Nadine's Pov
After ng action scene ni Matt ay bumalik na kami sa room na pinanggalingan namin kanina at nag snacks na kami. Dati palang MMA room ito na binuwag ng mga namumuno ng MU dahil maraming naging issue. Dahil isa sa stockholder ang daddy ni Zin sa MU ay pinakiusapan niya ito na gawing tambayan daw muna nila ito. Nangako din daw siya na wala silang gagawin kababalaghan sa lugar na ito at gagawing pahingahan lang.
"Anong balak niyo ngayon? Paano namin kayo mako contact?" Tanong ni Sync saming dalawa ni Matt. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Matt at nagkibit balikat
Nasa mesa yung phone naming dalawa ni Matt at tinitignan namin mga iyon, parehong basag ang screen at ayaw ma on.
"Hindi mo naman alam number ko kaya okay lang na hindi mo'ko ma contact" sagot ko kay Sync
"Girlfriend ka ni Matt kaya dapat lang akong magkaroon ng phone number mo" sabi naman nito na pumunta pa sa harapan ko
"Excuse me hindi niya ako girlfriend. Kung gusto mo talaga makuha number ko edi okay. Pwede ko naman ibigay sayo number ko yun nga lang hindi mo'ko mako contact pansamantala hanggat hindi ko pa naipapagawa ang phone ko" sagot ko sa kanya
"Hindi kita girlfriend so ano kita boyfriend?" Kunot noong tanong sakin ni Matt
"Hahahaha!" Sabay na tawa naman nina Sync at Zin
"Sige lang mamatay kayo sa kakatawa" sabi ko tsaka inirapan sila
"Nakakainip, gusto niyong mag ice skating?" Tanong ni Zin
"Alright! Game!" Agad na sagot ni Sync at umapir pa kay Zin
"Wala ba kayong klase?" Tanong ko sa kanila
"They were too smart para mag aral pa" nakangising agot sakin ni Matt
"Eh ikaw hindi karin papasok?" Tanong ko sa kanya
"Papasok but it's too early. Sama nalang muna tayo sa kanila" sabi nito
"Hmm.. sige ikaw ang bahala. Basta before 1pm dapat nandito na tayo" sabi ko
"I promise" tinaas nito ang kanang kamay niya at matamis na ngumiti sakin. Muntik na akong matulala sa kanya buti agad akong nakabawi
"Tsk!" Sabi ko nalang
********
Pinapanood ko lang sina Sync at Zin na nag eenjoy sa pag ice skate. Tawa ako ng tawa sa mga kalokohan nila.
"Tignan mo ang galing nila oh!" Tawag ko kay Matt na nakaupo lang sa isang tabi. Wala naman siyang tinamong pasa sa away niya kanina pero mukhang nasuntok din siya ayaw lang niyang aminin at nararamdaman niya yung sakit ngayon.
"Mas magaling pa ako sa kanila" pagyayabang nito
"Sus! Kaya pala bangko kalang dito" inismiran ko nalang siya
"Wala ka kasing kasama dito, tsaka ang daming tao" palusot nito
"Ginawa mo pa talaga akong dahilan no? Hindi ka lang marunong eh" pang aasar ko pa sakanya
"Ikaw lang ang hindi marunong mag ice skate dito" pang aasar din niya sakin
"Eh ano ngayon? Ngayon nga lang ako nakakita ng ganito sa personal eh" pag amin ko
"Gusto mo turuan kita?" Tanong nito
"Tse! Hindi na kasi kumikirot ang bugbog sa legs ko kaya ngayon gusto mong pilayan ako?" sagot ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...