Chapter Forty Three

119 10 3
                                    

Nadine's Pov

"Hindi ako lasing Babe" umiiling na sabi ni Matt habang naka alalay ako sa kanya. Binuksan niya yung maleta niya at may inilabas na isang boteng alak.

"Oh! Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya habang hawak nito yung bote ng alak

"Babalikan ko sina Papa paubos na kasi yung iniinom namin" mapungay ang mga matang sagot niya sa akin

Tumaas naman ang isang kilay ko ng marinig ko ang tinawag niya sa Papa ko.

"Baliw kana ba? Tama na pag inom mo matulog kana" pigil ko sa kanya habang naglalakad ito palabas ng pintuan

"Babe nakakahiya kina Papa tsaka regalo ko talaga to kay Papa" sabi nito na tinutukoy ay yung alak

"Lasing kana nga, may bukas pa naman bukas mo nalang ibigay yan kay Papa" pigil ko parin sa kanya

Pinalupot niya ang isang kamay niya sa baywang ko at marahan na hinalikan sa labi.

"Hindi pa ako lasing tsaka nag kukwentuhan lang kami dun"

"Akala mo lang hindi ka lasing pero lasing kana tignan mo nga sarili mo namumula kana," hinawakan naman nito ang pisngi niya na tila makikita niya kung namumula na nga mukha niya

"Ayos naman ako at hindi pa talaga ako lasing" sabi pa niya at mabilis na ninakawan ako ng halik sa piangi at nagmadaling lumabas

Nakatingin ako sa pinto na nilabasan ni Matt at umiiling pero may ngiti sa labi. Paglingon ko naman ay nakita ko si Mama na ngiting ngiti sa'kin at lumapit.

"Masaya ako kasi nakikita ko na masaya ka" sambit ni Mama habang nakatingin ito sa akin. Pinagpatuloy ko lang pag ayos sa maleta ni Matt at sinara ulit 'yun.

"Lagi naman akong masaya ah," nakangiti naman sabi ko bago ko tinignan si Mama na nakangiti parin sa'kin

"Iba ang saya mo ngayon, iba kasi ang saya kapag in love" sabi pa ni Mama na parang tinutukso ako. Nahiya naman ako at tumingin ulit sa maleta ni Matt "Unang kita ko palang kay Matt naramdaman ko na mabuting tao siya, siguradong ganoon din ang Papa mo" tumingin naman ako kay Mama na may pag alala

"Ma, sa tingin mo magugustuhan siya ni Papa?"

"Oo naman! Wala naman dahilan para hindi niya siya magustuhan, isa pa mahal mo yung tao at lahat ng mahal mo mahal namin ng Papa mo"

"Bakit kasi kailangan pa nilang mag inuman, sa dami ng araw ngayon pa talaga"

"Eh ano ngayon kung ngayon? May sakit ba siya? Gusto lang niyan makilala ng Papa mo si Matt,"

"Wala siyang sakit ang kaso lang nag aalala ako, ewan ko ba bakit kinakabahan ako. Alam ko naman hindi siya sasaktan ni Papa pero hindi ko maiwasan kabahan, ayoko naman pumunta doon at samahan siya" nag aalala paring sabi ko

"Ikaw na nagsabi na hindi siya sasaktan ng Papa mo, ang problemahin mo nalang kung saan siya matutulog. Hindi porket boyfriend mo siya at dito siya sa bahay tutuloy ay pwede na kayong matulog sa iisang kwarto"

"Syempre hindi!" Mabilis na sabi ko "may extra foam ako sa kwarto ilalabas ko nalang mamaya, sinabi ko na sa kanya na sa sala siya matutulog" sabi ko pa

"Mabuti naman, sige na ayusin mo muna yang gamit niya, may space pa naman yung cabinet mo diba?" Tumango tango ako bilang sagot bago nagsalita ulit

"Pasalubong ko sa inyo ni Papa" nakangiting sabi ko habang hawak ang isang plastik bag na may lamang damit. Isang bulaklaking bestida iyon at isang kulay berdeng polo shirt. "Binili ko iyan sa school bazaar last month, nang makita ko agad ko kayong naisip ni Papa kaya hindi na ako nagdalawang isip bilhin, may pang simba na kayong bago" nakangiting sabi ko

"Salamat anak pero sana hindi kana nag abala, sigurado tinipid mo na naman ang sarili mo"

"Nope! Savings ko pinambili ko diyan, malaki natipid ko kasi lagi akong nililibre ni Matt at ng mga kaibigan niya"

"Nadine Earth! Hindi kita pinalaking ganyan!" Sabi ni Mama na may kalakasan ang boses

"Hala! Ano bang ginawa ko,?" inosenteng tanong ko

"Kahit maliit lang halaga napapadala namin sayo ng Papa mo hindi ka parin dapat manamantala ng tao. Hindi porket may boyfriend ka palibre ka ng palibre ano nalang sasabihin ng magulang niya" sabi naman nito

"Ma, chill ka nga muna, relax" sabi ko tsaka nag enhale at exhale sa harapan niya para tularan niya, gumaya naman siya at mukhang mas kalmado na siya "Ma, hindi ako nagpapalibre kay Matt at sa mga kaibigan niya. Kung nalilibre man ako hindi dahil nagpalibre ako. Nalilibre ako sa maraming pagkakataon tulad ng pamasahe at foods dahil hatid sundo ako ni Matt, kung hindi niya ako masusundo isa sa mga kaibigan namin ang susundo sa'kin" sabi ko at inilagay ang isang daliri sa tapat ng labi ko dahil mukhang may say na naman siya "ayaw ni Matt na nag ko commute ako lalo't mag isa lang ako, alam niyo naman daming loko sa Manila, may sasakyan naman kasi siya at mga kaibigan niya kaya tipid sa pamasahe. Sa foods naman, libre lunch ko sa canteen diba? Kaya hindi ko na kailangan bumili, tapos umoorder pa ng pagkain sa labas friends ni Matt kaya lagi akong busog" mahabang paliwanag ko

"Ikaw na bata ka lagi namin pinapaalala sa'yo ng Papa mo na mag ingat ka lagi sa pagpasok at pag-uwi mo, mabuti nalang pala hinahatid sundo ka ni Matt. Pero huwag ka masyadong umasa sa kanya at sa mga kaibigan niyo nakakahiya, ang lakas mo pa naman kumain" sabi pa nito

"Diet kaya ako" sabi ko at umismid "sa susunod na bakasyon yayayain ko din sina Zin at Sync dito sa atin, kaso nakakahiya" napangusong sabi ko pa

"Bakit ka naman mahihiya? Sige ayain mo sila dito at ipagluluto ko sila ng masarap"

"Mayayaman kasi mga 'yon Ma, hindi naman sila matapobre pero nakakahiya kung patutulugin ko din sila dito sa sala" sambit ko at tipid na ngumiti kay Mama

"Sabagay" tumatangong sang ayon naman ni Mama

"Ipapasok ko muna sa kwarto mga gamit namin ni Matt Ma, tapos yung dalawang plastik bag para dito sa bahay" paalam ko pa kay Mama bago tumayo at hinila ang trolley bag ni Matt papunta sa kwarto ko.

Ayoko sanang galawin mga gamit ni Matt na wala siya pero wala naman akong choice kundi pakyalaman na para mailipat sa cabinet dahil umiinom pa siya.

Isa isa kong inilabas mga damit na dala niya at napansin kong halos kulay puti mga t-shirt niya, may dalawang pantalon rin siyang dala at limang shorts. Naiwan naman ang mga mata ko sa mga boxers at briefs niya. Pikit matang kinuha ko ang mga iyon at maingat na ipinasok sa loob ng cabinet.

Nakahinga naman ako ng maluwang ng mailagay na lahat sa cabinet mga damit niya at ang naiwan nalang ay ang mga skin care niya. Napapangiti naman ako habang binabasa mga kabaklaan niya actually daig niya ako ng bongga!. Una kong nahawakan yung facial cleanser niya, korean yung tatak buti nalang may english translation kaya nalaman ko na facial cleanser 'yon. Sunod naman yung eye cream, binuksan ko 'yon at inamoy. Infairness mabango. Meron din siyang shaving cream, aftershave, moisturizer, SPF sunscreen, chemical exfoliator, serum, deep pore cleansing masque, retinol, water gel toner at night cream. Never kong naisip na gumagamit siya ng ganito. Now I know kung bakit mukha siyang fresh lagi. Vaklang twooo.

*************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon