Chapter Twenty Three

266 17 3
                                    

Nadine's Pov

"Matt pwede bang mag usap muna tayo?" Sabi ko pagkatapos niya akong ihatid sa bahay

"May problema ba?" Tanong nito

Ngumiti ako at umiling.

"Pasok ka muna" niluwagan ko ang pintuan at nauna ng pumasok sa kanya. Sumunod naman siya sakin

"Babe" tawag niya habang nakatalikod ako

"Umupo ka muna ikukuha kita ng maiinom" sabi ko at naglakad papuntang kusina.

Pagbalik ko sa may sala dala ang isang basong tubig ay nadatnan ko si Matt na tahimik lang na nakaupo at tila may malalim na iniisip. Nang mapatingin ito sakin ay nginitian ko siya at inabot ang tubig na dala ko. Tinanggap naman niya ito pero hindi niya ininom at ibinaba nalang sa may center table.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya at tumabi sa kanya

"I'm good, now tell me ano ang gusto mong pag usapan?"

"Hmm.. yung nangyari kanina, hindi ko alam na magkapatid kayo ni Blake" simula ko tsaka diretyong tinignan siya sa mata "Matt gusto ko lang sabihin sayo na tanggap ko ang past mo, kung gusto mong mag kwento tungkol sa nangyari noon na naging dahilan ng hindi niyo pagkakaintindihan ni Blake ready ang tenga kong makinig. Kung hindi kapa ready mag share makakapag hintay naman ako eh" sabi ko tsaka siya nginitian "Gusto ko lang din sabihin sayo na hangga't kailangan at mahal mo'ko mananatili ako sa tabi mo at naka suporta sayo"

"Ang totoo natakot ako ng malaman kong magkakilala kayo ni Blake. Natakot ako na baka agawin ka rin niya sakin tulad ng ginawa niyang pang aagaw sa lahat ng mga taong mahal ko" sabi niya at hinawakan ang magkabilang balkat ko "isipin ko palang na maagaw ka niya sakin parang nasisiraan na ako ng bait. Handa kong ibigay lahat sa kanya maliban sayo"

"Hindi naman ako magpapa agaw kaya wala kang dapat ipag alala" yumakap ako sa kanya at gumanti rin ito ng yakap "Ang tanga ko naman kung ipagpapalit pa kita" sabi ko pa tsaka tumawa ng mahina at humiwalay ng yakap sa kanya "Ako nga dapat mag alala dahil ang daming may gusto sayo" sumimangot ako at pinisil ng mahina ang isang pisngi niya

"Hindi ko alam kung ano sinabi sayo ni Blake pero gusto kong sabihin sayo na ako sana ang pakinggan at paniwalaan mo. Alam kong nagiging selfish ako pero babe ikaw lang kasi meron ako kaya gusto kitang ipagdamot" Napangiti naman ako sa sinabi niya

"Sino ba yang Blake na yan? Yaan mo kapag nakita ko yang taong yan matitikman niya ang super powers ko" kumindat na sabi ko. Ngumiti naman siya at niyakap ako. Nilapat pa nito ang labi niya sa noo ko na nagpapikit sakin

"Babe diba ininvite kita nung isang araw? Ang totoo kasi ay may salo salo sa bahay bukas at gusto ko sanang ipakilala ka sa parents ko" sabi nito

Namilog naman ang mga mata kong lumayo sa kanya

"Teka lang bakit ipapakilala mo'ko?" Nag aalalang tanong ko


"Syempre girlfriend kita natural lang na ipakilala kita" sabi nito


"Pero hindi ba masyado pang maaga para ipakilala mo na agad ako?" Kinakabahan na sabi ko

"Babe seryoso ako sayo kaya bakit kailangan pang patagalin pa? Ipapakilala lang naman kita bilang girlfriend ko pero kung gusto mo pwede rin na fiance ko" sagot nito sakin tsaka bahagyang tumawa

"Sira! Baliw ka talaga. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito" wika ko pa habang iniisip kung anong dadalhin ko para maibigay sa parents niya "Matt anong favorite food ng magulang mo?" Tanong ko pa

"Bakit kaba kinakabahan? Hahaha" tumatawang tanong niya kaya hinampas ko siya sa braso "I also have no idea kung anong paborito nilang food, ipagluluto mo ba sila? Huwag na.. ako nalang ipagluto mo" sabi pa nito

"Nakakahiya kung wala akong bibitbitin bukas kung ipapakilala mo'ko sa kanila"

"Just bring your beautiful self okay?"

Napanguso nalang ako at tumango.

"Hindi nga pala kita masusundo bukas pero hinabilin na kita kina Sync at Zin sabay sabay nalang kayong tatlo pumunta bukas sa bahay"

"Pupunta din sila? Thanks God love mo talaga ako at hindi pinapabayaan" pasasalamat ko pa kay Papa God dahil kahit papaano kasama ko sina Sync at Zin

"Huwag ka mag alala alam na nila Zin ang gagawin nila" sabi pa ni Matt. Tumango nalang ako.

"O siya layas na at madilim na, kailangan ko pa mag review dahil may quiz kami bukas" hinila ko si Matt mula sa pagkakaupo at tinaboy na siya

"You got nothing to say to me?" Ngumiti at umiling ako "then I'm going" sabi nito tsaka na ito tumalikod at humakbang paalis

"Babe!" tawag ko kay Matt na agad namang lumingon at bumalik na may paskil na malapad na ngiti

"Ano tinawag mo sakin?" Tanong nito na nilapit pa ang mukha sakin

"Matt?" Sagot ko sa kanya at hindi mapigilan ang pagtawa

"Babe naman" sabi naman niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa

"Babe" ulit na tawag ko sa kanya at ngumiti. Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha niya

"Isa pa" sabi nito na ikinatawa ko

"O siya! Babe" ulit ko. May pagka uto uto kasi ako kaya nagpauto ako

"Ang sarap pakinggan isa pa nga" sabi niya pa

"Ay nako! Uwi na! tinawag lang naman kita para mag goodnight" sabi ko

"Alright babe goodnight" sabi nito tsaka ako hinalikan sa noo "lock mo na pinto mo" sabi pa niya

"Hmm.. sige" tumatangong sabi ko at kumaway pa sa kanya

"I love you!" Sabi pa nito na ikinangiti ko

"Ingat sa pag drive I love you too" sabi ko pa at kumaway sa kanya

Hinintay ko munang makaalis ang kotse ni Matt bago ko sinarado ang pinto at ni lock iyon. Inilabas ko naman ang notebook ko kung saan naroon ang kailangan kong reviewhin para sa quiz namin bukas.

Alas syete y medya ng mag text si Matt sakin na nasa bahay na daw nila siya. Nagpalitan pa kami ng mga text message hanggang sa dalawin na ako ng antok.

*********


Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon