Chapter Twenty Six

261 14 0
                                    

Nadine's Pov

"Ang ganda siguro lalo dito kapag umaga no?" Sabi ko habang katabi si Matt sa terrace ng rest house nila

"Malalaman mo yan kung dito ka matutulog ngayong gabi, marami namang kwarto dito" sagot nito sakin

"Hindi pwede kailangan kong umuwi bago mag umaga"

"Bakit hindi pwede wala naman pasok bukas ah"

"Hoy! Hindi ako kaladkaring babae no! Ano nalang sasabihin ng magulang ko sakin? Hindi pwede!" Mariin kong sabi

"Babe hindi ibig sabihin nakitulog ka sa ibang bahay ay kaladkarin kana. Isa pa wala naman parents mo at hindi naman tayo magtatabi sa pagtulog, pero kung gusto mo pwede din naman"

"Kahit na hindi parin pwede, cheating parin yon sa parents ko at excuse me po no? Hindi ako sanay may katabing matulog kaya stop dreaming na tatabihan kita if ever" masungit na sabi ko

Bigla naman lumungkot ang mukha nito. Sorry Matt hindi talaga pwede.

"Okay, pero okay lang ba mga 1am na kita mahatid pauwi? Gusto sana kitang makasama pa ng ilang oras" tanong nito


"Kahit 3am pa" nakangiting sabi ko na ikinangiti din niya. "Patingin naman ng phone mo" sabi ko pa sabay palad ng kamay ko sa harapan niya

Dinukot naman nito ang phone niya sa bulsa at iniabot sakin "wala kang makikitang kalokohan diyan" sabi nito

"Bakit parang guilty ka?" Tanong ko sa kanya at pinindot ang phone niya. Bumungad naman sakin ang picture naming dalawa na naka wallpaper sa phone screen niya "ang bilis naman ng oras 11:04 na agad" sambit ko

Mula sa bag ay inilabas ko ang isang maliit na box at inabot ko kay Matt. Nakangiting kinuha naman niya ito sa kamay ko.

"Hmm.. wala akong naisip na pwedeng iregalo sayo kasi lahat naman ng gusto mo meron kana kaya.. ang gusto ko nalang ang ibibigay ko sayo sana lang ay magustuhan mo" nahihiyang sabi ko at pinabukas ko sa kanya ang maliit na box. Inilabas nito ang isang phone key chain na aso at ngiting ngiti na pinakita niya sakin yon "Happy birthday babe" bati ko sa kanya. Bigla naman niya akong niyakap na mahigpit, gumanti naman ako ng yakap sa kanya at sinayaw sayaw pa niya mula sa kinakatayuan namin.

"Thank you babe thank you so much" sambit nito habang nakayakap sakin

"Pagpasensyahan mo na gift ko ha? Wala talaga akong maisip tsaka hindi mo naman sinabi na birthday mo kasi edi sana napaghand-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sana ng hawakan nito ang baba ko at hinalikan sa labi. Pumikit nalang ako at sumabay sa bawat galaw ng labi niya.


Kapwa namin pinagsaluhan ang tamis ng labi naming dalawa. Sa mahigit isang buwan na pagiging mag magkasintahan namin ay ngayon lang namin naranasan na umabot sa mahigit isang minuto ang paghahalikan namin. Lagi kasing smack lang kami at matagal na ang limang segundo. Pagkatapos ng halikang naganap ay niyakap ako nito habang nakahalik sa may buhok ko. Buti nalang mabango yung shampoo ginamit nila sakin kaninang inaayusan ako. I love you so much bulong pa nito sa tenga ko.

"I really don't want to talk about what happened at the party kaso alam ko kailangan kong mag sorry sayo" sabi nito tsaka humiwalay ng yakap sakin at tinitigan ang mga mata ko

"Wala ka naman dapat ihingi ng sorry eh" sabi ko pero umiling siya

"Babe sorry sa nangyari kanina, sorry sa naging pakikitungo ng parents ko sayo, sorry sa nasabi nila at sorry kung wala akong nagawa para ipagtanggol ka" sabi nito tsaka ito yumuko muna sandali at muling tumingin sakin. "I love you so much at hindi ko talaga alam paano humingi ng sorry sa inasal ng magulang ko" sabi pa nito tsaka huminga ng malalim "My mom really doesn't know what to say and when she does talk, para itong armalite na walang tigil at walang pakialam kung may masasaktan siya sa sinasabi niya"

"Hindi mo naman kailangan humingi ng sorry dahil naiintindihan ko. Syempre magulang mo sila, mommy mo yun eh. Sino bang magulang ang hindi magsasalita ng ganon kung alam nilang hindi makakabuti sa anak nila yung kasama nito? Mabait pa nga sila dahil hindi sila nagbitaw ng masakit na salita halatang napaka edukado"  tuloy tuloy na sabi ko at ngumiti sa kanya

"I feel weak and embarrassed I feel like I'm letting you down and that just makes me feel worse. Babe tell me what should I do?"

"Gawin mo kung ano ang alam mong tama" matatag na sabi ko kahit nanlalambot ang katawan ko pagkatapos ay ngumiti ako para hindi siya mag alala

"Ikaw lang naman ang tama sa buhay ko" sabi nito sabay patak ng luha sa mga mata niya "Babe promise me na hindi ka bibitaw, hindi mo'ko bibitawan kahit anong mangyari" sabi pa nito habang nag uunahan ang mga luha sa pisngi niya

"Oo naman" sagot ko sa kanya at niyakap siya "Pangako hindi ako bibitaw hanggang nakahawak kapa sakin, nandito lang ako hanggang kailangan mo ako" pangako ko sa kanya

"Kahit anong mangyari walang bibitaw sating dalawa lalaban tayong magkahawak ang kamay at hindi magpapa apekto sa sasabihin ng iba" sabi nito habang yakap yakap ako. "From this day until the end of my days I promise that these hands will hold you and never let you go" sabi pa niya na ikinangiti ko


"Talaga? Promise yan ah!" Tumatawang sabi ko pero umaasa at naniniwala sa kanya na tutuparin niya ang salita niya


"Yeah promise and I also promise to use more pleases, to always love you with all my heart because babe I already do" sabi nito na diretyong tumingin sa mata ko habang nakataas ang kanang kamay niya "I will love you forever and this heart will beat your name until it beats no more" hindi ko naman maiwasang mapaluha sa mga sinabi niya. Na touch kasi ako at ngayon ay pilit tinatago ang kilig na nararamdaman ko.


"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin ang nararamdaman ko, pero bago yon gusto ko munang mag thank you sayo" nakangiting sabi ko habang nakatingin kami sa isa't isa. "Babe thank you kasi dumating ka sa buhay ko, araw araw akong nagpapasalamat kay God kasi binigay ka niya sakin. Maraming mga tao, actually mga babae" sabi ko tsaka tumawa "I don't care what people say about us basta alam ko masaya ako at naniniwala ako na deserve ko maging masaya, bahala sila maubusan ng laway pero ipagdadamot kita kasi naniniwala ako na akin ka lang. Maraming mga bagay na hindi natin napagkakasunduan at nauuwi pa nga sa away kahit maliit lang na bagay diba?" Huminto ako sa pagsasalita at hinawakan ang magkabilang pisngi niya "Matt thank you. Thank you kasi lagi mo akong pinagbibigyan, thank you din sa mahabang pasensya mo sakin, sa pagtitiis sa katigasan ng ulo ko. Alam ko hindi ako nababagay sayo pero hanggat gusto mo'ko mananatili ako sa tabi mo. Ang tanging maipapangako ko lang naman sayo ay ang pagmamahal ko na hindi mawawala kailanman" mahabang sabi ko. Hinawakan naman ni Matt ang kamay kong nasa pisngi niya.

"Babe thank you for making me happy. Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo" sabi nito tsaka niya ako dinampihan ng halik sa labi


Natapos ang drama naming dalawa at nilagay namin sa phone niya yung regalo kong key chain sa kanya. Isang stainless stell yon na ukit aso na may naka engraved na pangalan ko. Pinakita ko naman ang partner ng key chain na binigay ko na nakasabit na sa phone ko. Isa naman itong pusa at naka engraved don ang pangalan ni Matt.

*******

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon