Chapter Ten

385 46 28
                                    


Hello guys! If your reading this I just wanna say thank you very much for the support and please don't forget to vote and comment. Lovelots! :*

Nadine's Pov

Hindi na sana ako aalis ng classroom at maghihintay nalang matapos ang one hour vacant period namin ng kumirot ang legs ko. Kahit mag isa lang ako sa classroom ay ayoko naman itaas ang palda ko at tignan yung legs ko, kaya naman pinasya kong lumabas at pumunta sa comfort room.

Paika ika akong naglalakad hanggang sa makarating na sa cr. Pumasok agad ako sa isang cubicle at agad tinignan ang legs ko. Napangiwi naman ako ng makitang nagkapasa ang natamaan sa desk kanina na legs ko. Halos mangiyak ngiyak naman ako habang tinitignan iyon.

Napapikit ako at nag isip ng mabuti bago magpasyang lumabas. Kailangan kong pumunta sa infirmary para matignan ang pasa ko at humingi narin ng gamot para sa kirot. Naglakad ako na tila walang masakit sakin. Pinilit kong maglakad ng normal kahit kumikirot ang isang legs ko.

"Nad bakit ang putla mo? Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Vanessa na ka org ko at kaibigan narin. Napahawak naman ako sa kanya at bumuga ng malalim na hininga. Kanina ko pa kasi talaga tinitiis ang paa ko

"Okay lang ba magpahatid sayo sa school clinic? Ang sakit kasi ng paa ko" tanong ko sa kanya

"Oo naman halika" sagot nito na inalalayan ako

"Saan ba punta mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami

"Sa library may hihiramin akong libro, may group report kasi kami sa physiology and anatomy kaso ako lang ang gagawa" sagot nito sakin tsaka ngumuso

"Paano magiging group report yon kung mag isa ka lang?" Tanong ko sa kanya

"May mga gagawin daw sila eh kaya hinayaan ko nalang" kibit balikat na sabi niya

"Bakit ikaw ba walang gagawin? Nag tututor kapa nga bago umuwi ah"

"Hayaan nalang baka pag initan pa ako, ang laki pa naman ng gastos ng vet med sayang ang scholarship ko"

Lahat kaming mga scholar dito sa Montreal ay yan ang una naming concern. Maswerte pa nga kami ni Vanessa dahil hindi kami binubully tulad ng iba. Yung iba kasi pinapahiya pa sila at sinasaktan. Pero shut up lang sila at pilit tinitiis ang pangungutya at sakit para sa pangarap nilang makapagtapos ng pag aaral.

Kung tutuusin ay pwede naman kaming mag apply ng scholarship sa ibang school. Pero iba kasi ang Montreal University, maganda ang magiging future mo kapag dito ka nagtapos. Samahan mo lang din ng sipag at tyaga.

"Thank you ha? Naabala pa tuloy kita" sabi ko ng nasa tapat na kami ng infirmary

"Hindi okay lang. Magtatagal kaba? Gusto mo hintayin na kita?"

"Hindi ko alam eh, okay lang ako huwag mo na akong hintayin"

"Sure ka? Hindi naman ako nagmamadali eh. Text mo nalang ako kapag kailangan mo ang tulong ko" sabi pa nito

"Hmm" tumatangong sagot ko.

Kumatok muna si Vanessa sa pinto bago niya ito pinihit pabukas. Agad naman namin nakita yung nurse doon at pinapasok niya kami. Nagpaalam na si Vanessa at pinaalala niya na itext ko daw siya.

******

Pagkatapos lagyan ng nurse ng ice pack ang legs ko ay binigyan niya ako ng pain reliever. Malapit narin matapos ang one hour vacant namin kaya ilang minuto lang tinagal ko sa infirmary at nag paalam na ako.

"Miss watch out!" Napatingin naman ako sa sumigaw at huli na ng makita ko ang bola na tatama sakin. Napapikit nalang ako ng mariin at hinintay ang pagtama nito.

"You can open your eyes now baby" nagmulat ako ng mata at nakita ang isang lalaki sa harap ko na may hawak na bola. Muntik pa akong matumba mabuti nalang nahawakan niya ako

"T-thanks" sabi ko

"Welcome. Anyway I'm Blake" pakilala nito sa sarili. Napatingin naman ako sa kamay niya nag ooffer na makipag kamay sakin

"Nadine" pakilala ko naman at tinanggap ang kamay niya tsaka tipid na ngumiti

"It's nice to meet you. Do you want to grab a coffee?" Tanong pa nito

"Sorry may klase pa kasi ako ngayon" tanggi ko dito

"I know this is a little forward, but I'd love to grab your number and see you again, can I?" Nakangiting sabi nito at tila nagmamakaawa pa. Napangiti nalang ako at tumango. Binigay ko naman ang number ko sa kanya at nag paalam na.

"I have to go now bye" paalam ko at naglakad na paalis

"Yeah bye" dinig ko pang sabi niya

Pagbalik ko sa classroom namin ay halos nandoon na lahat ng mga kaklase ko. Nagulat pa nga ako ng makita sina Sync, Zin at Matt sa loob na tila hinihintay ako.

"Hello Nads" kumakaway na sabi ni Zin pagkakita sakin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumingin kay Sync na kumindat sakin

"Anong meron? Ano ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang nakatingin kay Matt na nakaupo sa upuan ko.

"I tried to ring your cell seems to be turned off. Where have you been?" Kalmadong tanong nito tsaka ito tumayo at umalis sa upuan ko

"Kanina kapa niyan hinahanap" sabi naman ni Sync na umupo sa desk ni Dianne

"Why did you turn off your phone?" Sunod na tanong naman ni Matt

"I turned it off so I wouldn't hear from you" mahinang sabi ko tsaka umupo na sa upuan ko

"What did you say?" Nakasalubong ang mga kilay na tanong nito. Nilabas ko naman ang cellphone ko at tinignan yon "what happened to your phone? Let me see it" agaw nito sa phone ko

"Hindi ko alam na nabasag siya" sabi ko tsaka inagaw sa kanya ang phone ko at binalik sa bulsa

"Imposibleng hindi mo alam okay pa yan kanina ah" sabi nito

"Remember kanina when Ella pushed you? Baka noon nabasag" sabat naman ni Nicole. Napakagat naman ako sa labi at umiwas ng tingin

"Who's Ella?" Kalmadong tanong ni Matt hanggang sa sumigaw siya "who the hell is she?!" Nagulat ako at napatayo

Tinuro naman ni Nicole si Ella.

"Kumalma ka nga" sabi ko at hinawakan ang braso niya

"Ella likes you kasi and she's insecure to Nad kaya tinulak niya. She called her names din and sabi pa niya that Nad stole you from her" nakangising sabi ni Nicole

Bigla naman dumating ang professor namin at naabutan niya kami sa ganoong sitwasyon.

"Try to harm my girlfriend again and I will make your life a living hell" walang pake na sabi ni Matt kay Ella na naiiyak na kahit nandito na prof namin

"What's going on here?" Tanong naman ng prof ko na nagpakagat ng labi ko

"May I excuse Nadine? I think she ate something bad her stomach was upset" walang tingin tingin na paalam ni Matt sa prof ko tsaka niya ako hinila

Hindi naman ako nakakibo at napatingin nalang sa prof ko. Mukhang naiintindihan naman niya sitwasyon ko dahil tumango ito sa akin.

********

I need 25 votes para sa next chapter :) thanks!

- beberose

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon