Nadine's Pov
"Aray! Sandali ano ba!" Inis na sabi ko habang hinihila ako ni Matt. Huminto naman kami at tinignan niya ako.
"Bakit hindi mo sinabi sakin ang nangyari sayo?" may inis din sa boses na sabi niya
"Paano ko naman sasabihin hindi ko alam saan ka hahagilapin, ni hindi ko nga alam na nasira phone ko diba?"
"Paanong hindi mo alam nasira eh nasa bulsa mo lang naman" Malakas na sabi nito. Napatingin ako sa paligid at nakitang pinagtitinginan kami.
"Nasa bulsa ko nga kaya hindi ko alam!" Mariin kong sabi
"Babe! Sa bulsa mo nabasag phone mo paanong hindi mo malalaman!"
"Eh sa hindi ko nga alam!"
Wala na akong pake kung pinagtitinginan man kami at paika ika akong naglakad. Hinawakan muli ni Matt ang kamay ko at pinigilan sa paglalakad.
"What happened to your leg? Does it hurt?" Sinamaan ko lang siya ng tingin at marahas na binawi ang kamay ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad
"Waaahhh!" Napasigaw ako sa gulat ng bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal. Mabilis ko naman tinakpan ang bibig ko dahil sa nagawa kong ingay. Nagpalakpakan pa ang ibang nanonood samin at hindi naman nagpapigilan nina Sync at Zin ang pagtawa.
"Put me down" mahina pero gigil kong sabi
"Not until you say you love me" bulong nito sa tenga ko. Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang tingin namin. Blanko lang ekspresyon niya halatang pinagkakatuwaan lang ako
"I don't love you" mariin kong sabi
"Yes you do love me" sinamaan ko siya ng tingin
"Hindi nga sabi! Ibaba mo na ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili sigawan siya at paluin ang dibdib niya
"I won't put you down until you confess your love for me" nakangising sabi niya pa na tila nang iinis.
Tumingin naman ako sa mga taong nadaraanan namin na kinukuhanan pa kami ng litrato. Mukhang sanay si Matt sa kahihiyan kaya balewala nalang sa kanya, pero ako ay hindi. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya para maitago narin ang natatamo kong kahihiyan. Sigurado mangangawit din siya at ibababa niya ako.
******
"Saan ba masakit let me see it" sabi ni Matt pagkababa niya sakin sa isang mahabang sofa at umupo sa may bandang paanan ko
"Nasaan tayo?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa kinaroroonan namin
"Patingin muna ng paa mo" sabi pa nito at hinawakan ang kanang paa ko kung saan banda naroon yung may pasa
"Bitawan mo nga ako!" Saway ko sa kanya sabay tanggal ng kamay niya sa paa ko
"Ikukuha ko muna kayo ng maiinom" sabi naman ni Zin
"Samahan na kita bro" sabi naman ni Sync na umakbay pa kay Zin
Umupo naman si Matt sa tabi ko at sumandal sa likuran ng sofa. Bumuntong hininga ito ng malalim na tila may malaking problema. Dinukot nito ang phone niya sa bulsa at inabot niya yon sakin. Kinuha ko naman dahil baka may gusto siyang ipakita.
"Yan na muna gamitin mo kapalit ng phone mo" sabi nito na hindi man lang nakuhang tumingin sakin
"Ayoko. Madalang lang naman ako gumamit ng phone" binalik ko sa kanya ang phone niya at pinatong yon sa legs niya.
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...