Nadine's Pov
"Nakalimutan kong i kwento, may nakilala akong babae kanina sa supermarket bago ka dumating" sabi ko habang inaayos namin ang mga pinamili namin kanina
"And then?" Tanong nito sabay kuha sa corned beef na inaabot ko sa kanya
"Wala lang, ang ganda kasi niya at ang bait pa"
Tumingin naman ito sakin at timitigan ako.
"You're the most beautiful woman that I've ever seen. And you are even more beautiful in my eyes now" sabi nito tsaka niya ako ninakawan ng mabilis na halik sa labi
"Sira! Baka kapag nakita mo siya sabihin mo wala kang girlfriend"
"Don't be silly. That wouldn't happen" ginulo nito ang buhok ko at ngumuso nalang ako.
"Malalaman ko rin kapag nakita mo siya" sabi ko pa tsaka pinanood nalang siya sa ginagawa
Lumingon ulit siya sakin at tinitigan ako.
"These eyes are full of love and it's only for you. I am so in love with you and I want to shout it to the world and tell everyone that I have the most beautiful woman and the most perfect love in the world" sabi nito na diretyong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko naman mapigilan ang matawa at kiligin.
"Sira ka talaga! Bilisan mo na nga diyan hintayin nalang kita sa sala"
Pumunta ako sa sala at binuksan ang tv. Ako nalang yata sa mundo ang may kuba at 14 inches na tv. Mabuti nalang malinaw ang channel 7 thank you parin kay God at may nagagamit parin ako.
"Ano pinapanood mo?" Tanong nito at tumabi sakin
"Imbestigador. Bakit kaya may mga taong masahol pa sa hayop? Paano nila naaatim pagsamantalahan ang isang bata tapos papatayin pa nila. Dapat sa mga to bitayin eh" sabi ko habang nakatutok ang mga mata sa tv
"Hindi natin alam ang takbo ng mga utak ng tao lalo na kapag naka droga" sagot nito sakin
"Wala naman kasi talagang nagagawang tama ang droga, tsaka dapat talaga magkaroon ng death penalty dito sa Pilipinas at masampolan yung mga rapist na yan at hindi pamarisan" gigil na sabi ko
"Kaya ikaw mag ingat ka lalo't mag isa ka lang dito. Yung mga bilin ko huwag mong kalilimutan" pangaral pa nito
"Parang ikaw si Papa lagi pinapaalala mga bintana at pintuan ko haha" natatawang sabi ko
"Pinapag ingat ka lang namin dahil iba na panahon ngayon, hindi mo alam may nagmamasid na pala sayo diyan at konting pagkakamali mo lang magkakaroon sila ng pagkakataon para saktan ka"
"Huwag mo nga akong takutin! Tatlong taon na akong nakatira dito at mababait mga kapitbahay ko"
"Babe pinapag ingat lang kita. Hindi ko naman sinabi masamang tao mga kapitbahay mo pero hindi natin masasabi. Ang akin lang mag doble ingat ka"
"Oo na. Nag iingat naman ako eh. Tsaka kahit gusto nila akong luoban dito siguradong mahihirapan sila. Tatlong kandado bawat pinto nilagay mo pati nga sa banyo tatlo nilagay mo"
"Mapapanatag lang ako kapag alam kong safe ka"
"Ay sus! Pero babe ngayon ko lang napansin, matangos pala ilong mo no? Makapal din kilay mo" sabi ko na pinadaan pa hintuturong daliri ko sa kilay niya
"Ngayon mo lang talaga napansin?"
"Oo nga! Kasi ang lagi kong napapansin ay ang mga labi mo. Ang pula kasi naglalagay kaba ng lip gloss?"
Pinahid naman nito ang labi niya gamit ang kamay niya at pinakita sakin na walang nakalagay na lip gloss doon.
"Swerte mo hindi mo na kailangan magpahid ng lip gloss para pumula labi mo ako kailangan ko pa maglagay ng lip gloss para magkakulay lips ko" nakangusong sabi ko
"Hindi mo naman kailangan ang lip gloss para pumula ang labi mo, pwede naman ganito" sabi niya at walang sabi sabing inilapat nito ang labi niya sa labi ko. Pumikit nalang ako at kinawit sa leeg niya ang dalawang kamay ko.
Mabagal ang pag galaw ng labi niya na parang tinutukso ang mga labi ko. Unti unti akong tumugon at nakisabay sa galaw ng mga labi niya. Naghiwalay sandali ang mga labi namin at dinkit ang noo niya sa noo ko. Nagkiskisan ang mga ilong namin at muling naglapat ang labi naming dalawa.
Noong una ay mabagal na tila nanunukso hanggang sa mas humigpit ang pagkakayakap namin dalawa at nagkaroon ng diin sa mga labi namin. Napaawang ang ibabang labi ko ng kagatin at sipsipin niya yon. Mahinang napaungol ako.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa may hita niya at kung paano napaupo doon. Pero wala na akong pake, ang gusto ko lang ay ang labi at munting dila nito na kumikiliti sa mga labi ko.
Naghiwalay ang mga labi namin at kapwa kami habol hininga. Nakangiti si Matt habang nakahawak sa balikat ko at pinagmamasdan ako. Hiyang hiya naman ako at nagtangkang umalis sa lap niya pero pinigilan niya ako. Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang dalawang palad at kinagat ang ibabang labi.
"Come closer let me see your face" natatawang sabi nito halatang pinagtitripan ako umiling ako ng maraming beses hanggang sa pinigilan nito ang ulo ko sa pag iling at tinanggal ang mga kamay ko sa mulkha. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya "Don't do that" sabi pa niya
"Alin?" Naguguluhang tanong ko
"Bitting your lips" sagot naman niya. Muli akong napakagat sa labi ko at tinakpan yon ng dalawang palad ko
"Kung ano man tumatakbo sa utak mo ngayon tumigil ka" utos ko tsaka umalis sa lap niya at umupo na medyo malayo sa kanya
"Hahaha! I am trying really hard to be a good, respectful guy here and seeing you bitting your lips threaten my resolve" nakangising sabi nito
"Tse! Tumigil kana diyan!" Kunwari inis na sabi ko.
Pasimpleng kinagat at nilasahan ko ang labi ko na tila namamaga. Ano ba kasi yung nangyari kanina at nawala ako sa katinuan.
"Babe patingin nga ng lips mo" parang nambibwisit na sabi pa nito. Tinignan ko naman siya ng masama. "See? You don't need to put a lip balm on your lips to make it red" sabi pa niya tsaka tumawa "your face is red too" pinalo ko siya ng throw pillow ng maraming beses dahil ayaw parin niyang tumigil "aww.. you're blushing so cute" tuloy parin niya sa pang aasar
"Tama na! Ayoko na!" Sigaw ko sa kanya pero pinapalo parin siya dahil ayaw niyang tumigil sa kakatawa "hindi ka titigil?!" Inis na tanong ko tsaka ako huminto sa pagpalo sa kanya,
"Ang cute mo kasi" sagot nito na hindi parin mapigilan ang pagtawa
Sumalampak ako sa hita niya at hinila ang kwelyo ng suot nitong polo shirt. Inilapit ko rin ang mukha ko sa kanya at bahagyang binuka ang bibig. Ramdam ko naman ang kamay niyang humawak sa may baywang ko. Pumikit ako at unti unting tinatawid ang pagitan ng mukha naming dalawa. Isinayad ko ang labi ko sa naka abang niyang labi para takamin siya at ng subukan nitong halikan ako ay boom! Nilayo ko na mukha ko sa kanya tsaka nginudngud ang throw pillow sa mukha niya. Nakaganti din ako at nasakin ang huling halakhak.
********
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomansaRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...