Nadine's Pov
Araw ngayon ng huwebes at sa sabado ng umaga ako balak umuwi ng Zambales dahil sa semester break. Nagka sundo din sina Sync at Zin na sa Amanpulo mag bakasyon habang si Matt naman ay hindi nila mapilit sumama sa kanila. Sa bahay nalang daw siya at mag aadvance study. Alam naming tatlo na magiging busy sa trabaho si Matt nakukunsensya nga ako dahil ng dahil sa akin kailangan niyang mag trabaho.
"Bakit hindi ka nalang sumama samin? Sigurado sasama si Matt kapag sumama ka" sabi ni Zin habang hinihintay namin si Matt sa tambayan para mag lunch
"Hindi talaga ako pwede eh, madalang nalang kasi akong umuwi sa bahay at inaasahan nila Mama'tPapa na uuwi ako ngayong sabado" sagot ko sa kanila
"Hayaan nalang natin si Matt at least makakapag pahinga siya kahit papaano sa bakasyon. Hindi niya kailangan magmadali sa paghatid sundo kay Nadine pati sa pagkain" sabi naman ni Sync
Tumango naman ako.
Ang totoo gusto ko sanang sabihin kay Matt na alam ko na hindi na siya pumapasok at nagtatrabaho siya kaso gusto ko din siyang bigyan ng pagkakataon na siya mismo ang magsabi sakin.
Tuwing tinatanong ko naman kasi siya kung kumusta naba siya kung kaya pa niya ay laging okay naman daw siya at masaya. Ayokong sabihin na alam ko na ang lahat dahil baka mahiya siya sakin at mawala ang mga ngiti sa labi niya.
"Nauna pang dumating ang pagkain natin sa'yo" sabi ni Zin pagkadating ni Matt
"Tss" tanging sabi ni Matt at nagmadaling umupo sa tabi ko "kanina kapa naghihintay? Gutom kana?" Tanong nito sakin
"Hindî okay lang nauna lang ng mga three minutes yung foods sayo, gutom kana? Kain na tayo" aya ko sa kanya tsaka kumuha ng isang plate at nilagyan na yon ng pagkain "kain na" aya ko sa lahat tsaka binigay kay Matt yung sinandok ko
********
"Babe dinner tayo sa labas mamaya" sabi ni Matt habang nakahilig ako sa balikat niya at nanonood ng It's Showtime.
Humarap ako sa kanya at tinignan siya.
"Bakit?" Tanong ko na nagtataka, alam ko din na wala na siyang pera
"Is there a reason why? I just want to be with you" sagot nito sa akin
Napakunot ang noo ko at di maiwasang mag alala.
Tumango ako at umiwas ng tingin sa kanya
"Mmm... sige" tipid na sagot ko
"Is there a problem?" Nag aalalang tanong niya
"Wala" nakangiting sagot ko "ano naman pwedeng maging problema haha" masiglang sabi ko
Para naman itong hindi kumbinsido sa sinabi ko pero tumahimik nalang siya. Inakbay niya kamay niya sa balikat ko at muli kong hinilig ang ulo ko sa kanya at tinuloy ang panonood ng tv.
Hinatid muna ako nila Matt sa tapat ng classroom at pinaalala ulit sa akin ang paglabas namin mamaya.
*******
Zin's Pov
"What the f?!" Gulat na sabi ko ng biglang kwelyuhan ako ni Matt pagkalabas namin ng building nila Nadine. Maayos naman siya kanina at nakangiti pa nga.
"Tell me! What's wrong with my girlfriend?!" Sabi nito.
"Woah! Awat muna" sabat ni Sync na tinanggal ang kamay ni Matt sa kwelyo ko "Ano bang problema?" Tanong nito sa amin
"Ask him" sagot ko naman na pigil ang galit at inayos ang sarili
"I know something is wrong, she's not like that, I know her" hindi mapakaling sabi ni Matt na sinuklay pa ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Tumingin ito sa amin tila naghihintay ng sagot.
"Why don't you ask her? Hindi namin alam kung anong problema ng girlfriend mo!" sagot ko na may halong gigil.
Kung wala lang siyang pinagdadaanan ngayon pinatulan ko na siya.
"Tama si Zin" ayun buti nalang may kakampi ako
Tumingin naman samin dalawa si Matt at mukhang kalmado na siya. Iiwas pa sana ako ng lumapit siya sa akin at tinaas ang kamay sa pag aakalang susuntukin ako pero tinapik lang niya balikat ko. Napangisi nalang ako. Nang tumingin naman ako kay Sync ay nakangiti naman ito. Ganito kasi humingi ng sorry at mag thank you si Matt sa amin.
"I'm worried about Nadine" simula ni Matt "I know there's something wrong but I don't know what it is" patuloy niya
"Like what I've said ask her" sagot ko
"I did but she say's she's okay" sagot naman nito sa amin
"May nasabi kaba sa kanya?" Tanong naman ni Sync
"Wala I just ask her out for dinner" sagot naman nito
Nagkatinginan kami ni Sync. Parang alam na kasi namin ang rason.
"Sabihin na natin" wala sa loob na sabi ko
Napatingin naman silang dalawa sa akin. Oh oh this is bad.
Kita sa mukha ni Matt na naguguluhan siya at palipat lipat ang tingin niya samin dalawa ni Sync.
"Nadulas na ako wala ng saysay kung itatago pa natin to kay Matt" lakas loob na sabi ko
"What the fuck! Anong sinasabi niya?" Naguguluhang tanong ni Matt kay Sync habang turo pa ako. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sync at tila sinisisi pa ako. Ginalaw ko dalawang balikat ko pataas sinasabing okay guilty ako.
Nakita kong huminga ng malalim si Sync mukhang ready na ang mokong mag confess.
"Nadine knows everything" sagot ni Sync kay Matt. Nilagay ko naman ang dalawang palad ko sa bulsa ng pantalon ko at tinignan silang dalawa.
"What do you mean?" Tanong pa ni Matt.
Mukhang ayaw pang magsalita ni Sync at naiinip na ako kaya bumida na ako.
"Buking kana bro matagal na alam ni Nadine na hindi kana nag aaral at nagtatrabaho ka. Alam din niya na hindi kana umuuwi-" hindi ko natuloy sasabihin ko dahil nasuntok na ako ni Sync na nagpasubsob sakin sa lupa
Agad naman akong tumayo at binigyan din ng malakas na suntok si Sync. Lintik lang ang walang ganti. Nagpalitan kami ng suntok hanggang sa umawat na si Matt samin.
Umupo kaming tatlo sa may bench at kinuwento kay Matt kung kailan at kung paano nalaman ni Nadine ang lahat.
Huminga ng malalim si Matt bago tumayo at tumingin saming dalawa ni Sync.
"Late na ako sa trabaho ko, huwag niyong sabihin sa kanya na alam ko na" sabi nito tsaka niya kami tinalikuran at naglakad palayo.
Gusto ko sana siyang pigilan pero inawat ako ni Sync.
Tinignan nalang namin si Matt na naglalakad papalayo hanggang sa hindi na namin ito nakita. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sync at tinapik ang balikat ng bawat isa at ngumisi.
**********
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...