Chapter Forty Two

59 9 1
                                    

Nadine's Pov

"Nandito na pala kayo halikayo pasok pasok" nakangiting sabi ni Mama tsaka ako nag mano sa kanya

"Si Papa?" Tanong ko habang nakatingin sa bahay

"Mamaya mo na hanapin ang Papa mo siguradong pauwi na iyon, pumasok na muna kayo sa bahay" sabi pa nito tsaka tumingin kay Matt

"Mano po" ibinigay ni Mama ang kamay niya na nakangiting nakatingin kay Matt.

Pagkatapos magmano ni Matt ay pumasok na kami ng bahay.

"Kumusta ang byahe niyo? Ikukuha ko muna kayo ng maiinom bumili ang Papa niyo kanina kila Aling Tasing ng softdrinks" masiglang sabi ni Mama.

"Kamukha mo Mama mo" sabi naman ni Matt na nakaupo sa tabi ko

"Mas kamukha niya ang Papa niyo" sabi naman ni Mama na may bitbit na isang pitsel na may lamang softdrinks at tatlong baso "teka kukunin ko lang yung binigay na kakanin ni Mona" sabi nito sabay tayo "nalaman kasi niyang uuwi ka kaya pinagluto ka niya ng biko, sabi niya ay paborito mo daw yon" masayang sabi ni Mama habang kinukuha sa kusina ang biko

Tumingin naman ako kay Matt na nakangiti. Mukhang nawala na ang kaba niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin at tumango.

"Yeah" sagot nito tsaka siya tumingin kay Mama na may bitbit na biko

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ni Mama kay Matt

"Oh sorry po" napatayong sabi ni Matt "Ako po si Matt Hiram Roxas" pakilala nito sa sarili at nag bow kay Mama

"Bakit kapa tumayo sige na umupo kana" tumatawang sabi ni Mama. "Ang gwapo mo naman saan mo nakilala itong si Nadine?" Tanong ni Mama sa kanya

"Sa school po schoolmates po kami" sagot naman ni Matt

Bigla naman pumasok si Papa kaya naman napatayo kaming tatlo.

"Pa!" Masayang sabi ko at lumapit sa kanya at yumakap

"Ang prinsesa ko nandito na pala hahaha" nakayakap na sabi naman nito. Bumitiw ako sa kanya at sabay pa kaming napatingin kay Matt na diretyong nakatayo at nakatingin sa aming dalawa ni Papa

"Mano po! Ako po si Matt Hiram Roxas boyfriend ni Nadine" may kalakasang pakilala ni Matt kay Papa. Binigay naman ni Papa ang kamay niya para makapag mano ito.

"O" tanging nasabi ni Papa tsaka nilipat ang tingin sa akin. Alanganin naman akong ngumiti at lumapit kay Matt.

"Ma, Pa si Matt nga pala boyfriend ko" sabi ko. Hinawakan naman ni Matt ang kamay ko. Nakita ko naman napatingin si Papa sa kamay naming dalawa ni Matt na magka hawak.

"O" ulit na sabi ni Papa tsaka tumingin kay Mama "bakit nakatayo tayo umupo muna tayo ng makapag kwentuhan" magkatabi kaming umupo ni Matt at nasa magkabilang upuan naman sina Mama at Papa

"Kumusta naman ang byahe niyo?" Tanong ni Papa

"Okay lang naman po Tito" mabilis na sagot ni Matt kay Papa

"Taga saan ka nga pala?" Tanong ulit ni Papa

"Sa Taguig po" magalang na sagot ulit niya. Ramdam ko ang kaba ni Matt dahil sa pamamawis ng palad niya

"Paano naman kayo nagkakilala ng anak ko?" Tanong ulit ni Papa

"Sa Montreal din nag aaral si Matt doon sila nagkakilala" sabat naman ni Mama "sige na kumain na muna kayo at natunaw na ang yelo ng softdrinks niyo" sabi pa ni Mama

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon