Nadine's Pov
Dalawang araw matapos kong nalaman ang sikretong tinatago ni Matt sa akin ay nakibalita ako kila Zin at Sync kung kumusta na siya. Wala parin pagbabago set up naming dalawa, hindi ko pinahalata na alam ko na sikreto niya. Gusto ko kasing siya mismo ang magsabi sakin.
"Pangalawang araw niya ngayon sa bago niyang trabaho bilang isang mascot" sabi ni Zin
"Nagbibigay siya ng mga flyers sa mga dumadaan" sabi naman ni Sync
"Ano sabi niya? Okay lang daw ba siya? Kaya ba niya yung trabaho?" Tanong ko na gumagaralgal na boses tsaka kinagat ang ibabang labi.
"Okay lang daw siya, mainit pero kaya naman" sagot sakin ni Sync
"Pinipilit niyang kayanin para sa inyong dalawa" dagdag ni Zin
"Hindi naman kasi niya kailangan solohin eh, pwede naman kaming dalawa" sabi ko
Sabay na bumuntong hininga ang dalawa.
"Gusto ko man tulungan siya pero siya naman ang may ayaw, hindi ako sanay makita siyang nahihirapan" nakayukong sabi ni Zin habang naka sandal sa amba ng pintuan
"Para namang hindi mo kilala ang kaibigan mo kahit mahirapan siya kakayanin niya, suportahan nalang natin siya sa desisyon niya ng gumaan kahit papaano pakiramdam niya" sabi naman ni Sync
"Hoy! Anong ginagawa niyong tatlo diyan ha!" Pasigaw na tanong ni Matt habang mabilis na naglalakad palapit samin.
Malapad akong ngumiti at sinalubong siya ng yakap.
"Halos kadarating ko lang din naabutan ko lang silang dalawa dito sa labas" masiglang sabi ko
"Oh" napatangong sambit niya
"Mabuti pa pumasok na tayo parating na din sigurado yung chicken and beer na inorder ko" sabi ni Sync tsaka umakbay kay Zin at nauna na silang pumasok
"Ayos!" Masayang sabi naman ni Matt at kumindat pa sakin. Nginitian ko lang siya at sabay na kaming pumasok sa loob ng tambayan.
"Next week sem break na anong balak niyo?" Tanong ni Zin pagka upo namin sa sofa.
Nagkatinginan naman kami ni Matt at tila naghihintayan kung anong sasabihin ng bawat isa.
"Kung sa Maldives? Tagal narin huling punta natin don" suhestiyon ni Sync
"Pwede rin pero parang mas gusto ko dito muna, bakit di nalang sa beach house namin sa Amanpulo?" Sabi naman ni Zin tsaka siya tumingin kay Matt
Nagkatinginan ulit kami ni Matt.
"Ikaw Babe saan mo gusto magbakasyon?" Tanong nito sakin
Matagal na sa plano ko ang pag uwi ko sa Zambales, every sem break naman kasi at kung kailan ako may pagkakataon umuuwi ako sa pamilya ko.
"Kayo nalang mag plano ng bakasyon niyo uuwi kasi ako sa Zambales dalhan niyo nalang ako ng pasalubong" nakangiting sabi ko
"So saan tayo?" Tanong ni Zin
"Sa bahay lang din ako" sabi naman ni Matt na ikinatingin namin lahat sa kanya "oh bakit ganyan kayo makatingin? Balak ko mag home study hahaha" sabi pa nito tsaka pilit tumawa
Alam ko naman na hindi siya mag h-home study dahil magtatrabaho siya. Minasdan ko naman siya at pitik sa noo ang inabot ko mula sa kanya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah" sambit nito. Hinawakan ko naman ang noo ko tsaka ngumuso.
"Hindi lang ako makapaniwala na mag h-home study ka napaka imposible kasi" sagot ko sa kanya at tinignan siya ng may pagdududa
"Kung hindi ka maniniwala sakin sino pa ang maniniwala sakin?" Sabi naman niya na hinila pa ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit
"Hindi sa hindi ako naniniwala sayo napaka imposible lang kasi talaga ng sinabi mo" sagot ko sa kanya tsaka pinisil ang magkabilang pisngi niya at tumawa.
"Ehem.. may ibang tao mamya na yang lambingan niyo kinikilabutan ako" sabi ni Sync tsaka tumayo para buksan ang pintuan.
Sa may pintuan lahat ang tingin namin hanggang sa buksan iyon ni Sync at kinuha ang inorder niya na dalawang buckets ng fried chicken at 6 can beers.
"Bakit may beer?" Tanong ko kay Sync pagkalapag nito sa mga dala sa center table.
"Pantanggal pagod lang" sagot naman nito
Tinignan ko naman ng masama si Matt ng kumuha ito ng isang beer at binuksan iyon.
"Anong balak mo?" Taas kilay na tanong ko kay Matt
"Isa lang naman" sagot nito at agad tumungga sa beer.
Nagsipag sunuran naman sina Zin at Sync at nag umpisa na inuman session nila. Gusto ko sanang pigilan uminom si Matt pero parang kailangan niya talagang uminom tulad ng sabi ni Sync pantanggal pagod lang.
"Kumain ka ng chicken" sabi ko sabay abot kay Matt ng isang drumstick. Kinuha naman niya iyon at kumagat ito.
"Sarap" sabi nito tsaka niya inilapit sa bibig ko ang hawak niyang drumstick. Kumagat naman ako at nginitian siya.
"Babe huwag mo na pala akong sunduin bukas" sabi ko at kumuha ng isang pirasong manok at kinagatan yon
"Why?" Tanong nito pagkatapos lumagok sa beer niya
"W-wala kaming klase sa 1st subject namin" nautal na sagot ko
Hindi ito kumibo tila may iniisip habang nakatingin sakin.
"Anong oras ba 2nd subject mo?" Tanong nito
"Susunduin mo'ko? Mag c-cut ka ng class? Huwag na kaya ko ang sarili ko" sagot ko sa kanya at tinignan ng masama
Hindi ito kumibo pero nakatingin naman ito ng diretyo sa mga mata ko. Alam kong nag iisip ito ng dahilan para sunduin ako pero alam ko naman na imposible yon dahil sa trabaho niya.
"Ihatid mo nalang ako pag uwi tapos sa bahay kana mag dinner" nakangiting sabi ko. Ngumiti rin ito sa akin at tumango.
"Deal" sagot pa nito
Nang maubos na ni Matt ang isang can beer ay balak pa nitong pumangalawa pero pinigilan ko kamay niya. Wala naman itong nagawa kaya pinanood at nakipag kwentuhan nalang siya sa mga kaibigan niya.
Ang sarap tignan ang mga ngiti at pakinggan ang mga tawa ni Matt, parang wala itong pinag dadaanan. Alam kong nahihirapan na siya pero wala man lang akong magawa para tulungan siya. Alam kong ako may kasalanan kung bakit pinarurusahan siya ngayon ng pamilya niya pero anong gagawin ko? Ayokong nahihirapan siya pero ayoko din mag hiwalay kami. Selfish na kung selfish di ako makikipag hiwalay sa kanya hanggat hindi niya ako sinusukuan.
************
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...