Nadine's Pov
Two weeksna mula ng makilala ko ang tatlong nag gagwapuhang kyah ko hekhek. Sobrang spoiled rin ako sa kanila lalo na kay Matt. Everyday hinahatid sundo ako ni Matt maliban lang ngayon na pinasundo ako kay Zin.
"Ang aga kong nagising para lang makapunta dito tapos pandesal na walang palaman lang ipapakain mo sakin?" Reklamo ni Zin
"May kape naman sawsaw mo nalang Nasaan ba si Matt ha?" Inis na sabi ko. Kagabi ko pa kasi siya hindi makontak
"Ewan" sagot niya at sinimulang isawsaw ang pandesal sa kape
"Ewan pero nandito ka? Huwag mo nga akong gawing tanga" inis na sabi ko tsaka sinabayan siya sa pagkain
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"Umalis siya ng bansa kagabi pumunta ng Japan" sabi nito habang nakatingin sakin
Panandaliang natigilan ako habang nakatingin kay Zin
"Huh?" Tanging lumabas sa bibig ko
"Ayaw nga niya ipasabi sayo at ibinilin ka sakin" sagot pa nito
Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa sinabi niya.
"Bakit hindi niya sinabi sakin? Dahil ba ito sa sinabi ko sa kanya kahapon?"
"Ewan ko, hindi naman siya padalos dalos kung mag desisyon eh pero kapag nakapag desisyon siya yun na yun final na talaga" sagot nito sakin
Napatingala ako para pigilan tumulo ang namumuong luha sa mga mata ko "excuse me maliligo na ako" paalam ko sabay tayo
Habang naglalakad ay hindi ko na napigilan ang pag iyak. Pagpasok ko sa kwarto ay siya namang subsob ko sa kama at humagulgol. Ang labo niya! Nakakainis siya! Para yun lang aalis siya ng walang paalam?! Ang dami ko ng iniisip na problema dumagdag pa siya.
***Flasback***
"Sino kaba para pigilan ako sa gusto kong gawin ha?! Matt hindi mo'ko pag aari!" Sigaw ko sa kanya habang nasa tambayan nila kami
"You're my girlfriend!" Diin nito halatang pinipigilan ang inis
"I'm not your girlfriend or anybody's girlfriend" seryosong sabi ko habang nakatingin diretyo sa mga mata niya
"So then, who am I to you?" Tanong naman nito na hindi tinatanggal ang tingin saking mga mata
"A friend" sambit ko
Ilang sandaling natahimik kami pareho. Nagtitigan, naghihintay kung sino babasag ng katahimikan. Hanggang sa nakita ko ang mapait na ngiti sa labi niya habang tumatango. Bumigat bigla ang pakiramdam ko ng talikuran niya ako at umalis ng walang paalam.
Nang paglabas ko ng tambayan nila Matt ay hindi ko namalayan na may tumutulong luha sa pisngi ko. Naiinis ako sa sarili ko. Pinunasan ko iyon at nagbalik ulit sakin ang itsura ni Matt kanina. Mukha itong nasaktan sa sinabi ko pero anong magagawa ko eh talagang mag kaibigan lang naman kami. Birthday ngayon ng president ng club namin kaya inaya niya kami na pumunta sa kanila dahil may konting salo salo daw. Tapos sasabihan niya ako na hindi pwede? Sino ba siya para pigilan ako. Tsk!
***End of flashback***
Habang sakay ako sa kotse ni Zin ay hindi maiwasang lumipad ang utak ko kay Matt. Hindi man lang niya nagawang mag paalam sakin at ayaw pa talagang ipasabi kung saan siya pumunta. Ano naman gagawin niya sa Japan? Sigurado nandon na siya kung kagabi pa siya umalis.
Pagbaba ko sa kotse ni Zin ay nagpaalam ako sa kanya na mauuna na ako at nagpasalamat narin. Pahabol naman niyang sinabi na sabay kami mag la lunch mamaya. Nginitian ko lang siya. Nasanay na ako at nakaugalian narin na sabay sabay kaming apat na kumain.
"Hi!"
"Good morning!"
Kung dati ay parang invisible ako sa mga tao dito sa school ngayon ay kahit hindi ko kilala ay binabati ako at kinaksusap pa. May mga haters parin ako pero okay lang basta't huwag lang nila akong kakantihin.
"Good morning" bati ko pabalik sa kanila sabay bigay ng ngiti sa mga ito.
Napatingin naman ako kay Sally na kumaway sakin. Kinawayan ko siya pabalik at parehong naglakad palapit sa isa't isa
"Nad anong oras ka umuwi kahapon? Hinahanap kaya kita" tanong nito
"Maaga akong umuwi eh mga seven, kayo anong oras umuwi?" Balik tanong ko. Isa si Sally sa mga ka close ko sa club na kasama kong umattend sa birthday party ng president namin.
"Ten na ata yun napa shot pa kasi ako kasama sina Reighn at Barbie. Hinanap ka kaya namin pero sabi ni pres umuwi kana nga daw. Sinundo kaba ng boyfriend mo?" Tanong pa niya
Alam lahat ng mga estudyante sa MU na boyfriend ko si Matt dahil narin siguro sa in relationship status namin sa facebook at lagi nila kaming nakikitang magkasama.
Umiling ako kay Sally.
"Hindi naman alam ni Matt ang bahay ni pres eh tsaka may lakad din kasi siya kahapon" sagot ko sa kanya
"Ahh.. akala namin sinundo ka niya. Ang swerte mo kay Matt no?" Nakangiting sabi niya
"Paano naman akong naging maswerte sa kanya?"
"Nyek! Super swerte mo kaya! Maliban sa sobrang gwapo niya at yaman pa eh nakikita namin kung gaano ka niya ka love. Biruin mo ikaw palang ang babaeng pinakilala niya sa buong mundo na girlfriend niya. Tapos ang sweet sweet pa niya sayo pero kapag sa iba nakatingin sobrang cold niya" paliwanag nito na ngiting ngiti pa.
Dahil sa mga sinabi ni Sally ay naalala ko ulit si Matt. Totoo naman kasi talaga na gwapo't mayaman siya pero hindi ko alam na big deal yung status namin sa facebook. May pagka sweet nga siya pero madalas ay may saltik siya kaya parang hindi ko rin ramdam yung sweetness na sinasabi ni Sally. Sangayon naman ako sa sinabi niya na sobrang cold ni Matt dahil naranasan ko din naman yon sa kanya. Siguro talagang automatic na sa kanya ang pagiging cold sa mga taong hindi niya ka close, pero kapag nakilala nila talaga si Matt ay masasabi mong normal din pala siya na marunong din ngumiti at tumawa.
********
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...