Chapter Twenty One

267 14 0
                                    

Nadine's Pov

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Matt. Alam kong ayaw niya sa maraming tao kaya nakapagtataka na dito kami pumunta

"The sunset is specially beautiful in here" sabi nito na ikinangana ko. Wala kasi sa itsura niya ang magkaroon ng hilig sa mga ganitong bagay. Napaka rami ko pa talagang hindi nalalaman tungkol sa kanya

"Lagi ka dito?" Tanong ko

"Minsan lang kapag may iniisip" sagot niya tsaka siya nakangiting lumingon sakin

"Ano naman madalas mong iniisip kapag nandito ka?"

"Family ko" napatingin naman ako sa kanya at nakita ang lungkot sa mga mata niya

"Okay lang bang magtanong tungkol sa family mo?"

"Hmm sige lang" sagot nito na muling lumingon sakin

"Alam kong mayaman ka at hindi rin kaila sayo na mahirap lang ako, kung sakali na tumutol ang pamilya mo sakin anong gagawin natin?" Seryosong tanong ko

"Babe walang makakapag hiwalay satin kahit pamilya ko pa" sagot nito. Gusto ko sanang maniwala sa kanya pero natatakot ako sa kung anong posibleng mangyari samin. "Babe listen, you can't leave me okay? No matter what happened nasa tabi mo lang ako magkasama tayo" sabi nito na ikinatango ko

"Oo na" sabi ko tsaka mahinang tumawa. Umakbay sakin si Matt at hinilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya. "Matt, pwede ba ulit magtanong?"

"Go ahead"

"Ginugulo kasi ako ng isip ko sa sinabi mo noong nasa hospital tayo. Ang sabi mo kahit one month kapa hindi umuwi hindi ka nila hahanapin. Anong ibig mong sabihin don?" Umayos ako ng upo at tinignan siya

"Do you know how it feels when your family neglects you? Yung pakiramdam na nalulunod kana pero pinapanood kalang nila. Araw araw mo silang kasama sa bahay pero para ka lang gamit na dinadaan daanan. Yung bawat araw na lumilipas ay palayo ng palayo ang loob mo sa kanila" ramdam ko ang bigat ng kalooban ni Matt habang nagsasalita ito. Yumakap nalang ako sa kanya para maisip niya na hindi siya nag iisa. "Babe akala ko dati sapat na sina Sync at Zin sa buhay ko pero biglang nagbago ng dumating ka. You've given me warmth in my life, pinakita mo na pwede pala akong maging masaya" sabi nito tsaka niya hinalikan ang ulo ko

"Siguro kulang lang kayo sa communication, kailan ba kayo huling nag bakasyon na magkakasama? Alam ko busy ang parents mo sa mga trabaho nila kaya bakit hindi nalang ikaw ang maunang kumausap sa kanila?" Tanong ko sa kanya

"Nag uusap naman kami yun nga lang laging nauuwi sa away. Wala kasi akong silbi sa kanila at ang paboritong anak lang nila ang pinapansin nila. Wala kasi akong ibang naitutulong sa kanila kundi bigyan sila ng kunsumisyon" sagot nito habang sabay namin pinapanood ang pagbaba ng araw. "Nag babakasyon naman kami, yun nga lang tig isa ang magulang kong bitbit samin ng kapatid ko. Tulad ng nasa Japan ako, kasama ko noon si Daddy. Sinama niya ako sa isang party at ipinakilala niya lang ako bilang anak niya sa mga posibleng innvestors ng kumpanya at iba pang taga ibang kumpanya upang lumawak ang connection ng kumpanya namin. After that wala na, wala ng usap usap pa hanggang sa umuwi na kami ng Pilipinas"

"Huwag nalang natin pag usapan family mo ang ganda kaya ng araw" sabi ko habang nakatanaw sa haring araw na pababa na. Ayoko din naman masira ang araw niya dahil sa mga tanong at nasabi ko.

Tahimik lang namin tinanaw ang sunset na magkatabi at magkahawak kamay. Ang gandang pagmasdan ng araw habang papalubog ito. Hindi ko naman maiwasan ng hindi kunan ng larawan ito at ganon din ang ginawa ni Matt. Nag kuhanan din kami ng litrato at ilang couple pictures.

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon