Nadine's Pov
Eksaktong lunch ng bumalik sila Sync at Zin sa hospital. Ang dami rin nilang dala na pagkain tila may food party na gaganapin.
"Nasabi mo naba sa parents mo na nandito ka?" Tanong ko kay Matt habang naglalaro siya ng mobile games
"Hindi na kailangan" sagot nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin
"Mag aalala mga yon sayo" nakangising tumingin naman siya sakin
"Kahit hindi ako umuwi ng isang buwan sa bahay hindi nila mapapansin" sabi nito tsaka tinuloy ang paglalaro
"May problema kaba sa parents mo?" Tanong ko pero hindi na niya ako sinagot
"Baka gusto niyo ng kumain nagugutom na ako" sabi ni Zin pagkatapos nitong ayusin ang mga pagkain sa mesa
"Tara na kain na" tawag naman ni Sync samin ni Matt
"Kain na tayo" aya ko kay Matt. Binaba naman nito ang phone niya at bumaba na sa kama. Magkahawak kamay kaming pumunta sa may mesa at tabing umupo sa may sofa.
"Bakit puro meat?" Tanong ko habang nakatingin kina Zin
"Ahh kasi ayaw namin ng gulay?" Ngiting ngiting sagot sakin ni Sync
"May gulay naman ang afritada" sabi naman ni Matt na nilagay lahat sakin yung gulay sa afritada "kain ka ng marami" sabi pa niya
"Tss.. sige na kumain kana rin" sabi ko naman tsaka nilagyan ng rice yung plato niya. "Kain na tayo" aya ko
Masaya kaming kumain lahat habang nagkukwentuhan. Napagsabihan pa ni Matt ang mga kaibigan dahil sa pagiging matabil ng mga dila daw ng mga nito.
"Dahil ba sa sinabi namin kay Nad?" Natatawang tanong ni Sync kay Matt
"Hindi naman iba si Nadine at boyfriend ka naman niya kaya okay lang malaman niya yon" sabi naman ni Zin
"Ay sus! Para yun lang kaya naging pabebe ka?" Tumatawang sabi ko
"Tsk!" Sagot lang niya at naging pabebe ulit
Ang kulit niyang tignan kapag humahaba ang nguso niya. Ang cute kyot parang ang sarap pisilin mga pisngi niya.
"Nads may pasok kapa diba? Kami nalang magbabantay kay Matt para hindi maistorbo pag aaral mo" sabi ni Zin sakin. Napatingin naman sko kay Matt at tumango siya sakin. May twenty minutes pa naman ako bago mag start 1pm class ko pero kung ayaw kong malate kailangan ko ng umalis.
"May pasok din kayo ng 1pm diba?" Tanong ko sa kanila
"Oo pero okay lang na mag absent kami hindi naman kami ibabagsak ng mga yon" sagot naman ni Sync sakin
Umaandar ang bawat segundo pero hindi parin ako makapag desisyon kung papasok ba ako o babantayan ko si Matt. Huminga ako ng malalim at tinignan sina Sync at Zin.
"Hindi rin ako makakapag concentrate sa school dahil maiiwan ang isip ko dito kay Matt. Ako na magbabantay sa kanya para makapasok kayo" sabi ko
"Ang inaalala kasi namin ay baka masira record mo sa school at mawala scholarship mo" na touch naman ako sa sinabi ni Zin
May punto ang sinabi ni Zin pwede ngang mawala sakin scholarship ko kapag naging pabaya ako.
"Ako na bahala itetext ko nalang mga prof ko at magpapaslam sa kanila" sabi ko
"Sigurado ka?" Tanong pa ni Zin
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...