Chapter Twenty

349 18 6
                                    

Nadine's Pov

Napapangiti ako at tila nawawala sa sarili satwing naaalala ko yung halik na pinagsaluhan namin ni Matt kahapon sa hospital. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at hinalikan pa iyon. Naging manyak naba ako at pati unan ko'y hinahalikan ko? Imbes na mandiri sa unan ko ay niyakap ko pa ng mahigpit yon.

Kahit ayoko pang tumayo ay kailangan ko ng mag ayos dahil baka dumating na si Matt. Tinupi ko muna ang kumot ko at inayos ang kobre kama at mga unan bago lumabas ng kwarto. Nag hilamos at nag toothbrush muna ako at sinimulan ng magligpit ng kalat.

Mula ng maging official ang relasyon namin ni Matt ay ako na nagluluto ng breakfast namin. Binawalan ko narin siyang bumili ng kung ano anong pagkain at sinabing dapat niyang matikman ang almusal ng isang ordinaryong tao.

Kung dati ay sampung piso na pandesal lang binibili ko ngayon ay bente na. Kung dati ay kape lang ang partner ng pandesal ko ngayon ay nadagdagan na ng itlog. Nakakahiya naman kasi kay kamahalan na walang palaman yung pandesal niya.

Pagkabili ko ng pandesal ay bumalik na agad ako sa bahay. Tatlong bahay lang naman pagitan ng pinagbilhan ko kaya malapit lang. Idagdag mo pa na dikit dikit yung mga bahay kaya sobrang lapit lang talaga.

Napatingin naman ako sa paparating na kotse at napangiti. Pumarada ang kotse ni Matt sa tapat ng bahay at hinintay ko siyang bumaba doon. Para naman nag slowmo ang mundo ng makita ko siya lalo na ng ngumiti siya sakin. Alam ko ang landi ko na pero promise siya lang lalandiin ko.

"Good morning babe" bati niya sakin pagkalapit niya

"Morning! Napaaga ka yata?" Tanong ko sa kanya tsaka siya pinatuloy

"Ayaw mo yon maagang mabubuo ang araw mo" sabi nito at ngumiti sakin

"Ay sus! Baka maagang sisirain ang araw ko baliw. Wait lang magpapakulo ako ng tubig ng maipag timpla kita ng kape" sabi ko at dumiretyo sa kusina. Sumunod naman siya sakin

Agad akong naglagay ng tubig sa takuri at sinalang yon sa apoy. Sunod ko namang ginawa ay kumuha ng kawali at nilagyan yon ng mantika. Gustong gusto ni Matt ang scrambled egg kaya hindi pwedeng mawala yon sa breakfast namin.

Halos sabay lang din matapos ang niuto kong itlog at yung tubig na mainit. Agad akong nagtimpla ng kape naming dalawa at binigay agad yung isa kay Matt.

"Ang aga naman ng mobile legends mo" puna ko sa kanya

Pinakita naman niya ang phone niya sakin at text message pala ang binabasa niya at nireplayan niya.

"Babe gusto sana kitang i invite sa friday" sabi niya na hinawakan pa ang kamay ko

"Hmm.. sige, after class ba yan?" Tanong ko

Araw araw kaming magkasama ni Matt pero never pa niya akong ininvite na lumabas. Napangiti ako sa isipin na first date namin sa friday.

"Yep! Thank you" sabi niya at hinalikan pa likod ng palad ko

"Ang oa mo ah may pahalik halik kapa sa kamay, nagmamantika kaya kamay ko" natatawang sabi ko sabay hila sa kamay kong hawak niya

"Ang bango kaya" tumatawang sabi nito at balak ulit hawakan kamay ko pero tinago ko sa likuran ko

"Che! Manahimik ka diyan at kumain ka nalang" sabi ko pa

"Subuan mo'ko" sabi nito na ngumanga pa

"Ganyan talaga gusto mo?" Tanong ko sa kanya na kumuha ng pandesal at sinaksak yon sa bibig niya. Tinanggal naman niya ito at nagreklamo

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon