Chapter Thirty One

194 11 0
                                    

Nadine's Pov

"Nadine! Oh My God ikaw nga" nakangiting napatingin naman ako kay Leanna

"Anong ginagawa mo dito? Kumusta?" Tanong ko sa kanya

"Ayos lang, may dinalaw lang ako, sobrang busy kasi niya at hindi niya ako magawang puntahan kaya ako na pumunta sa kanya" sagot nito

"Ang swerte naman niya ikaw pa talaga dumalaw sa kanya" ngumiti siya sakin

"Ikaw kumusta kana? Naging busy ako nitong mga nakaraang araw dahil sa pinapagawa kong Gallery" sabi nito

"Ayos lang din naman. Wow congrats invite mo'ko kapag opening na ng Gallery mo ha? Kahit titingin lang sa mga heArt ng mga pintor"

"Oo naman! Kahit hindi mo sabihin. Magtatampo ako sayo kapag hindi ka dumating" sabi nito at tumawa kami

"Leanna pasensya na pero may klase pa kasi ako eh" sabi ko sabay tingin sa relos na nasa bisig ko

"Oh! Sorry sa abala, pauwi narin naman ako text nalang kita"

"Hindi okay lang, gusto ko pa sana makipag kwentuhan sayo kaso baka malate ako"

"May ibang araw pa naman eh" sabi nito na hindi nawawala ang mga ngiti sa mga labi niya. Tumango ako sa kanya at sinuklian din siya ng matamis na ngiti bago ako tumalikod at umalis. Sumulyap pa ako sa kanya at kumaway habang naglalakad palayo.

Nakasalubong ko naman sa hallway si Prof Almonte kaya sabay na kaming naglakad papunta sa classroom namin. Sa lahat ng mga guro ko siya ang pinaka paborito ko dahil napaka bait at kwela pa nito. Hindi rin mahirap intindihin ang tinuturo niya dahil sa technique nito sa pagtuturo.

"Okay class take out your books and turn into page 57 and do every other problem starting at question number 1. I'll give you guys ten minutes to answer and after that we will have a quiz"  umpisa ni Prof Almonte sabay talikod nito samin na siya namang pagharap niya sa white board at nagsulat.

"Sir naman" reklamo ng mga kaklase ko

Wala rin kaming nagawa at natuloy rin ang quiz namin. Madali lang naman dahil kakaturo lang ni Sir non kahapon. Ang mga papers narin namin ang nagsilbing attendance namin sa klase niya.

********

Nanonood ako ng tv at kumakain ng potato chips habang naka unan sa hita ko si Matt at naglalaro ng mobile legends. Kanina ko pa din sinasaway si Sync na busy rin sa paglalaro at pagtatrashtalk sa ewan ko, sa kakampi niya yata dahil ang bobo daw.

Si Zin naman ay nasa kabilang upuan at kasama kong nanonood.. kanina.. pero ngayon hindi na. Sobrang busy din siya sa phone niya kakatext kung sino man ang katext niya.

"Gusto mo?" Tanong ko kay Matt habang sinusubuan siya ng sitsirya. Ngumanga naman ito kaya sinubo sa kanya yung potato chips.

"Pahingi pa" sabi nito na abala parin sa paglalaro sa phone niya

"Wala na last na yong binigay ko sayo"

"Wala nabang iba?" Umupo siya at tinignan ang center table

"Wala na ubos na" ulit ko. Tumayo ako at kinuha ang dalawang plastik ng sitsirya na wala ng laman

"Wala naba sa cabinet?" Tanong pa nito

"Wala na po last na yan"

"Shall we go to a convenience store?"

"Huwag na malapit narin naman mag hapunan, mabuti pa umuwi na ako"

"Dito kana kumain magpa deliver nalang tayo" sabi ni Zin na abala parin sa phone niya

"Oo nga dito nalang tayo kumain ano bang gusto niyo?" Tanong naman ni Sync

"Pizza?" Patanong na sabi ni Zin

"Kayo nalang siguro oras na rin kasi" sabi ko naman

"Aish! Tinatamad pa akong umuwi eh" sabi ni Zin

"Kung ayaw mong umuwi edi mag stay ka dito vhaklang twoo" sabi ko naman na pinaikot pa eyeballs ko

"Mabuti pa siguro kung kumain nalang muna tayo sa labas bago umuwi" suggestion naman ni Matt

"Much better" sang ayon ni Zin

"Good idea" sabi naman ni Sync na sa wakas ay binulsa na ang phone niya


"May kanya kanyang bahay naman kayo na puno ng pagkain pero puro gastos lang nasa isip niyo. Wala kayong alam gawin kundi gumastos" sabi ko sa mga ito

"Gusto ko kasi pagdating sa bahay tulog na agad" sabi naman ni Zin

"Hindi ako marunong gumamit ng microwave para mag init ng pagkain" sabi naman ni Sync na natatawa

"Marami ngang pagkain mag isa ka lang kakain" mahinang sabi ni Matt


"Ang bahay niyo ba tulugan mo lang? Kumusta naman bonding mo sa pamilya mo diba?" Sabi ko habang nakatingin kay Zin "Ikaw naman Sync, para microwave lang hindi mo alam gamitin? Gumamit ka nalang ng stove at doon mo initin kakainin mo o baka naman hindi ka rin marunong gumamit ng stove? Kainin mo nalang pagkain mo ng hindi iniinit para walang problema" tumingin naman ako kay Matt na nakatingin din sakin habang pinagsasabihan ang dalawa "Ikaw naman" turo ko kay Matt "Marami kayong pagkain pero problema mo mag isa ka lang kakain" huminga muna ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya "Kung gusto mo may makasabay kumain bawasan mo pagiging cold mo, ayain mo mga tao sa bahay niyo, yung magulang mo, kasambahay niyo o kaya kung may pet kayo. Pero alam mo kung ano mas maganda? yung ikaw ang sasabay ka sa kanila. Masarap kumain lalo na kapag kasama ang pamilya"

Nanahimik silang tatlo at nagmukha akong engot na nagsasalitang mag isa na wala naman kausap. Walang kumikibo kahit isa sa kanila at ngayon ay hawak ang kanya kanyang phones nila. Parang isa akong radyo na dumadakdak sa ere pero walang listeners.

Sa sobrang inis ay hinablot ko ang bag ko at nag walk out. Sumunod naman sila sakin at sinubukan kausapin ako pero ako naman walang naririnig ngayon. Ayaw na ayaw ko pa naman yung seryoso akong nagsasalita at kinakausap sila pero hindi ako pinapansin. So ngayon manigas sila! Ako naman ang hindi papansin sa kanila.

********

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon