Nadine's Pov
Two days na mula ng umalis si Matt ng walang paalam. Two days narin akong iritado dahil sa kanya. Kasi naman nagpaload pa ako ng 50 pesos para ma text siya pero hindi siya nagrereply! Nag online din ako sa facebook at nag iwan ng message sa kanya pero two days ago pa nung huling online niya. Nangigigil talaga ako sa kanya.
"Uy Nads!" Napakunot ako ng noo ng mapatingin sa lalaking tumawag sakin na ngayon ay ngiting ngiti. Medyo famillar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita.
"It's me Blake" sabi nito habang tinuturo ang sarili. Napatingin naman ako mula ulo hanggang paa hanggang sa nakita ko ang bolang hawak niya.
"Ahh! Ikaw yung sumangga ng bola na dapat tatama sakin diba? Kumusta kana?" Tanong ko sa kanya na may ngiti sa labi
"Heto kakauwi ko lang ng Pilipinas nagka problema kasi yung isang business namin at ako yung pinadala sa Canada para umayos" sagot nito
"Wait.. okay lang sa school management na umabsent ka ng matagal? Pero ang galing ah nagtatrabaho ka while studying"
"Hmm.. hindi lang naman ngayon nangyari na umalis ako ng bansa dahil sa trabaho ko, okay naman grades ko kaya okay lang" sagot niya sakin
"Ang galing" puri ko ulit sa kanya
"Saan ka pala pupunta?" Tanong niya sakin tapos ay tumingin sa mga librong hawak ko
"Isasauli ko mga hiniram kong books sa library"
"Ohh.. samahan na kita" sabi nito tsaka binato yung hawak niyang bola at kinuha sakin mga librong dala ko
"Okay lang ako na magdadala niyan tsaka baka magalit mga kalaro mo iniwan mo sila" sabi ko sabay sulyap sa mga apat na lalaking naglalaro ng basketball
"Hindi yan. Gusto ko rin ayain ka sana mag kape kung okay lang sayo" sabi pa nito "sana lang hindi ka busy tulad dati" aniya
"Vacant time namin kaya okay lang" nakangiting sabi ko
"Alright!" Masayang sabi nito
Pagkatapos naming maibalik sa library ang mga libro ay tumuloy na kami sa Mr.Coffee. Gusto pa nga niya sa labas ng school kami mag kape pero tumanggi ako dahil baka sa starbucks pa niya gustong pumunta. Nakaipon naman ako ng konti dahil sa lagi akong nililibre nila Matt kaya pwede akong gumastos ngayon panlibre kay Blake bilang pasasalamat narin sa kanya.
Pagdating namin sa coffee shop ay agad kong tinanong kung anong gusto niya. Tumingin siya sa menu board at umorder ng Ice Rose matcha latte, nag crave namam ako sa nakita kong pumkin spice fappuccino kaya umorder agad ako. Nang babayaran ko na ay inabot ni Blake ang card niya sa babae.
"Ako ang nagyaya ako ang magbabayad" sabi nito sabay kindat sakin.
Ipiplit ko pa sana ang gusto ko kaso nilagay nito ang isang daliri niya sa labi ko. Hindi ako nakaimik kaya hinayaan ko nalang.
"Matalino ka pala kung ganon" sabi nito matapos niyang malaman na scholar ako sa MU
"Hindi naman sakto lang" sagot ko sa kanya
"May company kabang napupusuan pagka graduate mo?" Tanong nito
"Kung maaari gusto ko sana makapag trabaho agad sa isang public school" sagot ko sa kanya
"Oo nga pala education ang course mo. Pero kung gusto mong magtrabaho sa isang company welcome ka sa Lexas" sabi niya
"Lexas group of Companies?" Paninigurado ko
"Yep! Ang daddy ko ang chairman" proud na sabi nito
"Wow! Bigatin ka pala" manghang manghang sabi ko
"Daddy ko lang hindi ako haha" sabi niya tsaka uminom sa latte niya "sa ngayon nagtatrabaho ako sa Lexas para pag aralan ang pamamalakad doon. May isa pa akong kapatid pero parang wala siyang interes sa kumpanya ni Dad. Bilang panganay ginagawa ko ang obligasyon ko pero yung kapatid ko parang minamasama niya ang ginagawa ko"
"Bakit naman? Hindi ba kayo okay ng kapatid mo?"
"Noong bata kami ay okay naman kami, best friends pa nga kung tutuusin. Nagbago lang ang lahat three years ago. Dahil sa babae. Nagkagusto siya sa isang babae na ako ang gusto. Simula noon nag iba na pakikitungo niya sakin"
"Hindi mo naman kasalanan kung sayo nagka gusto yung girl eh, naging kayo ba?" Interesadong tanong ko
"Hindi naging kami, pinagtutulakan ko pa nga si Leanna sa kanya kaso nakakabatang kapatid lang daw ang tingin niya sa kapatid ko. Mag kasing edad kasi kami ni Leanna at mas matanda sa kanya ng dalawang taon"
"Hindi mo na kasalanan kung hindi talaga siya gusto, kung kapatid ko lang yon sigurado nabatukan ko pa" sabi ko
"Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong makipag ayos sa kanya kaso lumalapit palang ako lumalayo na agad siya. Na mimiss ko narin ang pagtawag niya sakin ng Kuya. Ngayon kasi Blake nalang tawag niya sakin haha" ramdam ko ang lungkot at pilit na tawa ni Blake mukhang miss na miss nga niya ang kapatid niya.
Kahit gaano pa kaganda yung si Leanna hindi tama na kalimutan ng kapatid ni Blake ang pagiging magkapatid nila. Ang dami talagang tao ang nagiging bobo pag na iinlove.
Fifteen minutes nalang bago matapos ang vacant time namin kaya nag aya na akong umalis sa coffee shop. Hinatid naman ako ni Blake sa tapat ng classroom namin na naging simula ng bulung bulungan na naman. Palibhasa daw wala si Matt kaya kumekerengkeng na naman daw ako. Sana lang daw matauhan si Matt na hindi kami bagay. Yung iba naman nagsasabi na nasa loob daw ang kulo ko. Ewan ko sa kanila, bahala sila, ganyan kadali sa kanila ang mag judge ng kapwa.
Hindi ko nalang pinansin ang mga bulung bulungan nila kung bulong pabang masasabi yon dahil naririnig ko naman. Dahil wala pa professor namin kaya sinalpak ko muna yung earpods sa magkabilang tenga ko at nakinig ng music para mabawasan stress ko sa mga kaklase ko.
*******
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...