Nadine's Pov
Late na ako ng sa next subject ko ng makabalik kami ni Matt. Todo sorry pa siya sakin dahil hindi nito natupad ang promise niya na before one pm ay nasa school na kami. Naiintindihan ko naman at hindi niya kasalanan kung bakit late kami.
Pumunta ulit kami sa tambayan nila at agad nitong kinuha yung nasirang cell phone niya. Kinuha nito yung sim card at memory card tsaka niya ito nilipat sa bagong bili niyang phone. Hindi nagtagal ay dumating na din ang nagtatawanan na sina Zin at Sync.
"Nandito pala kayo akala ko ba papasok kayo?" Tanong ni Zin samin ng maabutan nila kami ni Matt
"Na late siya" sagot ni Matt na matalim na tumingin kay Zin
"Woah! Ayoko yang tingin mo sakin bro" natatawang sabi naman ni Zin. Umupo naman sa tabi ko si Sync at nakangiting tumingin sa dalawa
Iniwas naman ni Matt ang tingin kay Zin at sumandal sa sofa. Pumikit ito at hinila pa ako palapit sa kanya. Hindi nalang ako umangal dahil alam kong bad mood parin siya.
"Grabe yung tawa mo kanina Zin muntik na akong mahawa sayo" sabi ni Sync tsaka tumawa
"Alin? Yung nasa resto tayo? Hahahaha!" Tanong pa nito kay Sync tsaka bumulanghit ulit ng tawa
"Pfftt" napatingin naman ako kay Matt na pinipigilan ang pagtawa hanggang sa hindi na niya ata nakayanan at tumawa na nga.
Napangiti naman ako habang minamasdan ko yung tatlo. Hawak na ni Zin ang tyan niya at naiiyak na sa kakatawa. Ngayon ko lang din nakita si Matt na tumatawa lagi kasi siyang seryoso o kaya naman yung galit na mukha niya nakikitako.
"Sino ba naman hindi matatawa don graduate daw siya ng Accountancy pero hindi alam ang cpa" sabi ni Sync na humalaklak
"Darn! Accounting nga daw tapos bar exam nirereview niya! Wahahaha!" Hindi ko naman napigilan ang hindi matawa. Naalala ko tuloy bigla si Mimi.
"She graduated at UST pero Tamaraws daw pangalan ng varsity team nila" sabi naman ni Matt. Tawanan na naman ulit sila at maging ako ay nahawa na din sa kanila at nakitawa
"Bakit kasi hindi niyo siya kinorek kanina? Ang rude niyo" sabi ko pa
"Babe what we do is not being rude, mas mapapahiya siya kung tinama natin siya kanina" sagot ni Matt
"Ehh? Hindi ko naman alam kung ano varsity name ng UST eh. Tsaka akala ko nalito lang siya nung sabihin niyang bar exam nirereview niya instead of board exam" nakangusong sagot ko
"She doesn't even know the meaning of cpa. Dapat nag research muna siya sa character na gusto niyang i role play" sabi ni Sync
"Nagtaka nga ako kung bakit hindi niya alam yon" sabi ko tsaka kinuha yung phone na binili sakin ni Matt at sinearch kung ako yung pangalan ng UST varsity team at kung saan yung sa Tamaraws na binanggit ni Mimi.
Napangiwi ako ng makitang Growling Tigers pala basketball team ng UST at sa FEU naman ang sa Tamaraws.
"OmGee! Totoo kayang nag graduate siya sa UST? Baka sa ibang school siya nag aral o kaya galing siya sa FEU!" Sabi ko.
Tinignan naman nila ako. Umiiling na tinignan ako ni Zin bago binalik ang mga mata sa phone niya. Si Sync naman ay nakangiwi at umiling rin. Pagtingin ko naman kay Matt ay sapol ang throw pillow sa ulo ko. Hindi pa siya nakuntento sa isang hampas sa ulo ko ng pillow kundi tinatlo pa at tuwang tuwa pa siya.
"Let's take a picture together" sabi nito sabay hila sakin.
Hinawakan nito ang ulo ko at ginulo ang buhok, tinignan siya ng masama sabay click sa camera ng phone niya.
"Hala! Patingin nga!" Sabi ko at pilit kinukuha ang phone niya sa kanya "burahin mo yan!" Inis na sigaw ko sa kanya
"Don't wanna you look cute on this picture" sabi nito tsaka pinakita sakin. Hindi naman pala gaanong kasama pagkakakuha. Magulo lang ang buhok ko at nakasimangot ako.
Nang tangkain kong kunin yung phone para burahin yung picture ay bigla itong tumayo at ngumisi sakin.
"Tsk!" Inis na sabi ko tsaka tinignan yung phone ko na bigay ni Matt. Dahil bago pa siya ay kailangan ko mag sign it ulit sa mga social media account ko. May facebook, twitter at Instagram ako pero walang laman. May mga post naman ako sa facebook pero karamihan ay shares lang.
Pag open ko ng facebook account ko ay nagulat ako sa dami ng notifications, message at friend request. Inuna kong tinignan yung notifications at ng tignan ko ay naka tag ako kay Matt Hiram Roxas na in a relationship.
Hindi makapaniwalang tinignan ko si Matt pero hindi ko muna siya kinarate. Tinignan ko muna yung tag niya at ang mga nag comments. Wala naman akong nababasang bad comments at halos congratulations lang ang nakalagay.
Muling may nag pop na sunod sunod na notifications sakin at ng tignan ko iyon ay nakita ko ang mukha ko doon kasama si Matt. Ginawa niyang profile picture yung picture naming dalawa na may caption pa na "happiness means you"
Nag init ang mga pisngi ko sa nabasa ko at tinitigan ang picture naming dalawa ni Matt. Gusto ko sanang mag comment kaso huwag nalang pala.
Tinignan ko ang sangkaterbang message request ko at ilan doon ay mga nag cocongratulate samin ni Matt ang ilan naman ay mga haters ko. Tsk! Dahil sa lalaking to ang dami ko na tuloy haters. Napatingin ako kay Matt na ngayon ay abala na sa paglalaro ng mobile legends. Ngayon ko lang naisip na kahit nag umpisa kami sa hindi magandang pagkakaintindihan ay masaya ako dahil nakilala ko siya. Pero nabibwiset parin ako sa kanya.
*******
Hi guys! I need 20 votes for this chapter para sa next update. Thanks!
- beberose_28
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...