Chapter Thirty Four

193 11 0
                                    

Matt's Pov

"I've already found a job ang problema ko lang ngayon ay wala akong pera kahit pamasahe lang pag papasok sa trabaho" I look down and sigh

"Problema ba yon? Take my card bro gamitin mo muna" sabi ni Sync na inaabot sakin ang isa sa mga cards niya


Umiling ako.

"Kapag tinanggap ko yan sigurado malalaman ng magulang ko na tinutulungan niyo ako, ayokong madamay kayo sa gulo ng pamilya namin. Pinili ko ang buhay ko ngayon kaya kailangan ko 'tong panindigan"

"Bro naiintindihan namin pero paano ka? Hindi naman pwede tumanganga nalang kami at pagmasdan kang nahihirapan. Ikaw na nga nagsabi na wala ka kahit pamasahe lang diba?" Sabi naman ni Zin na umupo paharap sakin


"Kung pauutangin niyo ako kahit na limang libo lang sobrang laking tulong na yon, pangako babayaran ko yon" sabi ko


"Kahit hindi mo na bayaran" sabi ni Zin na dinukot ang pitaka sa bulsa at nilabas ang limang libong piso "sigurado kaba na limang libo lang? Dagdagan na natin" sabi pa nito na nilabas ang lahat ng cash niya sa wallet at inabot sakin

Napangiti ako at kinuha ko ang mga perang inaabot niya sakin.

"Okay na ang five thousand" sabi ko sabay sauli ng sobra sa limang libo na binigay niya "pagka sahod ko babayaran ko'to" sabi ko pa

"Alam mong walang kwenta ang limang libo satin bro, isipin mo nalang nilibre kita ng pizza" natatawang sabi pa ni Zin

"Pero bro kailan mo sasabihin kay Nads to?" Nag aalalang tanong ni Sync

"Sasabihin ko din naman, hindi nga lang sa ngayon. Ayokong mag alala siya at baka maapektuhan pag aaral niya"

"E ang pag aaral mo ano balak mo?"

"Tsaka ko na iisipin yon"


"Okay ka lang ba dito? Pwede ka mag stay sa condo ko ako lang naman mag isa doon" sabi naman ni Zin

"Bukas din bahay namin sayo" sabi naman ni Sync


"Tulad nga ng sabi ko, ayokong madamay kayo sa problema ko. Kilala niyo naman ang Daddy ko, hindi yun basta mananahimik lang"


********

Nadine's Pov

"Ano nakain mo at hindi mo gamit ang kotse mo?" Nagtatakang tanong ko kay Matt habang sakay kami sa kotse ni Zin at hinahatid ako pauwi. Ngayon palang kasi kami nakisakay sa kotse ni Zin


"Nasira kasi babe nasa casa" nakangiting sagot niya sakin

Tumango tango nalang ako

"Paano nasira?" Sunod na tanong ko


"Uhm, tumigil nalang bigla habang nag d-drive ako"

"Buti nalang walang nangyaring masama sayo"

"Yeah, kaya habang hindi pa naaayos makikisakay na muna tayo kila Zin at Sync" sabi nito tsaka ngumiti sakin

"Hindi ba nakakahiya sa kanila?" Tanong ko

"Dapat lang talaga kayong mahiya, nakikisakay na nga lang kayo ginawa niyo pa akong driver niyo" sabat ni Zin na nakatingin sa rearview mirror tsaka tumawa

"Manahimik ka at mag drive ka nalang" sabi naman ni Matt

"Mag taxi nalang tayo bukas nakakahiya sa kanila" sambit ko

"Bakit kayo mag ta taxi nandito naman ako at willing maging driver niyo habang naglalambingan kayo diyan sa likuran ng kotse ko" tumatawang sabi ni Zin


"Nakakahiya kasi sa inyo ni Sync"

"Huwag kana mahiya mas mapapanatag kami kapag kami maghahatid sundo sayo delikado na panahon ngayon maraming mapag samantala" napatingin naman ako kay Zin na seryosong nag da drive. Napangiti ako dahil ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.

Tumingin ako kay Matt na nasa tabi ko at hinilig ang ulo ko sa balikat niya

"Promise bukas ako ang susundo sayo" sabi ni Matt at hinalikan ang ulo ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya

"Akala ko ba sira ang kotse mo?" Kunot noong tanong ko

"Oo nga, pwede naman tayong mag taxi" sagot niya na kinatango ko


"Ahh" tumatangong sabi ko


"Bro, pwede naman ako ang maghatid kay Nads sa school bukas" sabi naman ni Zin na nakatingin samin

"No it's okay, kailangan kong makakain ng breakfast na niluluto ni Nadine para magkaroon ako ng lakas sa buong araw" sabi naman ni Matt. Hindi ko naman mapigilan ang mapa ngiti


"Alright, ganito nalang. Susunduin ko nalang kayong dalawa sa bahay ni Nads para maka libreng breakfast na din ako" sabi ni Zin


"Okay lang ba sayo ang pandesal? Wala akong white bread sa bahay" nakangiting tanong ko


"Oo naman! Kahit matigas na pandesal pa yan kakainin ko basta may kape"


Masayang nagkwentuhan kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa bahay. Bago sila umalis ay sinigurado na okay lang ako. Inulit din ni Zin na susunduin niya kami ni Matt dito bukas kaya huwag daw kaming magmadaling umalis.

********

Love @ First Fight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon