Nadine's Pov
"Yah!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Nakasimangot akong tumingin sa kanya habang papalapit siya sakin.
"Ano na naman?" Nakabusangot na tanong ko sa kanya
"You're going to speak to your boyfriend like that?" Kunot noong tanong niya sakin
"Ano nga kasi? Diba may klase kapa ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya
"Papunta na ako ng makita kita. Saan kaba pupunta?" Tanong niya
Bumuntong hininga ako "Matt lalabas lang ako sandali dahil may bibilhin ako" sagot ko sa kanya
"Ano ba bibilhin mo ako na ang bibili" sabi nito tsaka tumingin sa relos niya
"Huwag na ako nalang baka ma late kapa" taboy ko sa kanya
"Malelate talaga ako kapag hindi mo sinabi kung ano bibilhin mo. Ang init oh! Mahilo kapa sa daan" pagpupumilit nito
"Matt please.. ako nalang okay? Sige na alis na" taboy ko parin sa kanya
Sumeryoso naman ang mukha niya at tinignan ako ng diretyo sa mata.
"Sabihin mo nga sakin, may bibilhin kaba talaga o may katagpuan kang ibang lalaki?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya naman agad lumipad sa katawan niya ang bag ko
"Kung ganyang wala karing tiwala sakin edi mag break nalang tayo!" Sigaw ko sa kanya at tinalikuran siya
"Babe!" Tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin.
Nakakapanginig talaga siya ng laman. Ang sakit na nga ng puson ko sumabay pa siya.
Ilang hakbang palang nagagawa ko ng maramdaman ko ang kamay ni Matt na bumalot sa katawan ko.
"Sorry na" bulong nito sa tenga ko at pinatong ang baba niya sa balikat ko.
"Bitawan mo nga ako ang daming nakakakita oh!" Inis na sabi ko habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niya na lalo namang humihigpit.
"Sorry na kasi, may nagsabi kasi sakin na nung wala daw ako maliban kina Sync at Zin may iba kapa daw na kinakatagpong lalaki" sabi niya
"Sinong lalaki naman yon? Bantay sarado ako ng mga kaibigan mo tapos pag iisipan mo ako ng ganyan?" Marahas kong inalis ang kamay niya at muling naglakad palayo sa kanya
"Babe hindi ako naniwala kahit sinabi pa niya at ng iba na nakita kayo sa coffee shop at sobrang sweet niyo pa daw. Nagalit pa nga ako sa kanila dahil kung ano ano mga sinasabi" sabi pa niya habang nakaharap sakin at naglalakad paurong
"Matt please lang lubayan mo muna ako baka hindi ako makapag timpi sayo mabura ka sa mundo" inis paring sabi ko.
Hindi pala siya naniniwala sa mga sabi sabi tapos tatanungin niya ako ng ganon? Tsk!
"Babe naman sorry na. Ayaw mo kasing sabihin kung saan ka pupunta tapos bigla kong naalala yung sinabi nila sakin kaya na praning ako. Sorry na kasi" sabi pa niya.
Hindi ko siya pinansin at tuluy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mabubunggo na siya sa poste. Hindi ako nakapag salita at tinakpan nalang ang bibig gamit ang dalawa kong kamay ng mabunggo siya sa estatwa ni Dr.Jose Rizal. Agad ko siyang nilapitan at tinulungan. Dumaing ito na masakit ang ulo niya, magpapatulong sana akong dalhin siya sa infirmary pero tumanggi naman siya. Tinignan ko naman ang likod ng ulo niya at mabuti namang wala itong bukol.
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...