa bahay kahit hindi pa nagawa ang kotse niya.

Tapos na ngayon ang klase ko at kasalukuyan naglalakad ngayon papunta sa tambayan. Itetext ko nalang si Matt na sa tambayan nalang kami magkita para hindi na siya maglakad pa ng malayo.

Nasa may tapat na ako ng tambayan at bubuksan na sana ang pinto ng marinig ko sina Zin at Sync na nag uusap. Gugulatin ko sana sila pero ako ang nagulat sa narinig ko.

"Hindi naman tayo nagkulang ng payo sa kanya" rinig kong sabi ni Zin

"Sa isang linggo naka tatlong trabaho na siya, hindi ko lubos maisip na magagawa at makakayanan to ni Matt" dinig ko namang sabi ni Sync

"Naaawa na nga ako sa kanya pero makulit siya at ayaw tanggapin ang tulong natin sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya tatagal" sabi pa ni Zin

"Wala na nga siyang pahinga, sa umaga sinusundo niya si Nads, tapos papasok pa siya ng alas otso sa trabaho niya. Babalik siya dito ng alas dose para kumain at aalis din ulit para mag trabaho. Babalik ulit dito para mahatid at makasama si Nads tapos babalik na naman siya dito para dito makapag pahinga at makatulog" tinakpan ko ang bibig ko sa gulat. Nag unahan na din ang mga luha ko sa paghagos sa pisngi ko.

"Baka sa mga oras na'to on the way na siya dito" sabi ni Zin na tumingin sa relos niya at sa kinakatayuan ko.

Napatayo si Zin ng makita ako at ganoon din si Sync. Kapwa sila lumapit sakin at niluwagan ang pagbukas sa pinto. Sunud sunuran ako sa kanila ng alalayan nila ako paupo sa may sofa.

Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko kundi mga hikbi na kanina'y mahina hanggang sa unti unting paglakas ng mga iyon habang nagpapaliwanag ang dalawa kung ano ang nangyari.

"Kasalanan ko lahat ako ang may kasalanan" mga salitang namutawi sa bibig ko habang umiiyak

"Sshh.. wala kang kasalanan, pareho lang kayong biktima ni Matt dito" alo sakin ni Sync

"Tama si Sync wala kang kasalanan" sabi pa ni Zin

"Bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit niya nilihim to sakin" umiiyak na tanong ko sa sarili habang nakatakip ang mga palad sa mukha ko

"Sigurado may dahilan si Matt hayaan mong siya ang magpaliwanag sayo" sabi pa ni Zin

"Alam mong mahal na mahal ka ni Matt at siguradong ayaw ka niyang mag alala kaya pansamantalang tinatago niya sayo ang kalagayan niya ngayon" sabi naman ni Sync

Pinunasan ko ang mga luha sa mata at pisngi ko at tinignan si Sync.

"Alam ko yon at mahal na mahal ko rin siya at naiintindihan ko rin kung bakit niya nilihim sakin to pero hanggang kailan? Hanggang kailan niya balak itago sakin to? Hindi ba niya naisip na baka may maitulong ako sa kanya? Ayaw ba niya na damayan ko siya?"

"Siya lang makakasagot sa mga tanong mo, tutal oras na din naman at malamang malapit na siya dito" sagot sakin ni Sync

"Huwag. Huwag niyong sabihin sa kanya na alam ko na. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon na siya ang magsabi sakin ng lahat"

"Pero Nads paano namin ipapaliwanag sa kanya ang itsura mo ngayon? Pulang pula ang ilong at pisngi mo at namamaga pa ang mga mata mo. Siguradong magwawala yon kapag nakita ka ngayon" sabi ni Zin

"Walang problema, ako ang bahala" sabi ko at tumayo. Binuksan ko ang tv at nagsalang ng isang cd. Alam ni Matt na paborito ko ang pelikulang The Notebook at kahit ilang beses ko na itong napanood ay paulit ulit parin ko paring iniiyakan.

Agad kong nilagay ang pelikula kung saan ay nakakaiyak na ang eksena. Umupo sa tabi ko si Sync at si Zin naman ay sa single na upuan. Ilang saglit lang ay napatingin kaming tatlo sa may pintuan. Pinunasan ko ang mga luhang pilit kumakawala sa mata ko at pati narin ang ilong.

Pagbukas ng pinto ay niluwa doon ang nakangiting si Matt. Tulad ng nakaraang araw pawisan din ito. Napaluha ako habang nakatingin sa kanya kaya nawala ang mga ngiti sa labi niya at lumapit sakin.

"What's the problem?" Tanong agad nito habang hawak nito ang baba ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung bakit imbes na tumahan ako ay mas lalo pa akong umiyak sa ginawa niya. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya at ganoon din naman siya sakin habang hinahagod nito ang likuran ko.

"Kasi nakakaiyak ang pinapanood ko" umiiyak na sabi ko. Gumalaw naman ito at tila tinignan ang pinapanood namin.

"Sshhh.. tahan na. Itatapon ko na tape nayan mamaya, lagi ka nalang niyang pinapaiyak" sabi nito tsaka niluwagan ang pagkakayakap sakin.

"Huwag! Favourite ko kaya yan" tutol ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko

Humiwalay ako ng yakap kay Matt at pinunasan ang mga luha ko. Pilit akong ngumiti habang nakatingin diretyo sa mga mata niya. Pinunasan ko rin ang mga butil butil na pawis sa noo niya at muling yumakap sa kanya.

*******




Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon