Chapter Thirty

199 11 0
                                    

Nadine's Pov

"Naddie pupunta kaba sa library?" Tanong ni Winona habang kasama si Dianne

"Oo eh kayo din ba?" Sagot ko sa kanya

"Ah hindi, pero pwede kaba namin invite sa food park before ka pumunta ng library? Pwede rin pagkatapos mo nalang"

"Bakit ano bang meron?" Kunot noong tanong ko.

Naging mag kaklase na kami dati ni Winona pero never pa kaming nag usap tulad ng ginagawa namin ngayon. Hindi naman siya bully katulad ng ibang classmates namin pero nakakapanibago lang talaga.

"Uhm, kasi may favour sana ako pero kung busy ka makakapag hintay naman ako" parang nahihiyang sabi niya

"Hmm.. kasi kailangan kong mag research ngayon para sa report ko sa wenesday. Kung gusto mo sabihin mo nalang ngayon" nakangiting sabi ko

"Kasi ano eh.. what if mamaya bago mag uwian?" Sabi pa niya

"Hmm.. sige walang problema" sagot ko.

Medyo weird siya ngayon. First kinausap niya ako for the first time. Second humihingi siya ng favour. Third, ayaw niyang sabihin o hindi niya masabi kung anong pabor ang gusto niyang sabihin. Parang nakakatakot tuloy?

"Thanks Naddie" ngiting ngiting sabi nito tsaka malapad na ngumiti din kay Dianne.

Nagpaalam na ako kina Winona at Dianne at naglakad na papunta ng library. Kung may internet connection at laptop sana ako sa bahay makakatipid ako ng oras. Imbes na magamit ko kasi vacant time ko sa susunod na klase ko ay mas inuuna ko na ang ibang subjects na kailangan gamitan ng internet.

Pagpasok ko sa library ay nakasalubong ko ng tingin si Sally. Ngumiti ito sakin at kumaway, tinuro pa nito ang katabi niyang upuan na tila pinapaupo ako doon. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Kumusta? Kanina kapa dito?" Tanong ko sa kanya

"Oo mag iisang oras na, patapos narin ako" sagot nito na nakangiti

Umayos ako ng upo at binuksan ang laptop na nasa tapat ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay nag paalam narin siya. Dalawang pung minuto bago mag ang next class ko ay bumalik na ako sa classroom. Kailangan ko pa kasi basahin ang notes ko sa Special Education dahil ang hilig ni Mr. Facundo magbigay ng surprise quiz.

Pagdating ko sa classroom ay naabutan ko sina Winona, Dianne, Michelle at Nicole. Sabay sabay pa silang napatingin sakin at ngumiti. Kumaway naman si Michelle sakin at nilapitan ako.

"Nakapag snacks kaba?" Tanong ni Michelle sakin habang naka palupot ang kamay niya sa braso ko

"Hindi na, malapit narin naman mag lunch" sagot ko tsaka kami sabay maglakad papunta sa upuan ko.

"Halika join ka dito samin may food pa kami, you like fries? Binili namin sa food park kanina" sabi naman ni Nicole

"Hmm.. yeah, thanks" nakangiting sabi ko

Pinalibutan naman nila akong apat at binigyan ng mga pagkain nila. Sa totoo lang ayoko ng ganitong pakiramdam, hindi ako sanay at natatakot ako sa kung anong pwedeng kapalit. Kaso food is love diba? At never akong tumanggi pagdating sa grasya. Ang turo ng magulang ko wag tatanggi sa grasya dahil mapaparusahan daw ako.

"Uhm, Nads about sa favour ni Winona" simula ni Michelle

Heto na nga ba ang sinasabi ko eh, ganito pala talaga kapag malapit ka ng bitayin. Pakakainin, bubusugin at sa huli chuchugiin.

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon