Nadine's Pov
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Matt na tahimik na nagmamaneho papunta kung saan na hindi ko alam. Mukha kasing palabas na kami ng Maynila.
"Do you trust me?" Tanong nito na sumulyap sakin
"Oo naman" sagot ko na kahit binabalot ng kaba ang dibdib ko
Naramdaman ko ang pagkulo ng sikmura ko pero ayokong sabihin kay Matt, masyado siyang busy sa pagmamaneho at ayokong istorbohin pa siya. May nakita akong mineral water at ininom ko yon, kahit papaano ay nalamnan ang sikmura ko kahit man lang tubig.
Muling bumalik sakin ang nangyari sa party kanina. Ngayon ko lang talaga napagtanto kung gaano kalayo ang estado ng pamumuhay nila Matt sa akin. Alam kong mayaman sila pero hindi ko inaakala na sobra pa sa sobra ang kayamanan nila. Hihdi na ako magtataka kung bakit hindi ako nagustuhan ng magulang niya. Pero inakala ko at umasa ako na ayos lang, na matatanggap nila ako kahit mahirap lang, na hindi sila tututol sa pag iibigan namin ni Matt. Ngayon nangangamba ako kung ano pwedeng mangyari.
Tumingin ako kay Matt habang nagmamaneho ito. Wala parin siyang imik at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Para pala tayong sina Shan cai at Dao Ming Si no?" Wala sa loob na nabanggit ko. Napakagat tuloy ako ng labi at iniwas ang tingin sa kanya.
"I didn't know them" sagot naman niya sakin
"Weh?! Yung totoo?!" Seriously? Saang planeta galing ang boyfriend ko at hindi niya kilala sina Shancai at Dao Ming Si!
"I really didn't know them babe, ang weird ng mga pangalan nila sino ba sila?" Tanong nito sakin.
Umayos ako ng upo paharap sa kanya.
"Hindi mo alam yung meteor garden? drama series yon mula sa Taiwan. Yung gwapong mayaman na lalaki ay si Dao Ming Si tapos yung partner niya si Shan cai na mahirap lang. Tapos ayaw ng mommy ni Dao Ming Si kay Shan cai kasi mahirap lang siya. Tapos non ginawa lahat ng mommy ni Dao Ming Si para maghiwalay lang yung dalawa" kwento ko sa kanya
"Did they broke up?"
"Hmm.. yeah" nagulat naman ako at napayakap sa sariling katawan ng bigla itong nag preno
"What?! I don't understand! Why it's so easy for them to get rid of their relationship?" Inis na tanong nito sakin
"Yaahhh!" Sigaw ko sa kanya. Nanahimik naman ito at tumingin lang sakin "Kung balak mong magpakamatay mamatay kang mag isa mo!" Sigaw ko pa at binuksan ang pinto ng kotse at lumabas
"Babe wait I'm sorry" nakasunod na sabi niya sakin
"Kasi naman eh" sambit ko
"I'm really sorry" yumakap siya mula sa likod ko "I'm sorry for getting annoyed, I don't know why I feel so frustrated I'm really sorry" sabi pa nito "maybe because I'm scared.. scared to loose you, scared that we'll end up like them"
Napakagat ako ng labi at pinigil ang pag hikbi. Ang bad ko, napaka insensitive ko rin. Sinira ko na nga ang birthday niya tapos aawayin ko pa sa dahilan na ako naman ang may gawa. Bakit ba kasi na kwento ko pa sa kanya yon. Tinanggal ko ang mga kamay niya nakapapulot sa bewang ko at humarap sa kanya.
"I'm sorry din, dahil sakin nasira ang birthday mo" wika ko habang nakatingin sa mga mata niya
"No babe wala kang nasirang birthday, sila lang naman may gusto ng birthday party na yon dahil narin sa pansarili nilang interes. Ang importante sakin ay ikaw. Ikaw lang naman gusto kong makasama nakisabit lang sila" sabi nito na nagpangiti sakin. Tinakpan ko nalang ang bibig niya ng labi ko ng mabilis na halik sa labi para tumigil na ito sa kakasalita.
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...