Nadine's Pov
Seven days! Seven days ng hindi nagpaparamdam si Matt sakin. Ang sabi nila Sync nasa Japan pa at hindi pa alam kung kailan uuwi. Hindi paba siya tapos mag lamyerda sa Japan?! Masyado niyang pinamumukha ang pagiging dukha ko buset siya.
"Lunes na lunes naka simangot ka" puna sakin ni Michelle. Pilit akong ngumiti sa kanya
"Hindi naman marami lang akong iniisip" sagot ko
"Si Matt ba? Tagal ko na siyang hindi nakikita ah, nasaan ba siya?" Tanong nito
"Omg! Ang gwapo talaga ni Matt no?" Rinig kong sabi ng kaklase ko kaya napatingin kaming pareho ni Michelle sa kanya
"Nagpalit siya ng display photo ang gwapo!" Sabi pa ng isa
Sabay pa kami ni Michelle na kumuha ng cell phone namin. Pag online ko sa facebook ay agad dumaan sa newsfeed ko yung picture ni Matt. Twelve minutes palang after niya na ipost yung picture niya pero nasa 500 na mga reactions. Iba talaga kapag gwapo. Ako nga dati umaabot na ng 24 hours ay marami na ang 7 likes. Ngayon nga lang dumami mga nagla like sa mga post ko dahil kilala ako bilang girlfriend ni Matt.
Nag react ako ng mad emoji sa profile picture niya at agad akong nag type ng message sa kanya sa messenger ng biglang burahin ko. Ang dami kong message na iniwan sa inbox niya pero hindi man siya nag reply kahit na isa. Napatingin naman ako sa bilog na kulay green na inig sabihin ay online siya.
Ilang minuto akong naghintay para maka receive ng kahit hoy kumusta sa kanya pero wala akong natanggap. Dumating na prof namin at natapos pero wala parin talaga.
"Nasa Okinawa pala siya kaya hindi ko nakikita" sabi ni Michelle tsaka siya tumingin sakin
"Hmm" tumatangong sagot ko
"Ka chat mo ba siya?" Tanong pa nito. Tila naghihintay naman ng sagot mga kaklase namin
"H-hindi eh busy kasi siya" sagot ko
"Omg! Break na kayo?!" Eksaheradang sabi naman ni Janine
Hindi kami break kasi wala naman kaming relasyon. Hindi nalang ako sumagot. Dumating na ulit ang next prof namin kaya nanahimik na ang lahat.
Vacant time ng kulitin ulit ako ng mga kaklase ko kakatanong kung break na daw kami ni Matt. Kahit sinabi kong hindi ay hindi naman sila naniwala sakin. Nagsimula na naman ang bulung bulungan na break na nga kami ni Matt at take note, dahil daw nanlalaki ako.
Ang bilis kumalat ng mga balitang hindi naman totoo. May nagsasabi pa na makati daw kasi ako at hindi makuntento kay Matt. May naaawa din sakin na nagsasabi na ang haggard daw ng itsura ko. Ewan ko kung naaawa ba talaga sila o ano.
Lunch break ng sunduin ako nila Sync at Zin. Nagsimula ulit ang bulungan at tinanong pa ako nila kung ano ang nangyayari. Palibhasa kasi magkahiwalay ang building namin sa kanila na may dalawa pang pagitan kaya hindi nila alam kung ano ang hot topic ngayon.
"Sa tambayan tayo kakain ngayon nagpa deliver kami ng pagkain" sabi ni Sync
Tumango lang ako at naglakad kasabay nila.
"Bakit ang tahimik mo yata ngayon?" Tanong ni Zin sakin.
Sumimangot ako
"Napaka childish niya" sabi ko
"Ha? Sino?" Sabay na tanong nila sakin
"Napaka unreasonable niya pa" sambit ko pa
"Sino ba kasi yan?" Tanong ulit ni Sync
Huminto ako sa paglalakad at ganoon din sina Zin at Sync. Tinignan ko silang pareho sabay iyak sa kanila. Hinagod hagod naman nila ang likod ko at pilit pinapatahan.
"Nakakainis siya! Nanggigigil ako sa kanya! Gusto ko siyang sipain suntukin at kalbuhin! Pero kahit anong inis ko sa kanya miss na miss ko na siya" sabi ko na lalong nagpaiyak sakin
"Sshh.. tahan na sigurado miss ka rin niya" sabi ni Zin
"Kung miss niya ako bakit hindi siya nagpaparamdam sakin?" Lumuluhang tanong ko
"Hindi namin alam pero sigurado sobrang namimiss ka nun" sabi naman ni Sync
"Ewan ko bahala siya sa buhay niya. Mas okay nga wala siya walang nangugulo sa buhay ko. Subukan lang niyang bumalik masasaktan ko talaga siya!" Sabi ko tsaka marahas pinunasan ang mga luha sa mata ko "tara na! Baka lalo pa akong pagtsismisan at sabihin pang broken hearted ako" nauna na ang naglakad sa kanila pero sumunod rin sila sakin at pinagitnaan ako
Malapit na kami sa tambayan nila ng magpaalam sila sakin. Mauna na daw ako dahil may nakalimutan silang bilhin. May mga foods na daw sa tambayan at kung nagugutom na ako ay mauna na akong kumain. Sasama sana ako sa kanila pero huwag na daw saglit lang naman daw sila.
Pagpihit ko sa pintuhan ay agad bumukas iyon. Dire diretyo akong naglakad hanggang napansin ko ang isang lalaking nakapikit at tila tulog sa may sofa. Natigilan ako at agad napaluha ng makita siya. Pinunasan ko mga luha ko at pinakalma ang sarili.
Dahan dahan akong lumapit kay Matt na mahimbing na natutulog. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mukha niya.
"When I was young I was told it was rude to stare" biglang sabi ni Matt tsaka dumilat at tumingin diretyo sa mga mata ko
"I-I'm just checking kung natutulog kaba talaga" nabulol na sagot ko sabay tayo pero hinila niya ako at napaupo sa kanya
"I keep myself busy with the things I do just to forget about you. But every time I close my eyes I can see you and when I open my eyes I miss you. Babe.. I missed you so much" sabi nito na habang nakatingin sa mga mata ko
"Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos mong umalis ng walang paalam at isang linggong walang paramdam sasabihin mo sakin na namiss mo'ko?!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko naman napigilan ang mapaluha sa sobrang sama ng loob at tumayo, lumayo sa kanya
"Sabi kasi nila Sync sakin huwag kitang kontakin to give you time to think. I did what they told me cuz I'm afraid to lose you kahit sinabi mong walang tayo" sabi nito na tumayo na din at lumapit sakin. "I'm sorry for being annoying, stressful, different, unlovable, worthless and not being easy person to be with. I'm a big mess I know. But please.. maniwala ka na seryoso ako sayo" sabi nito
"Nakakainis ka is this a boyfriend should be doing?" Humarap ako sa kanya at mahinang tinulak ang braso niya
"Boyfriend?" Tanong nito pagkatapos ay malapad na ngumiti "you finally admit I'm your boyfriend" natutuwang sabi nito tsaka niya ako niyakap ng mahigpit
"Nakakainis ka!" Ulit kong sabi habang umiiyak. Yumakap narin ako sa kanya at pinalo ang likod niya, pero tumatawa lang ito at ayaw humiwalay ng pagkakayakap sakin.
Nung huminto na ako sa pagpalo sa kanya ay niluwagan niya pagkakayakap sakin at hinawakan ang dalawa kong pisngi. Pinunasan niya gamit ang daliri niya ang mga luha ko. Nagkatitigan lang kami hanggang sa unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Pipikit na sana ako ng biglang may narinig kaming parang nahulog. Napahiwalay kami ni Matt at napatingin sa pinto kung saan naroon sina Sync at Zin.
"Oopps.. sorry" sabi pa nila tsaka ulit lumabas at sinarado ulit ang pinto
*******
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...