Nadine's Pov
"Girls may napili na kayo?" Tanong ni Sync sa mga babaeng kasama namin
"Kung ano nalang ang inyo ganoon nalang din ang amin" sagot naman ni Natalie na sinang ayunan naman nila Mimi at Ericka
"What about you?" Bulong sa tenga ko ni Matt
"Ano ba ang mura dito?" Mahinang tanong ko habang tinitignan ang menu
"Akin na nga yan" sabi nito tsaka hinablot ang menu sakin at inabot na sa waiter na naghihintay
Spinach and three cheese manicotti, pesto grilled shrimp, steak creamy peppercorn Sauce ang natatandaan kong inorder ni Matt para samin.
"So Nadine, sa Montreal University ka pala nag aaral?" Tanong ng nakangiting si Mimi sakin
"Hmm.. oo" tumangong sagot ko kasabay ng ngiti sa labi
"Anong course mo?" Sunod na tanong pa nito
"Education" mabilis na sagot ko
"Wow! Future educator ka pala. May Education din palang course sa MU no?" Sabi pa niya na parang may ibang ibig sabihin sa huling sinabi
Natural sa University ako nag aaral kaya siguradong may education courses silang inooffer.
"Hmm.. yeah" sagot ko nalang at tipid na ngumiti
"May mga kakilala akong students din sa MU eh but I doubt it kung kilala mo sila" sabi pa nito
"Siguro nga hindi kasi ako masyadong sumasali sa mga activities sa school namin" sagot ko sa kanya
Kahit naman anti social ako sigurado naman ako na mas marami parin akong kakilala sa kanya sa school. Tsaka itong tatlong kasama ko ay schoolmate ko at masasabing kaibigan ko narin?
"Ang dami kong nababalitaan na nagkukunwaring nag aaral sa MU wearing uniforms din para lang makakilala ng mga parokyano nila" biglang sabi nito
"Ha? What do you mean?" Naguguluhang tanong ko
"Alam mo na yon" sabi nito tsaka tumawa
Hindi ko talaga siya gets sa gusto niyang sabihin pero nguniti nalang ako sa kanya at pilit na nakitawa.
"Ikaw nag aaral pa?" Lakas loob na tanong ko sa kay Mimi
"Graduate na ako I take up Accountancy" sagot nito sakin
"Cpa kana?" Nakangiting tanong ko sa kanya
"What? Anong cpa?" Kunot noong tanong niya
"Huh?" Naguguluhang tanong ko din sa kanya "uhm.. nakapag uniform examination ka naba?" Tanong ko nalang
"You mean bar exam?" Tanong niya "hindi pa eh pero nag rereview na ako" sagot nito
Napakunot ako ng noo tsaka tumango nalang. Napatingin naman ako kay Matt na pigil ang pagtawang nakatingin sakin. Sinimangutan ko nalang siya at umirap.
"Saang school ka nag aral?" Tanong naman ni Sync kay Mimi na pigil ang pagtawa. Tumingin naman ako kay Zin na ngayon ay nakayuko at tinatakpan ang mukha
"Sa UST" proud na sagot ni Mimi
"Ano kasi name ng basketball team niyo? Nanood kasi ako ng NCAA pero green archers nanalo nun" Tanong pa ni Sync
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomansaRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...