Nadine's Pov
"Ang aga mo na naman manira ng araw" sabi ko ng pagbuksan ko ng pinto si Matt.
"Good morning babe" napangiwi naman ako sa tinawag niya sakin. Inabutan niya ako ng kape na may tatak na starbucks at pinakita din niya ang kape niya.
"Grabe ka ang aga mong mambwisit may babe ka pang nalalaman. Sige na pasok kana" sabi ko at pinatuloy siya.
Dahil yata sa nangyari kahapon ng inihatid niya ako ay gumaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Well, nakakainis parin siya pero hindi na yung sobra sobra pero naiinis parin ako sa kanya.
"I bought you some breakfast" sabi nito at dumiretyo sa kusina "I hope you like omelet quiche and hash brown" pinanood ko lang siya sa ginagawa niya hanggang matapos ito
"Mukhang masarap, ikaw nag breakfast na?" Tanong ko sa kanya tsaka umupo sa isang silya
"I had a bowl of cereal" sagot nito tsaka siya uminom sa hawak niyang kape
"Mabuti pa sabayan mo'ko" sabi ko na tumayo at kumuha ng plato para sa kanya "magdadala dala ka ng pagkain tapos hindi ka kakain. Kumain ka" utos ko dito habang nilalagyan ng omelet quiche at hash brown ang plato niya
"Ang dami haha" natawang sabi nito
"Ubusin mo yan" utos ko pa sa kanya
Naubos naman naming ang dala niyang pagkain. Ang totoo mas marami akong nakain sa kanya, para kasi itong ibon kung kumain sa sobrang bagal.
"Anong oras ba klase mo bakit hindi ka naka uniform?" Tanong ko sa kanya
"Eight am why? Ayoko lang mag uniform" sagot nito habang nakatutok ang mga mata niya sa phone niya "bakit hindi mo inaaccept friend request ko sa facebook?" Tanong nito tsaka ito tumingin sakin
"Ini add mo'ko? Hindi ko alam eh" sagot ko sa kanya pero ang totoo ay inignore ko talaga fr niya sakin dahil enemy nga kami
"Hindi mo alam pero sina Sync at Zin friend mo na" pabulong bulong na sabi nito
"Ang dami ko kayang friend request malay ko ba kung natabunan yung pangalan mo" sagot ko sa kanya
"Let me see your phone" utos nito sakin.
"Ano ka sinuswerte?!" Sabi ko pero kinuha naman ang phone ko at binuksan ang facebook ko. Napangiti naman ako dahil mukhang natabunan nga yung pangalan ni Matt.
Ang ngiti sa labi ko ay napalitan ng simangot ng buksan ko ang apat na message request ko. Hindi ko kilala sila pero kung ano anong masakit na salita ang mga sinasabi nila sakin. Napatingin naman ako kay Matt na naka tingin pala sakin.
"Why? What's wrong?" Tanong nito pero umiling ako. Kumunot ang noo niya at hinablot ang phone ko.
Babawiin ko sana ang phone ko sa kanya pero tinaas naman niya ito. Palibhasa cute size lang ako at nasa mga 175cm siya kaya hindi ko maabot. Dahil nanlambot na ako sa mga nabasa kong message ay umupo nalang ako. Ayokong sayangin ang natitirang lakas ko.
"Umupo ka nga! Huwag mong rereplayan mga yan" hinila ko pababa ang dulo ng damit niya. Umupo naman ito sa tabi ko at seryosong binabasa mga message ko. Wala naman akong tinatago don kaya pinabayaan ko nalang siya. "Oh siya! Maliligo na ako ikaw na bahala diyan. Yung sabi ko ah! Huwag mo silang rereplayan" sabi ko tsaka na tumayo at umalis. Kailangan ko na rin kasing maligo dahil baka malate pa kami.
Nang matapos akong maligo ay nag ayos na ako. Wala naman talagang aayusin sakin dahil suklay at jhonson's baby powder lang ako. Ewan ko ba hindi ko nakaugalian maglagay ng kung ano ano sa mukha. Pero kapag may lip balm at moisturizer ako ay naglalagay ako.
Naabutan ko si Matt na naglalaro sa phone niya. Napatingin naman ako sa phone ko na nasa tabi lang niya. Mukha naman hindi niya ginalaw kaya hindi na ako nagtanong.
"Seven thirty na uy! Ano mauna na ako sayo? Paki lock nalang ang pinto ah" sabi ko na ikinatingin niya sakin
"Ikaw lang naman ang mabagal. Ang tagal mo kayang maligo" sagot nito tsaka nito nilagay sa bulsa ang phone niya at inabot naman sakin ang phone ko
"Hindi mo naman sila nireplayan diba?" Paninigurong tanong ko
"Bakit ko sila rereplayan? Sayang ang oras" sagot nito tsaka kinuha sakin ang susi ng padlock sa pintuan ko. Lumabas na ako dahil baka ikulong pa niya ako sa loob.
Tahimik lang kaming dalawa habang sakay ng kotse niya. Kung kahapon ay puting sports car ang dala niya ngayon ay isang Toyota RAV4.
"Nasaan yung puting kotse mo?" Tanong ko sa kanya
"Nasa parking lot ng school" sagot nito sakin
"Hindi mo kinuha kahapon?" Interesadong tanong ko
"Hindi. Diba nag jeepney tayo?" Sagot nito tsaka siya tumingin sakin
"Ahh.. akala ko binalikan mo siya kahapon" tumatangong sabi ko
"Nag cab nalang ako pauwi sa bahay, tinatamad narin kasi akong mag drive" sagot nito
"Eh bakit pumunta kapa dito kung tinatamad kana palang mag drive" taas kilay na tanong ko
"Kahapon lang naman ako tinatamad haha" tumawa pang sagot niya sakin pero hindi ako natawa o natuwa sa sinabi niya
"Pumunta karin naman sa bahay kahapon ah, buti hindi ka nag taxi?" Seryosong tanong ko sa kanya
"What I mean is I just felt lazy to drive after kitang maihatid sa bahay mo. And okay na ako ngayon, I can drive without stopping" paliwanag at pagyayabang pa nito
"Sabi mo eh" tanging nasabi ko
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa entrance ng school. Pinasok ni Matt ang kotse niya sa parking lot at katulad kahapon dahan dahan akong lumabas sa kotse niya.
"Babye na!" Mabilis kong sabi habang nasa loob pa ito ng kotse niya at mabilis na naglakad palayo.
Bigla naman tumunog ang phone ko kaya dinukot ko yon sa bulsa ko. Nagulat pa ako ng nabasa ko ang pangalan na rumehistro sa phone ko Babe tapos may heart pa. Napatingin naman ako sa pinanggalingan ko at nakita si Matt doon na tinuturo ang phone niya. Parang sinasabing sagutin ko. Syempre may pagka uto uto ako kaya sinagot ko naman.
**********
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...