Nadine's Pov
"Oops! I'm sorry you okay?" Tanong sakin ng babaeng naka banggaan ko dito sa supermarket. Napaka ganda niya siguro model siya o kaya artista?
"Hindi okay lang hindi naman ako nasaktan" sagot ko sa kanya matapos niyang tamaan ang basket na hawak ko
"By the way I'm Leanna. And you are?" Inabot nito ang kamay niya sakin kaya naman nakipagkamay ako sa kanya.
"I'm Nadine" nakangiting pakilala ko sa sarili. Ngumiti naman ito ng ubod ng tamis, para itong anghel sa sobrang kagandahan niya. Gusto yata talaga ni God ipamukha sakin kung gaano ako kapangit. Pero hindi! Hindi ako pangit, maganda lang talaga siya.
"Hi Nadine we're friends na ha? Wala kasi akong kakilala masyado dito" sabi pa nito
"Ha? S-sige ba" nautal na sagot ko "bago ka lang ba dito sa Manila?" Tanong ko sa kanya
"Nope! I was born here but i was raised in Korea. Yung mommy ko ay Pilipino at ang dad ko naman ay Korean"
"Ahh half korean ka pala, nakita mo na sa personal si Park Bo Gum?" Pagbibiro ko para hindi ako mailang.
"Hmm.. twice palang yata, kpop fan ka?"
"Hindi naman gaano mas gusto ko mga kdrama. Buti marunong kang magtagalog no? Kung hindi mahihirapan akong kausapin ka. Annyeong haseyo lang kasi alam ko at saranghae" sabi kong nakangiti
Kumuha ako ng isang tray ng itlog at yakult sa may estante at ganon din siya. Kung ano kinukuha ko ay ganon din kinukuha niya.
"Eight years old kasi ako ng umuwi kami ng Korea tapos nagbabakasyon din kami dito every year nung nabubuhay pa ang lola ko. Three years ago namatay siya at yun ang huling bakasyon ko dito"
"Oh! I'm sorry" tanging nasabi ko
"Okay lang, matagal na yon at nakapag move on na kami ni mommy. Ngayon inaasikaso namin yung naiwan ni Lola dito kaya umuwi kami. Balak kasi namin mag stay na dito for good"
"Ahh" tumatangong sabi ko.
Nag ring ang phone ko at napatingin ako kay Leanna. Ngumiti lang siya sakin at tumango, parang sinasabi niya na sagutin ko yung phone ko. Lumayo ito ng konti sakin at nakita kong kumuha siya ng mga delata. Nag istock din siguro siya sa bahay tulad ko, yun nga lang mga mamahalin yung kanya.
"Hello" sagot ko cell phone
"Where are you? Nandito ako sa tapat ng bahay mo" sabi nito
"Ehh? Ano ginagawa mo diyan?"
"Visiting you but your not home, where you?"
"Supermarket bumibili lang ako ng stocks sa bahay"
"Wait there, I'll come and pick you up"
"Huwag na pauwi narin naman ako"
"I'm on my way babe see you there" sabi nito tsaka siya nawala sa kabilang linya
Bumuntong hininga nalang ako at binalik ang phone sa bag ko. Nakangiting lumapit naman si Leanna sakin at nginitian ko din siya.
"Boyfriend mo?" Tanong nito
"Oo eh, susunduin niya daw ako dito" nahihiyang sabi ko
"Wow! Your so lucky. Ako kaya kailan magkakaroon ng boyfriend na maghahatid at magsusundo sakin" sabi nito
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
Roman d'amourRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...