Nadine's Pov
Pagkatapos akong ihatid ni Matt sa classroom ko ay nagpaalam na din agad siya. Magkita nalang daw kaming mamayang lunch. Hinatid ko pa siya ng tanaw hanggang mawala na siya sa paningin ko.
"Nadine psst" napatingin naman ako kay Winona na kumaway sakin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Kasama din niya sina Michelle, Nicole at Dianne na nakangiti r8n sakin.
"Wala yata sina Zin? Hindi ko siya nakitang hinatid ka" puna nito
"Ahh.. Kasama namin siya kanina ni Matt kaso nagpaiwan sa baba kasi may tumawag sa kanya kaya si Matt nalang naghatid sakin dito" sagot ko sa kanya
"Eh si Sync bakit wala?" Tanong naman ni Nicole
"Hindi ko alam eh hindi ko pa nakita, pero nandiyan lang niyan siya" nakangiting sagot ko
"Ano ba favorite snacks ni Sync?" Tanong naman ni Dianne na lumapit at tumabi sakin
"Hindi ako sigurado pero parang potato chips yata?" Actually ako ang may paborito non at hindi si Sync. Hindi ko kasi talaga alam paborito niya eh, lahat kasi ng kinakain ko kinakain din niya.
"Talaga? Sabihin mo naman samin yung nalalaman mo sa kanya oh! Tulad ng kung anong paborito niyang kulay, kung may pet ba siya, kung marunong ba siyang magluto, kun-"
"Stop" pigil ko sa sasabihin pa nila "ang totoo kasi wala akong masyadong alam tungkol sa mga kaibigan ni Matt pero pwede ko naman i share sa inyo ang konting alam ko tungkol sa kanila. Pero kung gusto niyo talagang malaman bakit hindi nalang sila tanungin niyo? Ayoko din naman kasing may masabi sila sakin"
"Parang ang rude kasi kung kami magtatanong hindi naman kami close tsaka nakakahiya kasi" sabi ni Dianne
"Ganito nalang, isulat niyo nalang ang gusto niyong itanong sa kanila sa isang papel at ipapasagot ko sa kanila mamaya. Mas maganda diba? Sila mismo sasagot sa mga tanong niyo" nakangiting sabi ko
"Omo! Jinjia?!" (Omg! Really?!) Masaya at hindi makapaniwalang tanong nila sakin. Niyakap pa nila ako at pagkatapos ay tumalon talon pa silang apat paikot
******
Alas dose kinse na pero wala parin si Matt. Nagtext ako sa kanya at sinabing papunta na raw siya. Nagtext rin ako kina Sync at Zin kung nasaan sila at kung anong ginagawa nila. Nag reply naman si Sync sakin at sinabing kinakausap lang daw nila sandali ang prof nila pero papunta na daw sila. Nag sorry din siya sakin dahil sa late sila. Twelve twenty ng makita ko yung tatlo na naglalakad palapit sakin. Ngumiti agad ako at sinalubong sila.
"Oh! Bakit pawis na pawis ka?" Puna ko kay Matt na tumutulo ang pawis sa noo niya kaya pinunasan ko yon.
"Wala 'to mainit lang sa labas" sagot niya tsaka niya hinawakan ang kamay ko
"Ahh.." tumatangong sabi ko
"Saan ba tayo kakain ngayon?" Tanong ni Sync na nasa tabi ko
"Magpa deliver nalang tayo sa tambayan" sabi naman ni Zin
"Mag canteen nalang tayo para mabilis, baka ma late si Nadine sa klase niya" sabi naman ni Matt pagkatapos ay tumingin sakin
"Oo nga mag canteen nalang tayo para hindi narin kayo gumastos" sang ayon ko naman sa sinabi ni Matt. Libre lang kasi lunch namin sa canteen.
Sumang ayon din naman sina Zin at Sync at agad kaming pumila sa may counter. Agad naman kaming nakahanap ng mauupuan at nagsimulang kumain.
"Ano ba sinabi ng prof niyo sa inyo?" Tanong ko habang nakatingin kay Sync
"Ahh ano kasi" sagot ni Sync sakin habang hindi mapakalaki ang mga mata niya at palipat lipat ng tingin sa mga kaibigan niya
"May special projects kasi kami" sambit ni Zin kaya tumingin ako sa kanya. Malapad na ngumiti siya sakin at uminom ng tubig niya
"Mababa kasi grades naming tatlo sa speech communication kaya binigyan kami ng special project para doon bumawi" sabi naman ni Sync
"Yan kasi puro kayo lakwatsa at absent, ano ba pinapagawa sa inyo?" Interesadong tanong ko
"Uh.. kailangan lang namin habulin yung mga dating lessons na nabagsak namin babe" sagot naman ni Matt
"'Yan ang napala niyo sa katamaran niyo, graduating na pa naman kayo. Baka hindi pa kayo maka graduate pag pinagpatuloy niyo ang pag cut sa mga klase niyo" sermon ko sa kanila
"Kaya nga sinabi ko sa kanila na seryosohin ang pag aaral" tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Matt
"Kung makapag salita ka parang hindi ka kasama sa kanila" sabi ko
"Babe mas mataas parin mga grades ko kaysa sa kanila" nakangising sagot naman nito
"Pero bagsak parin" sabi ko na sinubuan siya ng carrots. Kinain naman niya iyon kahit napilitan lang
"Uh.. Babe, kakainin kasi yung fifteen minutes namin tuwing lunch time dahil don sa project namin. Uhm.. mali late ako ng fifteen minutes para puntahan ka kapag lunch time. Okay lang ba?" Seryosong sabi ni Matt. Nginitian ko naman siya, nakakatuwa nga kasi binibigyan niya ng oras ang pag aaral niya.
"Oo naman. Para rin naman sayo yan" sagot ko sa kanya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko at nginitian ako.
"Bro paano naman yung another fifteen minutes tuwing uwian?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sync
"Ah yeah" sambit ni Matt kaya tumingin ulit ako sa kanya
"Kasi yang boyfriend mo na mas mataas ang grades samin ay bagsak sa Business Law kaya naman kailangan niyang sumali sa isang group study bago mag uwian. One hour yon at makakauwi lang siya kapag five fifteen na. Diba five uwian mo?" Sabi naman ni Zin
"Ehh? Iba pa yon sa SC na project niyong tatlo? Kasali din ba kayo sa group study?" Tanong ko kay Zin
"Magkaiba yon pero hindi kami kasali sa group study, si Matt lang" ngiting ngiting sagot ni Zin
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Matt. Nang magsalubong ang paningin naming dalawa ay agad itong umiwas ng tingin tila guilty.
"Okay lang, basta mag aral kana ng mabuti. Magkaiba tayo ng kurso pero kung kailangan mo ng tulong nandito lang naman ako. Yung extra time mo after class pwede kitang samahan mag aral sa library" sabi ko kay Matt na nakatingin lang sa mesa.
"Yeah" mahinang sagot niya
"Sige na kain na tayo baka malate pa tayong apat at madagdagan na naman bagsak niyo, baka dito na kayo tumira pag nagkataon" pabirong sabi ko.
Ilang sandali lang ay hinatid na ako nila sa classroom ko. Binilinan ko pa sila na mag aral at huwag mag cut sa klase nila. Minsan kasi ay tinatamad na silang pumasok pagkatapos ng vacant time nila.
*********
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...