Chapter Three

442 28 14
                                    

Nadine's Pov

Ala singko na ng hapon ng sunduin ako ng dalawang poging kyah hekhek. Wala man lang silang pasabi na uuwi na ako akala ko forever na ako sa kwartong yon which gusto ko naman kasi ang laki ng tv nila. Kaso nga wala naman talagang forever kaya babye na.

Paglabas namin ng University Hospital ay tatlong magagarang sasakyan agad ang naghihintay samin. Ganito ba kayaman ang mga lalaking to? Tsaka bakit tatlo? Tig isa isa kami? Hala! Hindi ako marunong mag drive!

*beep beep*

Naiwan ang mga mata ko sa puting Mazda MX-5 na sports car kung saan mayroong bumusina. Parang kailan lang ng mabalitaan ko na walang inilabas ang Mazda Ph ng ganitong uring sasakyan tapos ngayon sa harapan ko mismo may makikita ako.

"Tara na ihahatid kana namin" sabi ni Zin na inalalayan pa akong maglakad.

Medyo naguguluhan ako at kabado habang papalapit kami ni Zin sa puting kotse. Sumulyap naman ako kay Sync na sumakay sa itim na sports car at pagkatapos ay tumingin naman ako kay Zin.

Ngumiti si Zin ng pagbuksan niya ako ng pinto at sinabing pumasok na ako. Pagkapasok ko ay may nakita akong lalaki sa driver seat. May kausap ito sa phone niya at ng tumingin siya sakin ay nagtama ang mata naming dalawa. Hindi pa agad ako nakapag react dahil hindi ko alam kung ano sasabihin at gagawin ko. Maiinis ba ako? Sasaktan ko siya? O mag papasalamat dahil sa pagligtas niya sakin.

"Fasten your seat belt" hindi ko pa nailalagay ang seat belt ay pinaharurot na nito ang kotse niya.

"Saan mo'ko dadalhin?!" Inis na tanong ko sa kanya

"Where do you want to go?" Tanong naman nito sa kalmadong boses

"Gusto ko ng umuwi" sagot ko dito

"Okay lead the way" parang bored na sabi nito.

Isang kilometro lang naman ang layo ng Hospital at ng bahay kaya agad kaming nakarating. Walang paapaalam na bumaba ako ng kotse at nakita ko naman nakasunod yung dalawa pang kotse sa likod namin. Ano sila mga bodyguards? Sabagay mas okay na sumunod sila dahil mas may tiwala ako sa kanila kaysa sa kwagong naghatid sakin.

"Hoy salamat ah! Hindi ko na kayo patutuluyin sa bahay baka may pupuntahan pa kayo tsaka maliit lang ang bahay" sabi ko kina Zinc at Sync. Tumingin naman ako kay Matt na blankong nakatingin lang sakin habang may hawak na isang basket na prutas. Napaismid nalang ako

"Hindi naman bahay mo pinunta namin kundi ikaw" sabi ni Sync na siya pala may dala ng paper bag na may lamang uniform ko

"Ayos lang kahit magsiksikan tayo mas okay nga yon close tayong apat" pagbibiro naman ni Zin na kinuha ang susi ng bahay na hawak ko at siya na nagbukas ng pinto

"Teka" pigil ko kay Zin pero nabuksan na nito ang pinto at nauna ng pumasok. Wala tuloy akong choice kundi ayain na rin si Sync na pumasok. Bahala na si Matt sa labas siya nalang gawing taga bantay sa mga kotse nila.

"Bro ano ginagawa mo diyan? Pasok na" aya naman ni Sync kay Matt na nagoasimangot sakin.

Dinaanan lang ako ng walanghiyang kwago at agad umupo sa cleopatrang upuan ko tsaka nagdekwatro. Hinawakan pa nito ang baboy na stuffed toy ko at ininspeksyon iyon. Hindi ko nalang siya pinansin at pinaupo ang dalawang lalaki.

"Wait lang ah kukuha ko lang kayo ng maiinom" sabi ko tsaka dumiretyo sa kusina. Inilabas ko ang pitchel at kumuha ng tubig sa jug, buti nalang at malamig lamig pa ang laman niyon.

Pagbalik ko sa sala na ilang hakbang lang naman ang pagitan sa kusina ay dala ko na ang isang tray na may lamang pitchel at tatlong baso. Nilagyan ko ng tubig ang dalawang baso at inabot kina Zin at Sync. Bahala ng kumuha yung isa kung gusto niya.

"Nasaan ang parents mo?" Tanong ni Zin habang nililibot ang mga mata niya sa loob ng bahay

"Nasa probinsya sila. Mangingisda yung tatay ko yung nanay ko naman ay housewife" sagot ko sa kanya

"Kamukha mo ang mommy mo" sabi naman ni Sync habang hawak ang family pictute na nasa frame.

"Marami ngang nagsasabi haha" sagot ko sa kanya "gusto mong makita ibang pictures namin?" Tanong ko pa sa kanya

"Oo ba! Pwede ba?" Tanong pa ni Sync

"Oo naman wait lang kukunin ko sa kwarto" sabi ko tsaka nagmadaling pumasok sa kwarto ko upang kunin ang picture frame

Paglabas ko ng kwarto ay siya naman rinig ko sa dalawang kotse na umaalis. Nilakihan ko ang hakbang ko para tignan sina Sync at Zin pero wala na sila maging ang kotse ng mgaito. Napatingin naman ako kay Matt na naiwan sa sala na pinaglalaruan ang baboy na stuffed toy ko.

"Saan sila pumunta?" Tanong ko kay Matt. Inangat naman nito ang ulo niya at diretyong tumingin sa mga mata ko

"They went home" sagot nito sakin na nagpanganga sakin

"Then why are you still here?" Taas kilay na tanong ko

"I just want to stay" bagot na sagot nito tsaka ito humiga sa cleopatrang kinauupuan niya habang nilalaro yung baby baboy ko

"Sobrang feel at home mo naman yata? Wala ka naman gagawin dito kaya pwede ka ng umuwi" sabi ko

Tumigil naman siya sa ginagawa niya at tinignan ako.

"Okay" sagot nito tsaka na siya tumayo. Mabilis naman pala siyang kausap kailangan lang talagang ipamukha sa kanya na tinataboy mo na siya.

"Sige shoo!" Sabi ko at kinuha yung walis tambo para makapag walis narin ng bahay

"I'll pick you up tomorrow morning" pahabol pang sabi nito. Pinaikot ko nalang eye balls ko at hindi siya pinakinggan. Hindi kona rin hinintay makasakay siya ng kotse niya at umalis na ako sa harap ng pintuan.

Niligpit ko na ang pitchel at mga baso tsaka ito nilagay sa lababo. Hinugasan ko narin ang mga ito bago ko sinimulan ang pagwawalis. Nang matapos na ako ay tsaka ako nag online sa facebook. Laking gulat ko ng maraming nag friend request sakin kabilang na doon sina Sync, Zin at Matt. Inaccept ko naman si Sync at Zin pero si Matt Hiram Roxas ay inignore ko. Sorry di ko siya feel maging friend.

***********

It would mean so much to me if you took a second to click the little star to vote after reading this. Thank you so much and enjoy reading!

- beberose_28

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon