Nadine's Pov
Hindi paba sila tapos pagtsismisan ako? Kung makatingin pa naman ang iba ay tila lalamunin ako. Kung kahapon feeling ko marami na yung mga taong pinaguusapan ako ngayon naman feeling ko nag triple pa sila. Para tuloy akong may scandal na pinag pipyestahan nila.
Napahinto naman ako sa naisip at biglang nanginig. Hindi naman siguro kumalat yung video namin ni Matt sa swimming pool diba? Lord please huwag naman sana. Nilakihan ko ang mga hakbang ko hanggang makarating na sa classroom namin.
"Nadine congrats ah!" Nakangiting sabi ni Michelle na ikinakunot ko ng noo
"Congrats Nads" sabi pa ng ibang kaklase ko
Ano bang meron? Nanalo ba ako sa raffle? Pero wala naman akong sinasalihan ng kahit ano. Naguguluhan na nilabas ko nalang ang notebook ko at binasa ang lesson namin kahapon.
"Nandito kana pala" sabi ni Ella na naka cross arms sa harapan ko
"Good morning" bati ko sa kanya at kina Clementine at Sasha na nakangiti
"Walang good sa morning dahil sayo!" Sigaw nito sakin tsaka niya ako dinuro
"Ano bang problema?" Tanong ko na naguguluhan tsaka ako tumayo
"Ikaw ang problema kasi malandi ka!" Sigaw naman ni Sasha sakin tsaka niya ako tinulak, mabuti nalang at nahawakan ako ni Kisses at di tuluyang natumba
"Hindi ko alam ang sinasabi mo" sa tanang buhay ko hindi ko pa naranasan ang lumandi. Oo marami akong crush pero puro artista ang mga yon at taga Korea pa.
"Magmamaang maangan kapa e huli kana" sabi naman ni Clementine
"Sino ba ang nilandi ko?" Tanong ko pa sa kanila
"Alam mo ang galing mo rin eh no? At ang tanga lang namin to believe you na kapatid mo si Sync" sabi ni Sasha habang matalim ang mga matang nakatingin sakin si Ella
"Wala akong sinasabi na kapatid ko si Sync kayo ang nag isip non" pagtatanggol ko sa sarili
"We asked you diba? But you keep quiet para isipin talaga namin na kapatid mo nga siya" sabi naman ni Clementine
"Coz she's a bitch" sabi ni Ella na nakataas ang isang kilay
"I beg your pardon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Wala akong gunagawang masama at nananahimik ako. Hindi ko man nalinaw sa kanila na hindi ko kapatid si Sync ay wala parin silang karapatan pagsabihan at tawagin ng kung ano ano
"You are a bitch! A traitor! A snake! People here knows how good I am to you tapos ito pa isusukli mo sakin?! Why did you have to steal Matt from me!" Sigaw ni Ella at hindi pa siya nakuntento at tinulak ako. Tumama ang isang legs ko sa isang desk chair at sobrang sakit niya. Hindi naman ako nagpahalatang nasaktan at tumayo ng diretyo na parang walang nangyari.
"Don't talk about yourself too much alam ng mga tao dito kung gaano kasama ang ugali mo. Sa sobrang plastik mo mahihiya si Barbie sa pagka fake mo. And how could I steal from you what you've never owned?" matapang na sagot ko sa kanya. Ayoko sa away at ayaw na ayaw ko ang gulo sa buhay ko. Pero kapag ganitong na aagrabyado na ako kailangan ko ng ipagtanggol ang sarili ko
"Matt is mine bitch! Your a thief! You stole Matt from me!" Sigaw pa nito na parang nababaliw
"Nobody stole him from you he was running from you. Hindi nga yata niya alam na nag eexist ka" sagot ko sa kanya
"Congratulations and fuck you! Now I hate you" gigil na sabi nito
Umiling iling nalang ako at hindi na siya pinatulan. Ilang minuto lang ay dumating na prof namin at nagsimula na siyang mag check ng attendance.
******
"Hindi kaba pupuntahan ni Matt?" Tanong ng kaklase kong si Michelle na lumapit pa sakin. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang nakatingin din sila sakin at tila naghihintay ng sagot ko
"Bakit niya ako pupuntahan? Wala naman kaming usapan eh" sagot ko kay Michelle
"Saan ka niyan pupunta?" Tanong pa nito
"Dito lang ako tinatamad ako lumabas" sagot ko
"Ehh? Sama ka nalang samin mag coffee" aya pa nito sakin. Napatingin naman ako kuna Dianne, Winona at Nicole na nakangiti sakin.
"Hindi huwag na thank you dito nalang ako" sabi ko pa tsaka ngumiti
"Okay sige mauna na kami" paalam pa nito
"Hmm.. sige"
"Bye Nads" sabi naman nila Winona
Naging classmate ko si Michelle last year pati si Winona. Pero kahit 1 year kaming nagkasama sa iisang classroom ay never ko pa silang nakausap kaya medyo nagulat ako ng kausapin nila ako. Sina Dianne naman at Nicole naging classmates ko din noong first year kami at tulad nila Michelle ay never ko pa silang nakausap. Pero at least hindi sila katulad nina Ella and friends na may pagka bully.
Ako ang tipo ng estudyante na puro pag aaral lang ang inaatupag. Hindi ako sumasali sa kung ano ano lalo't walang kinalaman sa pag aaral ko. Mas pinipili ko pa matulog sa bahay kapag may okasyon sa school at invited lahat ng estudyante. Hindi rin ako sumasama sa educational tour o kahit ano pang out of town ng school kahit gusto ko pang sumama dahil sobrang mahal ng bayad. Lagi rin akong huli sa balita tipong hot topic ngayong araw pero next month ko pa malalaman.
Tatlong taon na ako dito sa manila at sa loob ng tatlong taon na yon ay nabubuhay akong mag isa. Noong una medyo nahihirapan ako lalo na sa school dahil lagi lang akong mag isa. Lahat nalang ginagawa kong mag isa. Hanggang sa sumali na ako sa students organization at nagkaroon ako ng mga kaibigan. Kaibigan na pwede kong kausapin habang naglalakad, pwede kong maka kwentuhan at pwede kong makasabay kumain. Katulad ko mga scholar din sila sa MU at kagaya ko rin na umiiwas sa gulo hanggat kaya. Iniingatan kasi namin ang mga scholarship namin, mas pinapaboran parin kasi ng school ang mga mayayaman nilang estudyante.
*********
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...