Chapter Twenty Four

263 12 1
                                    

Nadine's Pov

Kasalukuyang nagka klase pa kami ng dumating sina Sync at Zin. Kumaway sila sakin at nginitian ko naman sila.

"Class will be up to here students class is dismissed" pagkarinig ko sa salitang iyon ay agad kong inayos ang mga gamit ko

"Nads tara na" tawag sakin nina Sync at Zin.

Pagtingin ko sa kanila ay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Alam kong gwapo na sila pero mas gwapo pa pala sila kapag naka suit. Napatingin naman ako sa suot kong uniform at napanguso

 Napatingin naman ako sa suot kong uniform at napanguso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Saan lakad niyo?" Dinig kong tanong ni Michelle

"Sa bahay nila Matt" sagot naman ni Zin sa kanya

"Oo nga pala birthday niya ngayon, paki sabi happy birthday ha?" Sabi pa ni Michelle

"Makakarating" sagot pa ni Zin tsaka tumingin sakin "ready kana?" Tanong naman nito sakin

Himdi ko alam kung anong isasagot ko sa double meaning na tanong niya o ako lang nag iisip non? Huminga muna ako ng malalim at tumango. Wala ng atrasan to. Ngumiti ako kay Michelle bago umalis kasabay ang dalawang kyah na kasama kong kinakikiligan ngayon

"Naghihintay na mag aayos sayo" sabi naman ni Sync

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Balak mo bang pumunta sa birthday party na naka uniform?" Natatawang tanong ni Sync sakin

"Wala naman kasi akong pamalit at hindi ko alam na kailangan naka formal" nakasimangot na sabi ko

"Inayos na lahat ni Matt kahapon ang kailangan nalang namin gawin ay dalhin ka sa Enchanted para maayusan at ihatid ka sa mansion ng mga Roxas" sabi naman ni Zin

"Teka parang gusto kong umurong, sabihin niyo nalang kaya kay Matt na sumakit ang ulo ko? O kaya naman sumakit ang tyan ko" sabi ko sa dalawa pero tinawanan lang ako

"Bibiguin mo ba si Matt sa araw mismo ng birthday niya? Sigurado ikaw ang special guest non" sabi ni Zin

"Pustahan tayo ikaw lang hinihintay non" sabi naman ni Sync

Para tuloy ayaw ng humakbang ng mga paa ko dahil narin sa mga sinabi nila. Pinasakay ako ni Sync sa kotse niya at sumunod naman si Zin samin. After fifteen minutes nakarating kami sa Enchanted. Agad inasikaso ng mga staff ang mga kailangan ko at mabusising tinutukan naman ako ni Ms. Marie na sikat na fashion designer.

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon