Chapter 38

132 10 0
                                    

Blake's Pov

Naka park ako malapit sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Matt at pinapanood siya habang namimigay ng flyers sa mga taong dumadaan.

Kinausap ko na siya noong isang linggo pa ng malaman kong nagtatrabaho siya sa isang restaurant bilang waiter. Sinabi ko sa kanya na umuwi na siya sa bahay at sundin nalang ang gusto ng mga magulang namin. Ngunit nagmatigas siya at sinabing wala na siyang balak bumalik sa bahay, kung babalik daw ito ay kailangan humingi ang magulang namin ng sorry kay Nadine at tanggapin ito bilang bahagi ng pamilya namin.

Inistart ko na ang kotse ko at akmang aalis na ng hubarin ni Matt ang suot sa ulo niya. Tumambad sakin ang pawisan na itsura niya dahil sa suot niya idagdag mo pa ang mainit na panahon. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya tatagal pero sana matapos na paghihirap niya.

Habang nagmamaneho papunta sa kumpanya ay hindi parin mawala sa isip ko si Matt. Akala ko hindi siya tatagal ng tatlong araw at uuwi at susuko agad siya sa magulang namin pero ng makita ko siya kanina nakita ko ang determinasyon sa mukha niya kahit halata sa mukha niya ang pagod.

In love naba talaga ang kapatid ko? Ito ba ang nagagawa ng love?

Napangiti ako.

Okay lang naman ma attract sa opposite sex pero ang ma in love? Napaka bata pa niya. Sana maisip din niya kung worth it nga ba ipaglaban si Nadine kahit hindi pa naman siya sigurado kung sila parin dalawa magkakatuluyan sa huli. Ayokong magsisi ang kapatid ko dahil sa paghihirap na nararanasan niya ngayon, pero bilang kuya niya susuportahan ko nalang siya at bibigyan ng payo kahit ayaw niya.

Alam kong malaki ang galit sakin ni Matt dahil sa nangyari ilang taon narin nakakalipas at hanggang ngayon ramdam ko parin ang galit niya. Kaya naman hindi ako sigurado kung tama nga ba ang ginagawa niyang sakripisyo ngayon para kay Nadine o baka naman ginagawa niya lang ito dahil nasa isip parin niya si Leanna.


Minsan ko narin naranasan ang ma in love, ewan ko kung love nga ba matatawag yon dahil hindi naman ako katulad ni Matt na hindi binibitawan ang taong mahal niya kahit nahihirapan na siya.

********

Sync's Pov

Maagang natapos ang klase namin kaya naman naisipan kong sunduin nalang si Matt sa trabaho niya. Balak ko din bumili ng cakes at coffee sa shop nila at dalhin sa tambayan kaya tama lang na sunduin ko na nga lang siya.

Pagka park ko sa kotse ko ay agad akong bumaba at nagpunta sa coffee shop kung saan siya nag tatrabaho. Kasalukuyan siyang nag ma mop ng sahig habang may mga babaeng nakatingin at pinapanood siya.

"Bro" tawag ko sa pansin niya at tinignan naman niya ako

"Oh" sagot niya sabay tingin sa relo niya "nag ditch ka?" Nakangising tanong niya

"Hindi maaga lang kami dinismissed. Malapit narin out mo sabay kana sakin bumalik sa tambayan" sagot ko sa kanya. Muli itong tumingin sa relos niya at tumango sakin

"Patapos na ako ibabalik ko lang 'to sa loob" sabi pa niya at tinapos ang ginagawa niya.

Ngumiti naman ako sa babaeng kasamahan ni Matt sa trabaho. Maganda ito at may inosenteng mukha.

"Miss ano ang best seller niyo sa mga cakes niyo?" Nakangiting tanong ko dito

"Ito pong chocolate mouse cupcakes po best seller namin pati po strawberry shortcake" sagot nito sakin

"Eh ikaw anong gusto mo sa mga cakes niyo?"

"Bluberry cheesecake po Sir" sagot niya

Nginitian ko siya at umorder na.

"Bigyan mo'ko ng dalawang strawberry shortcake, dalawang chocolate mouse cupcakes at isang blueberry cheesecake" sabi ko "oh! Dalawang ice amerikano venti at tatlong cookies and cream frappe" dagdag ko pa. Inulit naman niya ang mga inorder ko at binigay sa kanya ang card ko. Pagkatapos kong magbayad ay pinaupo muna ako.

"Let's go" sabi ni Matt pagkalabas niya

"Sir heto na po order niyo" tawag naman sakin nung babae

Tumayo ako at tinapik ang balikat ni Matt at dumiretyo sa counter para kunin inorder ko.

"Para sayo to" Iniwan ko ang blueberry cheesecake at isang frappe sa babae at kinindatan siya bago tumalikod.

Nakangisi naman si Matt sakin at sumulyap sa katrabaho niya bago kami sabay naglakad palabas ng coffee shop.

*********

Nadine's Pov

Matyaga kaming naghihintay ni Zin kina Matt at Sync, nakabukas ang tv pero hindi naman kami nanonood. Tinignan ko si Zin na busy sa paglalaro ng mobile legends habang nag sasalita ng ka trashtalkan.

Ini off ko nalang ang tv at nag busy busyhan sa facebook. Dumaan sa newsfeed ko yung post ng kaibigan ko sa probinsya namin ang dami nilang huling isda, damay pa sa picture si Papa na may hawak na malaking isda. Hindi ko napigilan sarili ko na mapangiti at mag comment sa post niya.

"Daming huli ah! Sarap i paksiw hawak ni Papa haha!"  Koment ko pagkatapos mag wow react sa post niya

"Lumaot kami kanina buti marami rami nahuli namin, sulit ang pagod" reply nito sa comment ko

"Nakakamiss sumama wehehe pag uwi ko sasama ako ha?" Sagot ko sa reply niya

"Kelan ba uwi mo Deng? Miss na miss kana namin dito" sagot naman niya

Mag kapitbahay lang kami ni Alvin kasabay ko siyang lumaki, matanda lang siya ng dalawa o tatlong taon sakin. Lagi akong nasa bahay nila dahil kaibigan ko si Teressa na kapatid niya, minsan nga doon pa ako nakikitulog sa kanila. Lagi din siyang pumupunta samin dahil kasama siya ni Papa lagi sa pangingisda, buhat ng ma stroke Papa niya noong high school pa ako siya na pumalit sa tatay niya sa pangingisda. Nagtitinda naman ng kakanin Mama niya at lagi akong may baon ng biko noon dahil lagi nila akong binibigyan, mag best friend din kasi sina Mama at Aling Mona na Mama naman nila Alvin at Teressa.

"Secret para surprise! Hahaha!" Reply ko ulit sa kanya

"Ikaw talaga kahit kailan haha" reply nito

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas iyon. Ang balak kong pag reply kay Alvin ay nakalimutan ko na at sinalubong si Matt na may hawak na box na may pangalan kung saan siya nag tatrabaho.

"Kumusta araw mo? Ano yan dala mo?" Masiglang tanong ko sa kanya habang kinukuha sa kanya yung obvious na cakes na dala nila.

"Nakaka pagod pero okay na kasi nakita na kita" sagot nito at niyakap ako "full charge na ulit ako" sabi pa niya habang yakap parin ako

"Pwede ba sabihin niyo kapag mag lalampungan kayo ng hindi maging makasalanan ang mga mata ko" sabi ni Zin na nakatakip ang mga mata sa palad niya pero sumisilip naman

"Gago" sambit ni Matt

Nang makaupo kami sa sofa ay agad pinalo ng throw pillow ni Matt si Zin tsaka tumawa, nakitawa narin kaming dalawa ni Sync sa kanila.

*********

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon